Namuo ang pawis sa noo ni Lukass nang maitutok na niya ang rifle sa kanyang target. Putragis, hindi naman siya ganito dati ah. Ba't ngayon pinagpawisan na siya? Concentrating fiercely, iwinaksi niya ang lahat ng alalahanin sa isipan. He could do this, dammit. Trabaho niya ito noon pa. Pokus lang, Luke. Breathe in, breathe out. Dapat walang emosyon at walang pagdadalawang isip. Inhale. Exhale. Hindi niya dapat intindihin ang sasabihin ni Shawie. Napamura siya sa sarili. Tangina. Naalala kasi niya ang mga sinasabi ni Shawie tungkol sa trabaho niya. Tuloy nawawala siya sa pokus. Failure was not an option. Disiplina lang naman sarili ang kailangan. He need to find his strength. Block out everything. As in everything. Dapat pokus lang siya sa baril niya at lalong-lalo na sa target niya. "Luka

