** BECCA POINT OF VIEW **
Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin sa harapan ni Sir Allen. Nakatitig lang siya sa ‘kin na para bang may nagawa akong nagustohan niya. Sinagot ko lang naman ang tanong niya dahil ayokong mag mukhang bobo sa harapan nila.
Napayuko na lang ako, “Yes, Sir.”
“Hindi nga ako nagkamali sa ‘yo, Becca. Hindi ka lang ordinaryong katulong lamang.” Mahabang katahimikan bago ko muling narinig ang boses ng babaeng katabi niya.
“Babe –“ napahinto kaming lahat nang makarinig kami ng may pumalakpak mula sa itaas at nang inangat ko ang paningin ko sa itaas ng hagdan ay nakita kong nakatingin lang sa ‘min ang mag-asawang Fuentabella at para bang nanunood sila ng palabas sa ibaba nila.
Bigla tuloy ako nakaramdam ng hiya at pinaghalong kaba. Paniguradong narinig nila ang pinagsasabi ko. Hindi naman ako nagyayabang sa anak nila pero ang akala ko talaga ay hindi nito alam ang sinasabi niya kanina. Idagdag pa ang panginginsulto ng babaeng katabi ni Sir Allen. Kahit katulong lang kami sa bahay na ‘to ay may utak rin naman kami kahit papaano.
“I’m impressed.” Hindi ko namalayang nakapababa na pala mula sa hagdan ang mag asawang Fuentabella. Nakatingin sila sa ‘kin na para bang nakakita sila ng bulalakaw. Tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa, “The way you talked, hindi ka lang basta ordinaryong istudyanteng nakagraduate ng high school. Now tell me, valedictorian ka ba noon, hija?” napansin nila ang reaksyon ng mukha ko kaya mas lumapad ang ngiti nito.
“I told you, mom. Hindi siya basta katulong lang.” kinabahan ako sa sinabi ni Sir Allen at nang inangat ko ang paningin ko sa kanya ay nakatitig lang siya sa ‘kin habang ang katabi niyang babae ay halos hindi na malarawan ang mukha dahil sa inis na nakukuha ko ang atensyon ng lahat. “Beauty and brain. Minsan lang ako makakita ng ganyan.”
Tiningnan ni sir Fuentabella ang kanyang anak.
“You know that she’s off limits, anak.” Napatikhim si Sir Allen at mabilis na nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit sinabi ‘yun ni Mr. Fuentabella. Hindi naman sa interesado rin ako sa anak nila pero the way he said those words ay para bang pinagbabantaan niya ang anak niya. Maybe because I’m their maid kaya off limit ako. Psh! Of course! Mayaman sila at ayaw nilang magkagusto ang anak nila sa isang tulad ko. Hindi ko na lang pinansin ang pagkadismayang naramdaman ko. Bumalik ang atensyon ko kay Mrs. Fuentabella na hinawakan ang kamay ko.
“Gusto mo bang mag-aral, hija?” nagulat ako sa tanong ni ma’am Jenny kaya hindi agad ako nakasagot. Of course, gustong gusto kong mag-aral. Pero hindi ko ‘yun masabi sa kanila. Baka isipin nilang tini-take advantage ko ang kabaitan nila sa ‘kin. “Narinig ko kayong nag-uusap ni yaya Belle kanina. Interesado kang mag-aral pero nag-iipon ka pa. Ano bang gusto mong kuning kurso, hija?” inangat ko ang paningin ko sa kanya. “Don’t be shy. Gusto ko lang malaman.”
“Ano po kasi Ma’am . .” nilaro ko ang mga daliri ko saka ko sila sinulyapan at muling binalik ko ang paningin ko kay Ma’am Jenny. “Gusto ko pong maging psychologist.” Natahimik silang lahat sa naging sagot ko. Siguro nagtataka sila kanina kung bakit may alam ako sa larangan ng pagmi-medisina pero ang totoo ay nandoon ang aking hilig. Gusto ko ring maging doctor pero dahil sa mahal ng tuition ay mas pipiliin ko na lang ang psychology course. Hindi naman ako mahihirapan don lalo pa at may konteng kaalaman na ako sa medisina.
“Is becoming a psychologist the best choice for you?” tanong sa ‘kin ni Mr. Fuentabella. “Before you decide, spend some time seriously considering your goals and interests. Of course, looking at statistics can never offer a full view of the many aspects of a job. If you are considering psychology as a career, spend some time carefully researching your options in order to determine if this field is a good fit for your personality, needs, and long-term goals.” Lumapit sa ‘kin si Mr. Fuentabella saka tumabi ito kay Ma’am Jenny. Napatingin lang ako sa kanilang dalawa. Seryoso ang mga mukha nila at hinihintay ang sagot ko. Napalunok ako habang nakatitig sa dalawang mag-asawa na hinihintay ang magiging sagot ko.
“He’s right, hija. And earning a bachelor's degree in psychology alone will not qualify you to possess the title of psychologist, but it can be a great way to get into an entry-level psychology career or be a basis for entry into a psychology graduate program. And again, gusto mo pa rin bang mag-aral?” napalunok ako.
“Kahit naman po mahirap ang gusto kong kunin kurso ay ito talaga ang pinapangarap ko. Pangarap kong maintindihan ang mga bata, dalaga o binata at kahit matatanda sa pamamagitan ng isip at galaw nila.” Napayuko ako. Gusto kong tulungan ang mga kabataan an tulad kong may pinagdadaanan. Gusto kong intindihin sila at ipaintindi sa kanila na hindi matatapos ang buhay nila dahil sa mga napagdaanan nila sa buhay. “Nag iipon pa nga lang po ako para sa pag-aaral ko –“
Napahinto ako sa pagsasalita nang magsalita si Mrs. Fuentabella. Nakangiti siya sa ‘kin at nakita ko sa mga mata niyang natuwa siya sa naging sagot ko.
“Then, we can support your schooling, hija. Isa rin sa gusto na ‘min ni Raul ay mapaaral at matulungan ang mga kasambahay na ‘min na interesadong mag-aral. Hindi na nga lang gustong mag-aral nila Belle, Juliet at Ivy pero ikaw . . . nakita kong interesado ka at nakita kong matalino ka. We can be your sponsor if you like.” Napanganga ako sa sinabi ni Mrs. Fuentabella. Inakbayan naman ni Sir Raul ang kanyang asawa habang nakangiting hinihintay ang sagot ko.
“Pumayag ka na, Becca.” Nakita ko si Sir Allen sa likod ni Mr. Fuentabella at hinihintay rin ang sagot ko habang ang babaeng katabi ni sir Allen naman ay nakasimangot at nakacross arms pa habang nakatingin sa ‘kin. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Ganito pala ang ibig sabihin ng hot seat! Ang init pala sa pwet kahit nakatayo naman ako. Err! Hello, joke?
“Pag-iisipan ko po –“
“’Wag mo nang pag-isipan, Becca.” Putol sa ‘kin ni Sir Allen kaya napalingon kaming lahat sa kanya. Nakapamulsa itong nakatitig sa dereksyon ko saka ito tumikhim at nag-iwas ng tingin. “Tanggapin mo na ang alok ng mga magulang ko. Kung mag-aaral ka sa University na papasukan ko ay papasok na rin ako, mag-aaral na rin ako. I mean, gusto ko ring may tutor sa school.” Nagulat ako sa sinabi niya. Tutor? Anong akala niya sa sarili niya? Elementary?
“Anak . . .” narinig ko pang hindi makapaniwalang tawag sa kanya ni Mrs. Fuentabella. Alam kong matagal na nilang gustong mag-aral ulit ang anak nila. Paano ko nalaman? Simple lang, narinig ko ‘to sa mga kasamahan ko. Matagal na nilang nililigawan ang anak nila na mag-aral pero si Sir Allen ‘yung ayaw at nagmamatigas sa mga magulang niya. Matalino naman si Sir. Kung hindi lang siya babaero, mayabang at masungit ay baka nagustohan ko siya. Err! Ano ba tong nasa isip ko?!
“Babe –“ singit ng babae sa tabi niya. Kung wala lang sana tong mukhang tutubi na ‘to ay iisipin kong baka bet ako ni sir Allen pero imposible ang bagay na ‘yun. Malayong malayo ako sa mga babaeng dinadala niya at isa pa hindi rin ang mga tulad niya ang gusto ko. Ang pagkakaroon ng boyfriend ay nasa huli sa listahan ko. Err. Sino bang may sabing magbo-boyfriend ako?
“Becca?” tanong sa ‘kin ni Mr. Fuentabella. Napatitig ako sa kanila at hindi ko alam kung anong sumagi sa isip ko at basta na lang nila akong napasagot.
“Sige po, Mrs. And Mr. Fuentabelle. Pumapayag na po ako.”