Chapter 84 Twin's Parent "It's nice to meet you, Agent Clavius." Bati ng mag-asawang Dormer kay Alexis ng paunlakan niya ang mga ito sa imbitasyon nila sa kaniya. Hindi siya nakapag paalam kay Lorie na aalis siya kahapon. Hindi niya rin ito namessage dahil diretso na ang alis niya kahapon pagkadating sa airport. Malamang sa malamang ay magagalit sa kaniya ang kasintahan dahil nga sa hindi siya nagpaalam dito. Iba pa naman si Lorie at magkasing ugali nga silang dalawa. Mahirap pa naman suyuin ang nobya niya lalo na at siya pa ang may mali talaga. Kahit paano ay nakikilala na niya si Lorie at masasabi niyang kakaiba talaga ito kumpara sa mga ibang babae na nakilala niya noon. "It's nice to meet you both as well, your grace." Magalang na tugon ni Alexis sa mag-asawa at yumuko pa siya

