Ibinigay ni Lukass kay Sharon ang rucksack na naglalaman sa kanilang mahalagang kagamitan. Samantalang si Lukass naman ang nagdadala sa mga mabibigat nilang gamit. Ang lalaki rin ang nagbuhat sa pusa gamit ang carrier nito. Nang makalabas na sila sa kanyang unit, nagtaka naman si Sharon kung bakit sa hagdan pa rin sila dumaan. "Mas mainam kung dito tayo sa hagdan dadaan dahil sigurado akong sa elevator sasakay ang mga tauhan ni Jaguar." turan ni Lukass na parang nababasa nito ang iniisip niya. Hindi na siya nagprotesta pa at sumunod nalang siya rito. Natakot man siya sa isiping may mga masasamang tao ng naghahabol sa kanila, but at the same time she was relieved that Lukass was with her. Dahil alam niyang hindi naman siguro siya pababayaan ng lalaki. It's just that it was a strange feeli

