Chapter 85 In all means of Tinitignan maigi ni Rovie ang mga papel at ang mga files upang siguraduhin kung tama nga ba ang narinig niya kanina. Hindi siya makapaniwala sa mga nalaman niya at hindi alam ni Rovie kung ano ba ang mga irereact niya. Nalilito si Rovie at maraming katanungan sa isipan niya. Naguguluhan siya at pilit na iniintindi ang mga binabasa pero hindi talaga iyon maprocess ng isipan niya. Hindi niya rin maintindihan kung bakit kailangan itago ng kapatid niya sa kaniya ang tungkol sa bagay na iyon. Wala ba siyang karapatan na malaman ang buong katotohanan sa pagkatao nilang dalawa? "Anong ginagawa mo rito, Rovie?" Biglang napaharap si Rovie sa kambal ng pumasok ito sa sariling kwarto at tinanong siya. Hindi kumibo si Rovie bagamat ipinakita niya ang mga papel na haw

