Hindi alam ni Sharon kung anong gagawin sa mga oras na yon. Something was terribly wrong with Lukass. Mukhang suicidal kasi ang ginagawa nito eh. Kasalanan din naman niya. Tuloy hindi na ito masyadong nakapokus sa kanyang trabaho. Kaya tama ito. She had to leave him alone. Let him do his job. Hayaan ito kung ano at kung sino talaga ito. Ang tanga lang niya kung maniwala pa siya na ang mga lalaking katulad ni Lukass na pusong-bato ay lalambot pa sa pamamagitan ng pagmamahal. It had been a terrible mistake to try, and apparently she'd nearly destroyed him in the process. How could she have been so stupid? Halos hindi niya maihakbang ang mga paa nang pababa na siya sa hagdan. At nang tuluyan na siyang makababa sa ground floor, hindi naman niya inasahan na makasalubong niya ang isa sa mga ta

