Pasensyosong naghintay si Luke na tanggapin ng dalaga yong baril. Nanlaki ang mga mata nito habang nakatitig ito sa inabot niyang baril. Ano kaya ang kinakatakutan nito? or sino? Tao siguro siyempre. Ang tao lang naman ang may kakayahang gumawa ng kasamaan sa kapwa tao.
Pero alangan naman na maglulundag ito sa tuwa na binigyan niya ito ng baril. Weapons in the hands of an amateur, particularly a terrified female he'd just attacked, ay mabibigla talaga.
Ika nga nila kung hindi raw makuha sa santong dasalan, kukuhanin nalang daw sa santong paspasan. Eh malinaw naman niyang ipinaliwanag sa babae ang pakay niya, ngunit nagmamatigas pa rin ito. It had been gamble to give her exactly what she feared.
Ano ba naman ang alam niya sa mga babae? Hindi nga niya alam kung papano kumbinsihin ito.
Napalipat-lipat lang ang tingin nito sa baril niya at sa kanyang mukha. "Sino ka ba talaga?" halos bulong na wika nito.
"Sinabi ko na sayo. Isa akong sundalo, at kinailangan kong gamitin ang apartment mo para sa aking surveillance. Unfortunately, kailangan ko ang tulong mo. At hindi to matatapos kapag hindi ka pa rin magtitiwala sakin."
"At sa tingin mo, ganon lang yon kadali matapos mo akong itali?" bulalas nito.
"Maniniwala ka na ba sakin kung titigan kita sa iyong magagandang mga mata, at sasabihin ko sayo kung gano ako ka sincere na talagang nirerespeto ko kayong mga babae?"
She snorted, and her snort said it all.
Napapaatras ito hanggang sa bumangga ang mga binti nito sa silyang nasa likuran nito. Medyo namumutla rin ito.
Ipinalibot naman niya ang paningin sa buong unit. He had a hard time believing this place was actually decorated to reflect her taste. Tila wala kasi itong arte. Ang gusot-gusot nitong palda at simpleng blusa ay nagpapatunay lang na simpleng babae lang ito na namuhay sa simpleng tahanan. Gayunpaman, cute naman ito tingnan dahil sa maliit lang ang bulto ng katawan nito.
Kung pwede nga niyang pawiin ang lahat ng pag agam-agam at takot nito sa kanya, pero hindi niya alam kung pano ito pakikitungohan upang magtiwala na ito sa kanya.
Still, an urge to go to her, to kneel before her and coax her into his arms, nearly overcame him. He could close his eyes and imagine the feel of her. Naaamoy kasi niya ang mahalimuyak na bango nito na hindi niya matukoy kung sa buhok ba ito ng dalaga nagmumula, o sa mismong katawan nito.
Iwinaksi na lamang niya ito sa kanyang isipan. Narito kasi siya dahil sa kanyang misyon na itumba ang isang notoryos na drug lord at hindi sa kung anu-ano lang. Yes, he might be a killer, but he wasn't the kind of bastard who took advantage of a terrified woman.
"Tatawagin ko yong kapitbahay ko. Nang sa ganon masuri ka niya ng mabuti." Anunsyo nito.
Bigla naman siyang naalarma sa pahayag nito. "Wag!" Hindi pwedeng may makakaalam tungkol sa kanya. Death and mission failure would follow shortly if he was spotted by anyone. Hindi niya alam kung sino ang mapagkatiwalaan sa lugar na to.
Maling galaw lang nila kasama ang gurong ito baka pareho pa silang madedbol. Mahirap na nga niya itong kumbinsihin tas magdagdag pa ito ng isa pang alalahanin.
Napamulagat ito na tila mas lalong tumaas ang pagdududa nito sa katauhan niya.
Agad naman siyang nagpaliwanag sa dalaga. "Ito kasing lugar mo ang perfect spot para manmanan si Edgardo Jaguar. At sa napag-alaman ko, maraming tauhan si Jaguar na nakatira sa gusaling ito. Hindi ko rin matukoy kung sino ang mga yon. Kaya kailangang walang makakaalam na nandito ako ngayon."
"Pero mabuting tao naman si Gustavos at--"
"Magkakilala na ba kayo simula pagkabata?"
"H-hindi, pero--" nauutal nitong sabi.
"Hindi. Kaya hindi tayo sigurado kung isa ba siya sa mga tauhan ni Jaguar. Baka minamanmanan ka lang din niya. Bakit, malapit ba kayo na magkapitbahay ng Gustavos na iyon?"
Nag-aalangan naman itong sumagot.
"Papayagan mo na ba akong manatili rito para masimulan ko na ang aking pagmamatyag?"
Hindi na siya magtataka pa kung kay tagal nitong sumagot. Namayani ang katahimikan sa pagitan nila na umabot pa ng ilang minuto. Kaya naman wala siyang ibang ginawa kundi titigan ito. At doon niya napatanto na kay ganda pala ng mala-anghel na mukha nito sa malapitan. Simple lang naman ang kagandahang taglay nito. Kung artista pa ito, bagay ito sa pa tweetums na imahe.
And her eyes...so transparent. So readable. Her heart and everything in it was right there for a man to see. Kung siya maihahambing niya ang sarili na parang matatag na pader, ito naman ay parang nakabukas na bintana. She was the polar opposite of him.
At sa wakas nagparamdam din ito sa pamamagitan ng pagbuntong-hininga. "Oh siya sige, kung para nga talaga ito sa bayan." nag-aalangang pahayag nito.
Medyo nalaglag ang panga niya sa pahayag ng dalaga. Nasapian yata ito dahil biglang bumait. Ngunit, kinailangan pa rin niyang malaman ang background nito, kaya isa sa mga araw na ito ay ipapabackground check niya ito sa mga dating kasamahan. Nakasalalay kasi sa babaeng ito ang buhay niya at ang tagumpay ng kanyang misyon. Great. Just great.
Siguro naman sa wakas nagtitiwala na ito sa kanya na manatili sa bahay nito kahit hindi man lubosan. Sa totoo lang, akala talaga niya na hinding-hindi ito papayag. Buti nalang at hindi niya nagamitan ito ng santong paspasan dahil kinailangan talaga niyang magawa ang trabaho niya sa lalong madaling panahon. Lalo na't may bagyong paparating. Hirap kasing mag surveillance kapag umuulan.
"Aaminin kong natatakot talaga ako sayo." sambit nito.
A pang of genuine regret stabbed him. "I'm sorry talaga sa nagawa ko sayo kanina. Dapat hindi ko yon ginawa sayo."
Humugot ito ng isang malalim na hininga. "I had panic attacks a few times. Kaya pinagbabawalan ako ng psychiatrist ko na lumayo sa mga bagay na kinakatakutan ko. Hindi ko lang talaga inasahan ang pagdating mo."
Psychiatrist? May sayad kaya ito? But then protectiveness surged in his gut. Kailangan talaga niyang malaman kung pano ito nagkaroon ng panic attacks. Isa yon sa dapat niyang matuklasan sa babae.
Whoa! Easy ka lang tarzan. This particular Jane didn't need a macho man to rescue her. Hindi kasi siya yong tipo na pang knight in shining armor. He was a soldier honed to a killing edge, and nothing was going to change that.
Namayani ulit ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
Hindi nalang niya namalayan na kanina pa pala niya hinahaplos ang balahibo ng pusa. Thankfully, parang hiyang na hiyang naman ang pusa sa paghaplos niya. Nakatitig lang din si Sharon sa kanya hanggang sa una itong bumasag sa katahimikan nila. "Now what?"
"Now I set up my surveillance equipment here and get to work, habang ikaw mamuhay lang ng normal."
She sighed. "Normal naman talaga ang buhay namin ni Mingkay ng hindi ka pa dumating." mahinang saad nito sa sarili pero sakto lang na narinig niya.
Natamaan tuloy siya sa sinabi nito. Asintado nga ang pagkakatama nito sa kanya eh. "Ilalabas ko na ang mga kagamitan ko mula sa bag ha?" Malumanay na paalam nito.
Mukha naman itong nagulat sa paghingi niya ng permiso. Di kalaunan, napatango rin ito.
As he started rummaging through his gear and setting the first pieces he'd need on the floor, he spied something and pulled it out gratefully.
Tumayo siya saka binalingan ulit ang babae na kanina pa nakatitig sa baril na ibinigay niya. Then he asked quietly, "Gusto mong ilagay natin yan sa holster?"
"Mabuti pa nga." mabilis na tugon nito.
He walked across the living room and held the leather holster out. "Isabit mo ito sa balikat mo. Left-handed ka, kaya sa kanang balikat mo iyan isabit."
"Pano mo nalaman?"
"Napansin ko lang na yong ginamit mong kamay sa pagkalmot sakin ay yong kaliwang kamay mo."
At para malihis niya ang topic sa ibang usapan, naisipan niyang turuan nalang ito sa paggamit ng baril. "See the lever on the side of the weapon by your index finger? That's the safety. If you swing it up perpendicular to the gun's barrel, the weapon can't fire parallel to the barrel, and it's ready to go. Basta kalabitin mo lang yang gatilyo. Awtomatiko na yan once makakaputok ka na. Hawakan mo lang din yan ng maigi sakaling magpaputok ka dahil madadala ka talaga sa impak niyan."
"Arggh..." pinaikot nito ang mga mata.
Napatikhim naman siya. "Gusto mo bang tulongan kitang mailagay mo yang baril sa holster?"
Napatango ito. "Why are you being nice to me? May hihilingin ka na namang pabor sakin?"
Ahh. Sasakit ang ulo niya sa babaeng ito. "I'm not being nice. Tinuturuan lang kita sa wastong pagkakalagyan niyang baril na binigay ko sayo."
She jolted. "Pano kung aksidente ko itong mahulog?"
"Nah. Pagkaingatan mo at iwasan mong hindi mahulog yan."
She actually turned around and presented her back to him so he could slip the holster straps up her arms. Tinanggap niya ito at nag-aalangan siya dahil siya mismo ang magsusuot sa holster sa balikat ng dalaga. Nang sinimulan na niya itong isabit, he was too careful not to touch her skin as he ran the straps up her slender arms.
Ang bango-bango naman ng buhok nito. Ano kaya ang shampoo nito? sa isip niya. Sarap talagang amoyin ng buhok nito kahit buong araw pa. Putragis talaga itong holster na ito. Napalapit tuloy siya sa dalaga. He reached for the buckle and fumbled at the leather. Dammit! Hindi talaga niya maiwasang hindi magdikit ang mga balat nila. He felt the shiver between her shoulder blades at his touch.
He stepped back, feeling awkward all of a sudden. "Okay na. Gawin mo na ang mga nakasanayan mong gawin."
"Oo nga, mamamagpag pa ako ng mga balahibong kumapit diyan sa sofa."
Napatingin naman siya sa baril na nakasabit sa balikat ng dalaga. Hindi talaga ito bagay sa maliit na pigura nito.
Tinuloy na niya ang pag unload sa mga kagamitan sa loob ng bag niya. Saka kinuha niya mula roon ang dalawang nakabalot na malalaking paso. Napatingin naman sa kanya ang dalaga.
"Ano yan?"
"Paso. Bumili ka naman ng mga halaman oh, sa susunod na lumabas ka ng bahay mo."
"Para saan?"
"Para maitago ko itong mga surveillance gear ko." aniya saka inilabas niya mula sa kanyang bag ang isang batangas knife at pinaikot-ikot ito sa kanyang mga kamay. Subalit bigla nalang siyang nanigas ng tutukan siya ng dalaga ng matulis na patalim sa kanyang leeg. "What the--" napasulyap siya sa patalim na itinutok sa kanya. "Oh. Pocket knife ko pala ang ginamit mo."
Napatiim-bagang ito sa galit. "I want you to get rid of every weapon you've got."
Napakunot-noo siya. "Problema ho yan, Ma'am. Lahat kasi ng kagamitan mo dito sa apartment ay parang weapon ko na rin."
"Huh?" Inilibot nito ang paningin na parang nagugulohan.
"Pwede ko yang gamitin ang sofa mo para e suffocate ang isang tao. Yang sahig mo naman pwede ko yang gamiting pang untog. Yong mga nakahilera mo namang kutsilyo diyan sa kitchen counter mo, pwede ko rin yang gamiting panarget. At yang cover glass mo sa center table, pwede ko rin yang basagin at gawing panaksak. At itong mga paa at mga kamay ko, ito talaga ang mga lethal weapon ko."
Napapailing lang ang dalaga sa kanyang ulo at napatingin ito ng masama sa kanya. "Ayoko sa mga naisipan mo."
Napabuntong-hininga siya. "Alam ko. Ang hirap mo kasing e please. Marami pa yata akong bigas na kakainin para lang mapatunayan ko sayo na mapagkakatiwalaan mo ako."
She snapped. "Oh siya, since simula ngayon na magkasama na tayo dito sa bahay. Pwede bang tawagin mo nalang akong Sharon o di kaya Shawie. Naririndi na kasi ako sa kakatawag mo sakin ng binibini. Eh hindi naman ako contestant sa Binibining Pilipinas."
"Okay Shawie, maari ka bang pumasok muna sa silid mo habang siniset-up ko ang aking mga kagamitan? Baka matakot ka lang sa tripod na ilalagay ko."
"Ba't naman ako matatakot sa tripod? Gamit ko yan pag mag selfie eh."
"Dapat lang. Dahil iyon nga exactly ang gagamitin ko."
She shuddered. At padabog itong pumasok sa kanyang silid. Mas madali kasing mag set up pag walang taong mang usisa sa kanya.
He set up six cameras and put one on each window and to the main door. He installed two or more cameras at the front and side window. Each of his lenses was cleverly hidden in the black-and-white painted flowerpots. Each one was also equipped with motion detectors that would automatically start sending wireless video images to his laptop computer any time they detected movement of any kind.
Sinimulan na rin niyang ilagay ang dalawang paso sa windowsill, tas ikinabit niya ang mga wirings sa ibabaw ng kurtina. Sana lang hindi mapansin ang mga iyon ni Sharon.
In a few minutes, the cameras were up and running. Any time now, gagana na yong nilagay niyang sensors. Hanggang sa narinig niya ang beep warning sa pamamagitan ng kanyang wireless earpiece, and a video feed would be sent to his computer and to the writeable DVD system inside the armoire.
Tapos laptop naman niya ang kanyang sinet-up. He established a wireless connection with the cameras and opened windows on his screen, one for each video feed. At hayan na nga nakikita na niya sa kanyang monitor ang tapat na compound sa iba't ibang anggulo nito.
Ngunit nakaramdam naman siya ng pagkabahala sa babaeng nakatira sa bahay na ginamit niya sa pag su-surveillance.
Tinawag niya agad si Sharon nang matapos na niya ang ginagawa. "Tapos na ako, Shawie, kung gusto mo pang lumabas diyan."
Hindi siya nakakuha ng sagot mula rito, kaya minabuti nalang niya na e familiarize ang mga anggulo na nakikita niya sa camera.
Ang pag vibrate ng kanyang cellphone ang bigla namang nagpagulantang sa kanya. Tiningnan niya kung sino ang tumatawag bago niya ito sinagot. "Go ahead, agent Bachman." Walang paligoy-ligoy na saad niya.
"Kumusta na?"
"I'm in. Na install ko na rin yong mga camera at gumana na rin ito, two minutes ago lang. I'll be ready to test the satellite feed to you guys momentarily."
"Kumusta na nga pala si Ms. Manalastas?"
"Itinanong mo pa." mahinang turan niya sa kausap. "Sabihin nalang natin na dumaan muna ako sa sanlibong lubak-lubak na daan upang mapapayag ko lang ang babaeng iyon na kay hirap e please."
"Hindi na ako magtataka pa sa magiging reaksyon nito. Lalo na't hindi madali ang pinagdaanan nito."
"Sabihin mo sakin kung anong nalalaman mo sa kanya, Jenan."
"Our research team has been digging on her. At napag-alaman namin na, she had a case in the court."
"Anong kaso?" he blurted out.
"Hindi namin alam. It was sealed. Kailangan pa naming pumunta sa legal office to get permission to unseal the thing. Ang alam lang namin criminal case yon limang taon na ang nakaraan."
"Biktima ba siya?"
"Wala talaga akong ideya, Marcado."
"Ano pa ba ang nalalaman mo tungkol sa kanya?"
"Yon lang. We're working on the paperwork as fast as we can. Pero sige lang, makikiusap nalang ako ng ibang agent na gagawa sa pahabol mong request."
"Pwedeng urgent?"
"What's the rush?" pang-uusisa pa ni agent Bachman hanggang sa narinig niyang may tumawag sa atensyon ng babaeng agent. "Gotta go." Tas pinatay na nito ang tawag.
"Sinong kausap mo?" Biglang sulpot ni Sharon sa likuran niya.
Naalala niya tuloy ang naka file na kaso nito sa korte. Siguro naman hindi siya yong salarin kundi ito ang biktima.
His gut twisted. He wanted to believe the best of her. Alam niyang mabuting tao ito at kung anuman ang nangyari nito sa nakaraan baka nga ito ang sinasabi nitong banta sa kanyang buhay. After all he'd handed her his gun as her protection.
*****