Nang mapadilat si Sharon sa kanyang mga mata ay tuluyan ng nakalabas si Lukass sa silid niya. Lahat naman ng sinabi nito sa kanya ay malinaw niyang narinig. Pero bakit kaya nasabi nito na imposibleng maging sila? Ipinikit niyang muli ang mga mata at nagbabakasaling makatulog ulit siya. Ngunit hindi na siya dinalaw pa ng kanyang antok dahil masyado talaga niyang dinamdam ang sinabi sa kanya ni Lukass. Subalit hindi siya papayag na ganon-ganon nalang kaya't bumangon siya at pinuntahan niya ang lalaki sa sala. Nagulat naman si Lukass pagkakita nito sa kanya. "I'm sorry. Nagising ba kita?" "Oo." aniya tas sinabayan niya ng pagkabusangot ang mukha. "Bakit hindi mo ako sinamahang matulog?" Napamaang ito sa tanong niya. "I beg your pardon?" "You heard me. Bakit hindi mo ako sinamahang matulo

