Chapter 6

1033 Words
Kung noon nakaramdam si Luke ng boredom o sobrang stress sa trabaho niya, hindi na ngayon. He actually found long surveillance missions like this relaxing. Anyway, nagawa na niya ang lahat ng dapat e-install. Ang kailangan nalang niya ay ang masusing pagmamatyag. He scanned the compound below frantically. Ngunit meron lang siyang kakaibang napansin. He noticed a tiny black tube protruding from the far corner. Bwesit! Isang infrared scanner. At nakaharap mismo sa gusali nila. Naalarma siya sa nakikita kaya dali-dali niyang pinuntahan si Sharon sa loob ng kwarto nito na wala man lang pasabi. Siyempre talagang nagulat ang dalaga sa pagpasok niya at literal na nanlalaki ang mga mata nito. Akmang sisigaw na sana ito nang maagap ang kilos niya at kaagad niyang natakpan ang bibig nito. Kaso lang nadaganan niya ito dahil nasa ibabaw siya ng dalaga. "Sharon," pilit niyang pinakalma ang boses. "Magtiwala kang hindi kita sasaktan." Subalit hindi niya inasahan ang susunod na ginawa nito dahil bigla nalang pinag-uuntog ni Sharon ang kanilang mga ulo. At ayon na nga, panandalian siyang nakakita ng mga umiikot na bituin. Nang makabawi siya mula sa pagkahilo, mas lalong idiniin niya ang pagkakadagan niya sa katawan ng dalaga habang nakahawak pa rin ang kamay niya sa bibig nito. "May infrared sensor!" agad-agad na paliwanag niya. Ngunit hindi pa rin nakikinig sa kanya ang dalaga at patuloy pa rin itong nagpupugmiglas. Tuloy para silang mga wrestler sa ibabaw ng kama. "Kumalma ka, Shawie. Kalma. I swear, hindi talaga kita sasaktan." pakiusap niya rito, pero tinuhoran lamang siya nito dahilan sa muntik na itong makawala. Buti nalang at hindi siya napurohan kundi basag talaga ang balls niya. His teeth gritted against the pain. "Sharon. Listen to me. Jaguar's men are scanning this building. Isang infrared sensor ang ginamit nila. Ibig sabihin, parang x-ray ang kuha non. Makikita nila ang bawat galaw ng mga tao sa loob ng gusaling ito." "Ang alam kasi nila na namuhay ka lang dito mag-isa. Kung nakikita na nila ako ngayon dito, sigurado akong nag imbestiga na sila. Swear to God, wala talaga akong intensyon na masama sayo. Kinailangan ko lang talagang tapusin ang misyon ko rito. Pero wag kang mag-alala, kung nakikita man nila tayo ngayon, mag-iisip lamang sila na nagtatalik tayo dahil nga sa kasalukuyang posisyon natin." Mahaba-habang paliwanag ni Luke. At sa nakikita niya parang kumalma na nga ang dalaga. Thank God. "Kung sisigaw ka kasi," dagdag na sabi ni Luke. "Malamang maririnig ka ng mga kapitbahay mo. At ang matindi pa baka tatawag sila ng pulis. Posibleng madiskubre ako ng mga kalaban pag nagkataon. Maari rin nilang lutuin ang storya at ipapakulong ako, or worst baka papatayin nila ako at madadamay ka pa. Naiintindihan mo ba ako?" Nanlaki ang mga mata ng dalaga pero di kalaunan ay napapatango rin ito sa kanya. "Kung tatanggalin ko na itong kamay kong nakatakip sa bibig mo, makakaasa ba akong hindi ka sisigaw?" Muli na naman itong napatango. Tinanggal na ni Luke ang kamay na nakatakip sa bibig nito. He held his breath for several seconds, at hindi na nga ito muling umimik pa. "I'm sorry kung natakot kita. Pero maniwala kang hindi kita sasaktan." paulit-ulit na sabi niya. "At base na rin sa posisyon natin ngayon, makakaasa kang hindi ako mapagsamantalang tao, lalong-lalo na sa isang babae." Turan niya kahit pilit niyang nilalabanan ang paninigas ng alaga niya. "Eh kailan ka pa ba aalis diyan sa ibabaw ko?" ika pa nito. He sighed. "Mga limang minuto pa ang itatagal." Namayani na naman ang katahimikan sa pagitan nila. Sino ba namang hindi? Napaka awkward kaya ng posisyon nila. Dali, mag-isip ka na ng mapag-usapan ninyo, Luke. Sa wakas unang binasag ni Sharon ang katahimikan nila. "Parang sanay na sanay ka yata sa ginagawa mo." "Anong ibig mong sabihin?" He snorted. "I mean from hiding this infrared scanner thing." Napakibit-balikat siya. Akala ba naman niya kung ano na ang iniisip nito. "Sa totoo lang, hindi ko pa naranasan ang maispatan ng aking target." Namayani ulit ang katahimikan sa pagitan nila. At ilang minuto pa ang nagdaan bago nakapagsalita muli si Sharon. "Gusto kong bawiin ang perang ibinayad ko sa aking self-defense instructor. Hindi kasi gumana sakin ang mga techniques niya. Katulad nalang ngayon na wala man lang akong kalaban-laban sayo." Sinagot niya ito. "Wag mong sabihin yan, kung tutuosin nga mas lamang ka ng dalawang points sakin kung sa boksing pa. Una yong pagkalmot mo sakin. Yong pangalawa naman ay muntik mo ng basagin ang pinakaiingatan ko na kayamanan." "Pero hindi pa rin kita natalo." "Wag mo ng isipin yan. Di bale ako nalang ang magtuturo sayo. Kadalasan kasi sa itinuturo ng self-defense classes ay yong simpleng pag attack lang ng kalaban. It's a whole diferent game to take down someone who's seriously motivated to kill you. You have to be prepared bago ka maunahan ng iyong kalaban. Kung gusto mo, ipapakita ko sayo ang ilang mga moves ng self-defense, isa sa mga araw na to." Napatitig naman ang dalaga sa kanya. "Ba't mo gagawin yon?" Napakunot-noo siya. "So you can feel safe." "Ligtas naman ako rito, di ba?" "I have to respond that true safety is an illusion. Nobody's ever safe." Napakurap-kurap ito. "Ba't mo naman nasabi yan?" "Because we're all subject to accidents, at hindi natin malalaman ang mga mangyayari satin sa darating na mga araw." Napakibit-balikat ito. "Siyempre, dahil hindi natin hawak ang ating mga buhay. But there's a lot of person can do to protect themselves from being the victim of a crime. Ano pang silbi ng mga alagad ng batas kung hindi naman nila kayang protektahan ang sambayanan?" "Kaya nga may mga taong willing magprotekta sayo, pero palagi mo naman siyang pinagtatabuyan palayo." Parang humuhugot ata siya ah. Pero huli na para bawian pa niya ang sinabi. Buti nalang at iniba ni Sharon ang kanilang pinag-usapan. "Malalaman mo ba yon pag maispatan ka ng mga kalaban?" Pero bago pa siya makasagot, isang pagkatok ang narinig nila na nagpagulantang sa kanila pareho. Walang kakurap-kurap naman niyang tinitigan si Shawie. "Mukhang naispatan na nga nila ako." *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD