Kasalukuyang nagluluto si Sharon nang pananghalian at hindi naman niya maiwasan ang panginginig sa kanyang mga kamay. Nasa hapag-kainan lang kasi niya ang lalaki habang kinalikot nito ang kanyang laptop.
At dahil nga sa tensyon kaya nagkandahulog tuloy ang mga kubyertos na ginagamit niya sa pagluto. Pero hindi man lang natinag ang lalaki sa nilikha niyang ingay, bagkos ay nagpatuloy lamang ito sa ginagawa.
"Gusto mo ng makakain?" tanong niya sa lalaki.
Napaangat ito ng mukha at mukhang nagulat pa ang kumag sa alok niya. "Uhh, sure."
"Gusto mo bang malaman kung anong niluluto ko?"
Napakibit-balikat lang ito.
"Maanghang na ginisang hipon ang niluluto ko."
"Alam ko."
Huh, malamang sa amoy ng hipon kaya nito nahulaan ang niluluto niya.
"Want some?"
"Allergic ako sa hipon." walang kangiti-ngiti na tugon nito. Kailan pa kaya niya makikita ang ungas na humalakhak ng tawa?
At dahil wala nga siyang ibang mapakain sa lalaki kaya't ginawan nalang niya ito ng tuna sandwich at saka ipinaghiwa niya ito ng isang slice ng watermelon. Tas ipinagtimpla niya ito ng iced tea.
"May hinihintay ka bang kasabay mong mag lunch?" tanong ng lalaki.
Tiningnan muna niya ang hinanda niyang pagkain bago siya napatingin sa mukha ni Lukass. "Para talaga sayo tong hinanda ko." pag amin niya.
"Depende kung kakainin ko yan."
Aba! may gana pa itong tumanggi, eh pinaghirapan nga niya itong handain para lang hindi ito magutom.
"Hindi kasi ako kumakain kapag hindi ako nakakapag burn ng calories. At dahil nasa surveillance mode ako ngayon, kaya hindi muna ako makakatakbo ng ilang araw."
Holy cow. Mas conscious pa ata ito kaysa babae.
"Alam mo namang nagtatago ako rito di ba? para hindi ako maispatan ng mga kalaban. At once nandito na ako sa loob, mahirap ng lumabas pa."
Umandar na naman ang pagka suspicious ni Sharon. "Yan ba talaga ang naka assign sayo palagi? Ang magmatyag?"
"Parang ganon na nga." sagot nito.
Huh! Sinong niloloko ng lalaking ito? She was not born yesterday. Kaya rin niyang kumilatis ng kilos ng tao.
Kinuha na ng lalaki ang binigay niyang tuna sandwich at inisang lamon lang ito. Whoa! Mukhang hindi nga ito nakakain ng ilang araw ah.
Ngunit habang pinagmamasdan niya ang bawat pagnguya ng lalaki, nabihag naman siya sa manipis at natural na mapupulang labi nito. Napaka senswal nitong tingnan habang kumakain.
Marahan naman niyang ipinilig ang ulo sa kalaswaang iniisip niya. Hindi siya dapat mag-isip ng ganon sa isang mapanganib na estranghero. My God, Shawie, nahihibang ka na ba? Hindi ka pa ba nadala sa dinanas mo?
Tuloy sa kakaisip, parang kinakapusan siya sa paghinga. Huminahon ka lang, Shawie. Breathe in. Breathe out.
"Ayos ka lang?" tanong ng lalaki sa kanya nang mapansin siguro nito ang balisang kilos niya.
"Yeah." aniya saka pilit niyang kinalma ang sarili. She had to distract herself. At kailangan rin niyang mag-isip nang mapag-usapan nila. "Ilang milya naman ang tatakbuhin mo?"
"Siguro mga seventy or eighty miles."
Her jaw dropped. "You can run that far all at once?"
"Oo, kung nasanay ka na sa pagtakbo. It's good to know you can go that far if you have to."
My Gosh, ang bilis siguro tumakbo ng lalaking ito.
Di kalaunan natapos rin nila ang pananghalian. Busog na busog siya sa kinaing hipon, samantalang hindi niya alam kung nabusog ba ang lalaki sa sandwich lang, malamang hindi. Ayaw na kasi niyang magtanong pa sa lalaki, mukhang seryoso na kasi ito sa ginagawa.
Nagulat na lamang siya nang bigla itong tumayo. "Kailangan kong makigamit ng banyo. Okay lang ba sayo? Mukhang isa lang kasi ang banyo mo."
Napakurap-kurap siya. "Oo, pero alangan naman sa kapitbahay ka pa makigamit, di ba?"
Napabuntong-hininga ito. "Sabihin mo lang kung ayaw mo, mag da-diaper nalang ako."
Joke ba iyon? Ang seryoso naman nitong mag joke. Gusto niyang tumawa pero parang seryoso kasi ito sa sinabi eh. "Pwede mo namang gamitin ang banyo anytime. Just feel free."
Tinalikuran na siya ng lalaki at nagtungo na nga ito sa direksyon ng banyo. Hinintay lang talaga niya ito hanggang sa makapasok ito ng tuluyan sa banyo bago niya gagawin ang kanyang naisipan.
Dali-dali niyang kinuha ang kanyang cellphone at kaagad nag dial ng numero. Ilang beses naman itong nag ring pero walang sumasagot. C'mon, c'mon. Sagutin mo na, please...
"Hello, this is PO2 Wilson of MPD, how may I help you?"
"Kristel, si Sharon Manalastas to. I need a favor, besh. Could you find out about a guy named Lukass Marcado for me? Isa siyang military. Major daw ang kanyang rank. Gusto ko lang malaman kung nagsasabi nga siya ng totoo."
"Oh My! Nanliligaw sayo ang military na yan noh?" Base sa narinig niyang hagikhik ng kababata, parang nanunudyo ito. "Kumusta ka na pala, Shawie?"
"Actually, na we-weirdohan sa mga nangyayari at the moment."
"What's up?"
"Hindi ko muna masabi sayo sa ngayon."
Biglang nag-iba ang tono sa kausap dahil parang may halo na itong pag-alala. "Are you in danger, besh? Kailangan mo ba ng tulong?"
"Wala sa dalawang sinabi mo, Kristel."
"Pero bakit hindi mo masabi sakin?"
Napahugot siya ng malalim na hininga. "Really, I'm fine, Kristel. May nakilala lang kasi akong lalaki...at gusto kong..."
"At gusto mong malaman ang katauhan niya? Right?" Si Kristel na ang sumagot para sa kanya.
"Well, yeah."
"Naku! Sa wakas! Tumanggap ka na rin ng manliligaw. Sana tuloy-tuloy na yan, besh. Nang sa ganon magka nobyo ka na rin. Saksakan siguro sa gwapo noh, kaya ka napapayag na ligawan? Pero wag kang mag-alala, e tsi-check ko kaagad ang background niya. Tatawagan nalang kita ulit after an hour, promise."
"Parang mas atat ka pa yata sakin, Kristel. Sige, hihintayin ko nalang ang tawag mo." huling saad niya saka ibinaba na niya ang tawag at ipinagpatuloy ang pagliligpit sa pinggan.
"Tutulongan na kita riyan." sambit ng lalaki mula sa likuran niya. Halos mapatalon naman siya sa gulat.
"Pasensya na kung nagulat kita." anito. "Lalakasan ko nalang ang mga yabag ko sa susunod para mahalata mo agad ang presensya ko."
Hindi agad siya nakapag react sa sinabi nito. "Kaya ko na ang paghuhugas, maliit na bagay."
Napatango lang ito saka nagtungo na ito sa likod ng kurtina sa may bintana. Hindi na lamang niya pinansin ang lalaki at sa halip ay sinimulan na niya ang paghuhugas ng pinggan.
Matapos siyang makapaghugas ay dumiretso siya sa kanyang silid. She curled up on her bed and tried to read, ngunit hindi niya maintindihan ang binabasa. Ganito kasi siya pag medyo na te-tense. Kaya kailangan niya ang may ibang pagkaabalahan.
Naisipan nalang niya ang magwalis sa kanyang silid, tas naglalampaso siya sa sahig na kahit langaw ay madudulas talaga sa kintab. Ngunit lumipas na ang isang oras at hindi pa rin siya tinatawagan ni Kristel. Kaya iba na naman ang naisipan niyang gawin. Tinupi niya ang lahat ng damit sa kanyang closet.
Isang oras na naman ang dumaan at hindi pa rin tumatawag ang besh niyang si Kristel. The panic started to creep up on her again. Bakit kaya hindi na napatawag ulit si Kristel? May natuklasan ba ito kay Lukass o wala?
Isang oras na naman ang dumaan. Hindi pa rin siya nakatanggap ng tawag mula sa kababata. Binuklat niya ulit ang kanyang libro pero wala pa rin sa binabasa niya ang kanyang pokus. Bothered siya kasi parang naghihintay siya sa wala. Ano bang nangyari? Ba't hindi tumatawag si Kristel? May pa promise-promise pa itong nalalaman pero hindi naman pala tinupad. Pambihira, sino ka ba talaga, Lukass Marcado?
*****