** BECCA’s POINT OF VIEW **
Hindi ako makagalaw habang nakaharap sa salamin. Ngayon ang unang klase ko sa University na papasukan ko. Nakasuot ako ngayon ng uniform ng University at nakasuot rin ako ng ID ng Fuentabella Doctor University. Kaya naman pala gusto akong tulungan ng mag asawang Fuentabella dahil sila pala ang nagmamay-ari ng University na ‘to. Bakit hindi ko man lang naisip ‘yun? Pamilya sila ng mga Doctor kaya hindi imposibleng may sarili silang hospital at iskwelahan para sa mga tulad nila.
Napabuntong hininga na lamang ako saka lumapit sa bag pack ko na kulay itim. Hindi pa rin ako makapaniwalang mag-aaral na ako sa kolehiyo ngayon. Hindi ko alam kung bakit ako tinutulungan ng mag-asawang Fuentabella. Everyday ang klase ko tapos may trabaho pa ako sa mansyon. Sobrang bait nila sa ‘kin para bigyan ako ng special treatment tulad nito.
“Ang swerte mo naman, Becca.” Inangat ko ang paningin ko sa kararating na si Belle. Umupo siya sa tabi ko, “Matagal na rin kaming gustong paaralin ni Mrs. And Mr. Fuentabella pero hindi talaga para sa ‘min ang pag-aaral. Mabuti na lang at nakita nila ang potensyal mo.” Ngumiti ako sa kanya.
“Kaya nga mas kinakabahan ako ngayon, Belle. Paano kung mabigo ko sila? Ayokong magkamali lalo pa at tinutulungan nila ako.” Napayuko ako.
“’Wag mong isipin ‘yan, Becca. Natulungan mo rin naman sila dahil napapayag mo si Sir Allen na mag-aral ulit.” Nakangiting sagot nito.
Oo nga naman. Isa sa pinagtataka ko ay ang desisyon ni Sir Allen na mag-aral ulit. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ginawa niya pa akong rason para makapag-aral ulit. Hindi ko talaga siya maintindihan. Pagkatapos nung araw na pumayag ako sa alok sa ‘kin ng mag-asawa ay hindi na muling nakipag-usap sa ‘kin si Sir Allen. Madalas ko siyang nakikita sa itaas kung nasaan ang kwarto niya, minsan naman sa may pool area, sa kusina at sa veranda, ngunit hindi niya naman ako kinakausap. Madalas nahuhuli ko siyang nakatingin sa ‘kin pero hindi niya naman ako kinakausap.
“Ano kayang problema niya?” wala sa sariling tanong ko.
“Ha?” umiling lang ako kay Belle saka tumayo.
“Aalis na ako, Belle.” Paalam ko saka inayos ang mga gamit na dadalhin ko. Unang araw ko pa naman sa University ngayon at ayokong ma late! Mahirap na!
“Ay, oo nga pala. Hinahanap ka ni Sir Allen. Sabay na daw kayong pumunta sa University.” Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Belle. Ang pagsabay sa anak ng amo ko ay hindi ko linya. Lalo pa at lalaki siya, isa siyang malaking sumpa sa aking hinaharap. Psh! Ang lalim naman ng sinasabi ko eh hindi naman interesado sa ‘kin ‘yung tao.
Ngumiti ako kay Belle saka ako naunang lumabas. Sa likod ako dumaan dahil nandun rin ang susuotin kong sapatos. Mabuti na lang at may uniform kami sa University na papasukan ko. Hindi ko na paproblemahin ang susuotin kong damit pag nagkataon. Humarap muna ako sa salamin at tiningnan ang sarili ko. I’m wearing a white uniform, white pants and white blouse. Para nga akong nurse sa suot ko. I smiled saka ako lumabas.
“Hindi ba sinabi ni Belle sa ‘yo na hinahanap kita?”
“Ay palaka!” napalingon ako sa may pathway papunta sa gate at nakita ko si Sir Allen na nakaupo sa loob ng kotse niya habang nakadungaw sa ‘kin sa may bintana. Lumingon ako sa paligid na ‘min at siniguro kong nakaalis na ang mga magulang niya bago ako sumagot. “Hello, Sir Allen. Good morning rin po.” I said sarcastically pero agad ring nawala ang ngiti ko at napasimangot nang tinuro niya ang tabing upuan niya.
“Malayo rito ang University and its better for you to hop in.” Seryosong sabi niya at binuksan ang kabilang pinto ng kotse niya habang nasa loob siya at hinihintay akong pumasok. Wala na akong ibang nagawa kundi sundin siya. Hindi naman siguro masamang sumabay ako sa anak ng amo ko paminsan-minsan. Wala naman sigurong malisya ron ‘di ba? Err! Bakit binibigyan ko pa ng meaning? I rolled my eyes.
“Dito na lang po ako sa likod uupo sir –“
“Dito ka na sa harapan umupo para hindi ako mapagkamalang driver mo.” Seryosong putol niya sa ‘kin at muling pinaandar ang kotse niya. Mabilis naman akong pumasok sa loob ng kotse at nag seatbelt. Tiningnan ko siya pero seryoso lang ang mukha niya habang nakahawak sa manubela. Hindi nakaligtas sa ‘kin ang pag pikit niya ng madiin na para bang may naalala o may nangyaring hindi niya nagustohan. Minsan talaga ay hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan ni Allen.
“Sir –“ sinulyapan niya ako na para bang may sinabi akong masama. Napapikit siya saka tumikhim at pinaandar ang kotse niya. Anong problema niya? Sobrang tahimik na ‘min sa loob ng kotse pero hindi ko na rin pinilit na makipag-usap kay Sir Allen at baka masamain niya pa ang pakikipag-usap ko.
“Anong una mong subject ngayon?” napasulyap ako sa tanong niya. Nakatingin lang siya sa daan habang tinatanong sa ‘kin ang bagay na ‘yun. Sinabi ko naman sa kanya ang ilang subject ko ngayon na semester habang siya naman ay tumango-tango.
“Classmate pala tayo sa dalawang subject.” Tumango na lang ako dahil hindi ko rin alam kung anong isasagot ko. Nalaman ko rin sa mga magulang niya na gusto niyang maging psychiatrist kaya may mga subject na classmate kaming dalawa. Ngumiti lang ako bilang sagot at hindi na muling nagsalita pa si Sir Allen hanggang narating na ‘min ang University.
“Becca.” Tawag sa ‘kin ni Sir Allen kaya nilingon ko siya nang makababa na ako sa kotse niya.
“Ano po ‘yun, Sir?” tanong ko sa kanya nang makalabas siya sa kotse niya. Nandito kami ngayon sa parking lot ng University at tulad ng inaasahan ay marami na ring mga istudyante ang nagsidatingan. Kahit maaga pa ay may mga tulad kong bago lang rin sa University ang naglilibot na rin at hinahanap ang mga classroom nila.
Nanatiling nakatayo si Sir Allen sa harap ng kotse niya habang ang bag nito ay nakasabit sa likod niya at ang isang kamay nito ay nasa bulsa niya. Ngayon ko lang napansin kung gaano ka-charismatic si Sir Allen sa suot niyang uniform. Talagang mapapalingon sa kanya ang mga istudyanteng makakasalubong niya. Sinong mag-aakalang first year pa lamang ang lalaking ‘to eh kung titingnan mo siya ay para bang isa na siya sa mga senior sa hospital. Err! Hindi naman siya ganon ka matured pero dahil na rin siguro sa hubog ng kanyang katawan at pati na rin sa galaw ay makikita mong hindi lang siya basta-basta istudyante sa lugar na ‘to.
“Don’t call me Sir when were here. Just, Allen.” Simpleng sabi nito at saka tumikhim at naglakad papalayo sa kinatatayuan ko. Ano daw? Hindi ko agad na gets dahil English. Err! Pero gusto niyang tawagin ko lang siyang Allen? Why o why? Huminga ako ng malalim saka ako umalis sa parking lot ng iskwelahan at nagsimula nang hanapin ang aking room.
Halos lahat ng mga nakakasalubong ko ay nakasuot ng uniform. Napangiti ako sa ‘kin isipan. Sinong mag-aakala na makakapag-aral ako at hindi lang ‘yun, dito pa talaga mismo sa University na puro doctor at linya sa panggamot ako nag-aaral. It’s my pleasure! May tatlong building na hanggang fifth floor, kulay asul rin ang bintana ng bawat classroom, mahaba ang pathway at napakalaki rin ng field. May naglalaro ba ng soccer or something sa school na ‘to? The place look like a hospital. Well, mga doctor ang product nila sa lugar na ‘to, so, what do I expect?
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa iskwelahan na napasukan ko. Ako lang yata ang hindi belong sa lugar na ‘to. Everything was so perfect! Ngayon nagtataka ako kung bakit hindi agad pumayag si Sir Allen, I mean si Allen, na mag-aral sa lugar na ‘to? It’s perfect! Kahit sinong gustong maging doctor o gustong kumuha ng kursong linya sa pagmemedisina ay paniguradong gugustohing mag-aral sa lugar na ‘to.
“Excuse me –“ napahinto ako sa pagpapantasya sa iskwelahan ng may lumapit sa ‘king isang lalaki. He’s cute and . . . very feminine. He’s a gay.
“Yes?” I smiled to him. In fainess, hindi halata sa kanya na gay siya sa isang tingin mo pa lang pero don’t me! Nong high school ako ay marami akong kaibigan na gay at lesbian kaya amoy na amoy ko sila.
“Nasaan ba ang College of Education na building?” napanganga ako.
“College of Education?” may ino-offer pa lang ibang course sa lugar na ‘to? Err! Parang narinig ko na naman ang boses ni Belle habang sinasabing hindi na naman ako gumawa ng research tungkol sa iskwelahan na pinasukan ko. Ngunit sino bang hindi magtataka eh pati ang College of Education ay pareho lang rin ang uniform sa ‘min?! “Ahh. Hindi ko rin alam. First year din kasi ako.”
“Ay. Okay. Baka nasa likod.” Bulong niya saka nagpaalam na aalis. May building pa pala sa likod ng malaking main building nila. Wow! Just, Wow! Hindi pa rin ako makapaniwala na nakapasok ako sa isang prestige na University tulad nito. Exclusive for doctors!
Muli kong nilibot ang University at nakita ko na rin ang ilang mga rooms ko. Kadalasan subject ko rin ay nasa first floor at ang dalawang subject ko ay nasa third floor. Mapapasabak yata ako sa exercise nito ah! Umupo ako sa bakanteng upuan sa likod saka nilabas ang notebook at pen ko. Nakatingin lang ako sa mga istudyanteng kararating lang rin. Halatang kilala na nila ang isa’t isa dahil paniguradong galing silang lahat sa malalaki at mayayaman na iskwelahan sa lugar na ‘to. Ngayon napapaisip ako kung nararapat ba na nandito ako ngayon sa iskwelahan nila?
“May nakaupo ba rito?” nilingon ko ang taong nagtanong sa ‘kin non saka ko sinulyapan ang mga kaklase ko na nakatingin sa dereksyon na ‘min ng lalaking nasa harapan ko. All eyes on us? Bakit sila nakatingin sa ‘kin? I mean, sa ‘min?
“Wala?” patanong na sagot ko saka naman umupo ang lalaking ‘yun sa tabi ko at nagsimulang mag chismisan ang mga ilang istudyante. May nakita pa akong panay ang sulyap sa ‘ming dalawa. Bakit? Sino ba ‘tong lalaking katabi ko?
“New face. .” narinig kong bulong ng katabi ko kaya muli kong binalik ang paningin ko sa kanya. “Saang school ka galing? Hindi ka pamilyar sa iskwelahan kung saan kami nanggaling.” Napanganga ako. Memorize niya ba lahat ng mukha ng mga kaklase niya at schoolmates niya sa dating school nila? Weird!
“Far from here. Bago lang rin ako sa lugar na ‘to.” Tumango siya sa sagot ko at hindi na muling nagsalita.
“Welcome to the Department of Psychology .” bati sa ‘min ng professor na kakapasok lang sa loob ng room. Agad na umupo ang mga istudyante sa harapan pero hindi nakaligtas sa ‘kin ang pasulyap-sulyap na ginawa nila sa katabi ko. “How are you students? I hope you are all ready for the new chapter in your life. I know you already knew your classmates so no need to introduce –“
“Doc Adet?” napalingon ako sa katabi ko.
“Yes, Ethan. Why are you raising your hand?” so, Ethan is the name. Akala ko kung anong sasabihin niya ng bigla niya akong tinuro kaya napanganga ako at tinuro ang sarili ko at tiningnan ang professor na ngayon ay nakaharap na rin sa ‘kin. Napalunok na lamang ako saka ngumiti.
“She’s new, Doc.” Isa sa pinakaayaw ko sa lahat ay ang atensyon ng mga taong hindi nakakakilala sa ‘kin. Well, sino ba naman ako?
“Yes, what is your name?” ngumiti sa ‘kin si Doc Adet kaya tumayo ako at humarap sa kanila.
“I’m Rebecca del Rosaril, Psychology student.” Simpleng sagot ko.
“From what school you graduated high school?” tanong niya kaya napayuko ako.
“From Eteneya Academy.” Nakita kong napasinghap ang iilan sa mga kaklase ko bago ako umupo. Of course, they knew about Eteneya.
“Wow! She’s from Eteneya Academy? That’s a prestige school in Davao, right?” napalunok ako.
“Kung ganon, she really belongs here.”
“First time kong maka-classmate ng galing sa Eteneya. Konte lang ang mga istudyante nila sa school na ‘yun but all of them are outstanding.” Outstanding my butt! ‘Yun ba ‘yung nakatayo sa labas? Outstanding? Err. Hello, joke?
“Yes! Sa tingin ko nakakita na ng katapat si Ethan.” Napakunot ang noo ko. Katapat? What does it mean? Sinulyapan ko si Ethan sa tabi ko pero nanatili lang siyang tahimik at tulad ko ay nakikinig lang rin siya sa bulong ng mga classmates na ‘min o baka wala lang talaga siyang pakialam. I can’t read him!
Halos buong araw ko rin pa lang kasama si Ethan at ang mga kaklase ko sa Department na ‘min. Mukhang makakasama ko sila sa iilang taon ko rito sa FDU. May mga kaklase rin ako na kinakausap ako paminsan-minsan at ang ilan naman ay masama ang tingin sa ‘kin. Napasimangot na lamang ako.
“Hey.” Isa pa tong nasa tabi ko. Tiningnan ko siya ng masama.
“Bakit hindi mo na lang tinanong ang pangalan ko kanina? ‘Di sana hindi ko na kailangan pang magpakilala.” Asar na sabi ko pero hindi man lang niya pinansin ang sagot ko.
“Saan ang sunod na room na ‘tin?” napakunot ang noo ko.
“Classmate pa rin tayo sa PSY 102?” tanong ko at parang hindi makapaniwala. Talagang buong araw ko na siyang kasama at katabi. Wala pa naman sa vocabulary ko makipagkaibigan sa kanya lalo pa at lalaki siya. Err! Allergy kasi ako sa mga lalaki lalo na sa mga playboy na lalaki. Teka, ang judgemental ko naman yata. Hindi ko pa nga siya lubusang kilala tapos sinabihan ko na agad siyang playboy. Hay nako, Becca!
“Yep! Kaklase tayo sa lahat ng subject sa buong semester. Hindi mo ba alam?” napabuntong hininga na lamang ako. Oo nga pala. Classmate ko nga lahat ng mga kasama ko sa room kanina since kami ang Block 101 sa Department of Psychology. Bakit ba ang lutang ko?
“So, wala na nga akong ibang choice kundi kausapin ka.” Bulong ko pero sapat lang para marinig niya. I heard him chuckle. “What?” tumayo siya at inabot ang bag niya.
“Let’s go at baka ma late pa tayo sa klase na ‘tin.” Tumango na lang ako at sinuot ang bag ko sa likod saka tumayo. Akala ko umalis na si Ethan pero talagang hinintay niya pa ako. Napahinto ako ng mapansin ko kung sino ang nasa harap ng pinto palabas ng room na ‘min.
“Sir – I mean . . Allen?” tawag ko sa kanya pero seryosong siyang nakatingin sa dereksyon ko saka ito naglakad paakyat ng hagdan. Kanina pa ba siya nakatingin sa room na ‘min? May kailangan ba siya sa ‘kin? Baka may iuutos siya? Naglakad na lamang ako palabas ng classroom at umakyat sa second floor para sa susunod na subject.
Ano kayang iniisip ni Sir Allen?