Napahugot ng malalim na hininga si Luke habang pinagmamasdan niya si Shawie na ina-absorb pa nito ang naging rebelasyon niya. Inaasahan niya na tuluyan na ngang lalayo sa kanya ang dalaga. But surprisingly, she just sat there. Frozen. At tila yata kasalukuyan pang nagproseso ang utak nito. She must be in some sort of minor shock. "No, Shawie. Wala akong planong patayin ka. Sa katunayan nga, ginagawa ko ang lahat upang panatiliing ligtas ka, kaakibat ng pagtulong mo sakin." "Salamat, sana sapat yang ginagawa mo para panatiliing ligtas ako." He replied dryly. "Sana." "So you really can find out everything about me?" Napabuntong-hininga siya. "Yes. Dahil may kaibigan ako sa legal office na maari kong pakiusapan tungkol sa legal records mo." That finally launched her into motion.

