“Very good presentation, Aledro. Mabuti nalang at talagang pinaghandaan mo ang iyong report.” Puri ng aming professor sa naging presentation ni Aledro. Of course, magiging maayos ang presentation niya dahil talagang pinag-aralan at binigyan ko ng panahon na mailahad lahat ng mga inpormasyon sa presentation nila. “Now let’s do the question and answer, any question please?” tumingin ang aming professor sa paligid. At tulad dati ay wala ring nag-abalang magtanong dahil alam naman ng halos karamihan rito kung sino ang takbohan ng mga reports ng mga ibang estudyante. “Ma’am?” nilingon ko ang nagtaas ng kamay at ‘yun ay walang iba kundi si Allen. Sinulyapan niya ako bago ito tumayo at nagtanong. “Can I ask questions from his report?” “Of course Mr. Fuentabella. That’s good to hear na interesad

