Hindi na matandaan ni Sharon kung kailan siya nakatulog dahil basta nalang siyang napabalikwas ng bangon. Fire alarm yon ah. Uh-oh. Agad-agad naman niyang pinuntahan si Lukass sa sala at nagulat nalang siya nang madatnan niya ang lalaki na pinukpok nito ang kanyang cabinet ng martilyo. "Ano yang ginagawa mo?" she exclaimed. "Ba't mo sinira yang cabinet ko?" "Bibilhan nalang kita ng bago." sabi ni Lukass at pinulot nito ang duffel bag sa sahig. "Tara na." "Ayokong umalis pag hindi ko kasama si Mingkay." "Sino?" "Yong pusa ko." Pinaikot nito ang mga mata. "Duda ko kasi na walang totoong sunog at pakana lang ito ng mga tauhan ni Jaguar, nang sa ganon lisanin ng mga residente itong gusali para malaya nilang mahalughog itong unit mo." On her hands and knees, gumapang naman siya para hana

