Kararating lang namin sa condo unit ni Allen saka ko naman nilagay ang mga gamit ko sa harap ng sala. Muling nilibot ng paningin ko ang loob ng condo niya. Halos hindi ko man lang napansin ang ganda at laki ng kanyang unit nong huling punta ko dahil sa kakaisip kung anong nangyari nong araw na ‘yun. “Now, let’s talk before I return your phone.” Umupo si Allen sa sofa saka naman ako sumunod at umupo sa harapan niya. “Nakikita mo ba ‘yang bakanteng kwarto dyan? That will be your room.” Turo niya sa pinto katabi ng kwartong nilabasan ko noong araw na magkasama kami rito. “That is my room, katabi ng sayo. At ‘yung nasa dulo ay ang band room. Did my mom told you that I’ll be using that room? Don’t worry dahil sound proof naman ang kwarto sa dulo. You don’t have to worry. Every room has a restr

