Matamang napatitig si Sharon sa naglalarong emosyon sa mukha ni Lukass, ngunit habang tumatagal ay unti-unti naman niya itong nababasa. Wala itong intensyon na sagotin ang tanong niya. Alam niyang mabuting tao si Lukass. Kumbinsido na siya sa sarili niya ngayon. Hindi siya dapat matakot dito dahil tapat naman itong naglilingkod sa bayan. Naintindihan naman niya kung bakit hindi nito masagot ang tanong niya. Ganyan rin naman siya noong nagdaang mga taon. Marami kasing mga katanongan sa isip niya na hanggang ngayon wala pa rin siyang kasagutan. Tulad nalang kung nagsisisi ba si Judas sa ginawa nito sa kanya, o galit na galit ba ito sa kanya dahil sa pagkakulong nito. Yon naman ang nararapat sa kanya dahil halang ang kaluluwa nito. Hiling nalang niya na sana mabulok na ito ng tul

