CHAPTER 4

2282 Words
** BECCA’S POINT OF VIEW ** One thing is for sure, he’s not an ordinary playboy. Alam na alam niya kung paano mapa-oo ang babaeng nasa harap niya, well except me. Sa ilang araw ko na rito sa mansion ng mga Fuentabella ay mas nakilala ko sila. Palaging wala si Mrs. And Mr. Fuentabella at palaging mag-isang naiiwan rito si Sir Allen. Not exactly mag-isa dahil kung tutuusin ay may kasama siya halos gabi-gabi sa kwarto niya. Ngunit sa araw na ‘to ay umuwi si Mrs. And Mr. Fuentabella dahil may mahalagang meeting silang pupuntahan mag-asawa. Masyadong busy ang mag-asawang Fuentabella lalo na ngayon na narinig kong meron ulit silang panibagong hospital sa Davao. Hindi maipagkakailang mayayaman ang pamilya nila. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit iba si Allen sa kanila. Kung titingnan mo siya ay para bang wala siyang alam na kahit ano sa mundo kundi mambabae. “Becca!” tawag sa ‘kin ni Juliet sa ‘di kalayuan. Nakatayo kasi ako malapit sa pinto sa dinning area habang kumakain ang mga Fuentabella. “Bakit nakatayo ka pa dyan? Kunin mo ‘yung wine.” Agad naman akong sumunod at kinuha ang wine saka lumapit sa mahabang lamesa kung saan kumakain ang mga Fuentabella. “Thanks.” Narinig ko pang sabi ni Allen at nang sinulyapan ko siya ay agad niya akong kinindatan. Hindi ko ‘yun pinansin saka ako naglakad papunta sa may counter kung saan nakatayo si Belle. “Anong nangyari sa ‘yo? Ba’t ang pula ng pisngi mo?” bulong niya pero hindi na lang ako sumagot. Hindi ko alam kung bakit ganyan ako e-trato ni Allen. Hindi naman siya ganyan kay Belle at kay Ivy. Siguro dahil nasanay na ang mga kasamahan ko sa kanya kaya hindi na ito bago sa kanila? Teka? Paano ba ako tratohin ni sir Allen? Well, isang lingo niya na ring pinaparamdam sa ‘kin na interesado siya sa ‘kin. Hindi naman sa masyado akong feeling pero hindi ko naman sasabihin ‘to kung wala akong basehan. Tulad na lamang nong minsang naglilinis ako at nakita ko siyang nakatingin sa ‘kin. Hindi lang isang beses nangyari ang bagay na ‘yun dahil halos hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang nahuling nakatingin sa ‘kin. Hindi lang ‘yun dahil iba ang trato niya sa ‘kin kaisa kay Belle. Malambing ang boses niya sa tuwing kausap niya ako habang sa iba naman ay parang ang cold niya. Hindi lang rin ‘yun dahil kahit nong minsang nakita niya akong nasa itaas at naglilinis sa kwarto ng mag-asawang Fuentabella ay hindi man lang siya nagalit sa ‘kin. Minsan nga sinabi sa ‘kin ni Belle na baka ako ang paboritong mucha-cha ni Sir Allen dahil hindi siya nagagalit sa ‘kin. Wala rin naman siyang dapat ikagalit sa ‘kin. Minsan rin sinabi sa ‘kin ni Belle na baka bet ako ni sir Allen pero agad na nagsalita si Juliet na imposibleng mangyari ‘yun dahil hindi ako ang mga tipo ni Sir Allen. Tsk. Hindi ko naman sinabi na tulad ko ang mga tipo ni Sir Allen lalo pa at nakikita ko ang iba’t ibang klaseng babae ang dinadala niya rito sa mansion. Psh! “Becca, lutang ka na naman.” Narinig kong sabi ni Belle sa tabi ko at ngayon ko lang napansin na tapos na palang kumain ang mga Fuentabella at tanging kami na lang mga maids ang natira. “Sorry. Ano ‘yun?” tanong ko habang tinutulungan siyang magligpit ng napagkainan. “Tinatanong kita kung anong natapos mo. Narinig ko rin kasi si Ma’am Jenny na sinabi kay Sir Allen na mag-aral na siya sa susunod na school year. Kung hindi mo alam ay huminto si Sir Allen sa pag-aaral. Iba talaga ang mga mayaman, noh? Hindi nila nakikita ang kahalagahan ng edukasyon.” Mahabang wika ni Belle. Napahinto ako sa pagligpit ng mga plato at humarap sa kanya. “Bakit siya huminto sa pag-aaral?” “Dahil ayaw niyang sumunod sa yapak ng mga magulang niya. Ayaw niyang maging doctor at parang may phobia yata siya sa dugo. Hindi ‘yun matanggap ng mag-asawa at sinabing magpahinga muna siya ngayong taon sa pag-aaral. Sayang nga at hindi nag-aral si Sir Allen. May iba nga dyan na gustong mag-aral pero hindi kayang sustentohan ang sarili nila.” Pinapatamaan niya ba ako? Hindi naman sa hindi ko kayang sustentohan ang sarili ko. It really needs time and money para makapag-aral ako. “Ikaw, Becca? Gusto mo bang mag-aral ulit? Ano bang natapos mo?” “Hmmm. . High school graduate lang ako. Magka-college na sana pero nag-iipon pa ako.” Sagot ko naman habang pinagpatuloy ang pagliligpit na ‘min. Tumango-tango naman si Belle sa tabi ko at nang natapos kami ay saka kami ay nagulat kami pareho nang makita na ‘min si Mrs. Fuentabella na nakikinig pala sa usapan na ‘ming dalawa. Napayuko kami ni Belle saka nagmadaling umalis papunta sa kusina. Narinig niya ba lahat ng pinag-usapan na ‘min? Bakit hindi man lang siya nagalit na pinag-chichismisan na ‘min ang anak nila? Anyway, nevermind! Habang naglalaba ay hindi ko maiwasang isipin ang sinabi ni Belle kanina. Gusto ko bang mag-aral ulit? Syempre naman gusto kong mag-aral pero masyadong mahal ang tuition ng kursong gusto kong kunin. Ni hindi ko nga alam kung afford ko pa, hindi ko rin alam kung paano magsisimula at paano makakakuha ng scholarship. Napabuntong hininga na lamang ako. May mga taong gustong-gusto makapag-aral pero hindi kayang tustosan ang sarili nila habang ‘yung iba naman na may kaya at mayayaman ay sinasayang lang ang opportunity na makapag-aral. Ang mga tulad ni sir Allen ay parang hindi pwedeng maging doctor dahil paniguradong ang kukunin non ay Obstetrics & Gynecology. Mahirap na! “Becca! Becca!” napahinto ako sa ‘king paglalaba saka ko hinarap si Belle na tinatawag ang pangalan ko. “Bakit, Belle?” humahangos si Belle nang makalapit ito sa ‘kin. Inayos ko ang sarili ko saka humarap sa kanya. “Pinapatawag ka ni Ma’am Jenny at Sir Raul. Nasa itaas sila at hinihintay ka. Ako na lang muna dyan at puntahan mo na sila. Parang may importante silang sasabihin sa ‘yo.” Tumango naman ako at agad na nag-ayos dahil medyo nabasa rin ako ng tubig habang naglalaba ako kanina. Nang makapasok ako sa loob ng mansion ay agad kong nakita si Sir Allen sa sala at may kasama na naman itong ibang babae. Hindi na bago sa ‘kin ang bagay na ‘yun dahil halos lingo-lingo ay ibang babae ang dinadala niya. Ilang sandali pa ay sinulyapan niya ako saka niya medyo nilakasana ang boses niya. Hindi ko ‘yun pinansin at naglakad papalapit sa hagdan para puntahan ang mag-asawa sa itaas. “Of course, mag-aaral ako. I’m just enjoying my vacation. And yes, nasa larangan ng pagiging doctor ang pamilya ko kaya bakit ibang landas ang kukunin ko?” ngumisi ito at nang sulyapan ko siya ay nakatingin siya sa ‘kin kaya napakunot ang noo ko. Anong iniisip niya at para bang nagmamayabang na naman siya? “Eh ano bang gusto mong kunin, babe?” “Hmmm. I want to be psycologist babe. A medical doctor who evaluate and diagnose, and treat people with mental health disorder.” Agad akong napahinto sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Napataas ang kilay ko lalo pa at pumalakpak ang babaeng nasa harapan niya at para bang bilib na bilib kay Sir Allen. Napabuntong hininga na lang ako sa katangahan nilang dalawa kaya hindi ko na lang namalayan ang sarili kong nakatayo sa harap ng hagdan at saka ako humarap sa kanila. “Ang galing mo talaga, babe!” kinikilig na sabi ng babae ni Sir Allen. Napansin yata ni sir Allen na huminto ako at humarap sa direksyon nila kaya ngumiti siya sa ‘kin saka tumayo. “Ano ‘yun, Becca? May sasabihin ka ba?” pilyong ngiti niya na para bang pinapakita niya sa ‘kin na pareho silang walang utak ng babae niya. Ito ba ang rason kung bakit ayaw niyang mag-aral? Dahil itsura lang ang dala niya at tulad ng babaeng mukhang tutubi sa harapan niya ay wala rin itong utak?! “Sir . .” napabuntong hininga na lamang ako. Hindi dapat ako makialam kahit pa ang bobo ng amo ko. Wala naman akong pakialam doon dahil katulong lang naman ako sa bahay na ‘to. “Wala po, Sir.” Tumalikod ako pero agad akong pinigilan ni Sir Allen at tinawag ulit ang pangalan ko. “Di ba, Becca? ‘Yun naman talaga ang ibig sabihin ng Psychologist?” pagmamayabang niya na para bang saktong-sakto lang ang sinabi niya. Kung nasa ibang sitwasyon kami ngayon ay baka binatukan ko na siya dahil sa kabobohan niya. “‘Yun ang gusto kong kunin pag nag-aral ako. May mali ba –“ “Babe, bakit mo siya tinatanong? Paniguradong hindi niya tayo naiintindihan –“ napataas ang kilay ko pero kahit nainsulto ako sa walang utak na palakang mukhang clown na kaharap ni sir ay pinilit ko pa ring pinakalma ang sarili ko at ngumiti sa kanila. “No, Sir. Psychologists’ help people cope with life issues and mental health challenges. Hindi po sila ang nagda-diagnose at nag-eevaluate sa mga may mental health disorders that range in severity from mild and temporary to severe and chronic. When you visit a psychologist, they study the way you think, behave, and relate to other people and your environment.” “Really, Becca? So, mas may alam ka pa sa ‘kin?” nakangising tanong nito at nakita ko pang napasinghap ang babaeng nasa harapan niya na animoy hindi makapaniwala sa inasta ko pero ayokong mag mukhang bobo sa harap ng mga tangang ‘to. “Bakit, Becca, ano ba dapat ang Psycologist at anong pinagkaiba nito sa sinabi ko kanina?” “Psychologists find patterns that help them understand and predict behavior. They work with individuals, couples, and families to make desired life changes. They recognize and analyze mental, behavioral, and emotional disorders. Develop and carry out treatment plans and collaborate with physicians or social workers as necessary.” Pinilit kong maging polite sa harapan nila kahit ang totoo ay gusto kong sampalin ang katotohanan sa harap nila na ang bobobo nila. Ang pinagtataka ko lang ay bakit nakangisi lang si Sir Allen sa harapan ko na para bang alam na alam niya na alam ko ang isasagot ko sa kanya. “Psychiatrists are medical doctors who evaluate, diagnose, and treat people living with mental health disorders that range in severity from mild and temporary to severe and chronic. That’s what you said awhile ago, sir Allen. Psychiatrists provide urgent care for a sudden mental illness, help the patient manage long-term mental health conditions. They provide second opinions and advice to other doctors and health professionals. They refer to other health professionals and admit the patient to the hospital when necessary.” Napabuntong hininga ako habang nakaharap sa babaeng kanina lang ay iniinsulto ako. “Hindi ko naman po sinasabi na mali po kayo. May alam lang po ako sa bagay na ‘yun –“ “And what’s the difference of the two?” hindi niya ako pinatapos at tinanong sa ‘kin ang bagay na ‘yun. “Psychiatrists have medical degrees, psychologists do not. Psychiatrists can prescribe medicine, most psychologists cannot. Psychologists focus on behavior, psychiatrists provide a wide range of treatment. Psychologists treat less severe conditions, psychiatrists treat more complex mental health disorders.” Eat that! Mas lalong napanganga ang babaeng nasa tabi ni Sir Allen. My inner goddess smiled proudly. “In general, psychologists treat conditions that don’t require medication. These types of conditions can include behavioral problems, learning difficulties, anxiety, and mild cases of depression. Psychiatrists, on the other hand, tend to treat complex conditions that require medical treatment and psychological evaluations, including Schizophrenia, Bipolar disorder, severe depression.” Dugtong naman ni Sir Allen na siyang nagpahinto sa ‘kin. He knew! Alam niya pero bakit nagpanggap siyang bobo sa harapan ko? I mean sa harap ng hipon sa tabi niya? Naguguluhan ako! Ginawa niya lang ba ‘yun para ipahiya at ipakita kung gaano kabobo ang ka date niya? Hindi ko ma gets! “Sir –“ “If you’re experiencing life challenges and want to work on better understanding your thoughts and behaviors, you might help from seeing a psychologist. But if you’re dealing with more complex conditions that generally require medications, you can ask your primary care physician for a referral to see a psychiatrist.” Mahabang paliwanag nito. He was right! Napahanga niya ako. Habang nakatitig ako kay Sir Allen ay para bang mas naiintindihan ko na siya ngayon. “Am I right, Becca?” Hindi siya bobo at hindi sa ayaw niyang maging doctor. Maybe may gusto siyang patunayan o talagang isa lang siyang rebeldeng anak na gusto lang manglaspag ng kung sino-sinong babae. Matalino si Sir Allen at hindi siya iba sa pamilya niya. He’s trying to catch the attention of his parents na palaging busy sa hospital. Maybe it’s his way of saying na pansinin rin siya ng mga magulang niya sa pamamagitan ng pagpilit sa kanya na mag-aral. Siguro hindi niya alam kung para saan pa kung gagawin niya ang gusto ng mga magulang niya kung balewala lang rin naman ito sa kanila. Siguro nga normal na para sa mga mayayaman na may ganitong problema sa loob ng pamilya nila. Nakakalungkot lang isipin na nagiging normal ito para sa iba, nagiging tama ito sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD