Chapter 83 Alexis is Gone Kinabukasan ay isang normal na araw lang para kina Lorie at Rovie kaya naisipan nilang pumasok sa coffee shop. Matagal-tagal na rin na hindi nakapasok si Lorie sa orihinal nilang trabaho at tinitiyak niya na namimiss na siya ng mga katrabaho niya roon. Pagkatapos magbihis ni Lorie ay hinintay niya ang kapatid na hindi pa tapos. Matagal at mabagal talaga ito lalo na at nagpapaganda na muna ito bago umalis. Nagtataka rin si Lorie kung nasaan na ang mga tao sa bahay nila dahil sobrang tahimik at ng tingnan niya ang mga guest room at wala na rin itong laman. Hindi niya alam kung saan nagpunta ang mga ito bagamat may sapantaha na si Lorie na naroon ang mga binata sa opisina nila. Siyempre may mga responsibilidad din ang mga ito sa sarili nilang mga trabaho pero

