Nang marating namin ang mansion ay agad akong pumasok na para bang walang nangyari. Iniwan ko si sir Allen sa kotse saka ako nagmadaling pumasok sa maid’s room at huminga ng malalim. Paano ko nakayanang makasama ang isang Allen Fuentabella? Parang hindi ako makahinga sa loob ng kotse sa kakaisip kung anong nangyari kagabi. I have to think at hindi ko ‘yun magagawa kung nandyan siya, habang kasama ko siya. Hindi ko nga alam kung nasaan nagtago ang hiya sa katawan ko at taas noo pa rin akong bumaba sa kotse kahit ang totoo ay parang gusto ko nalang lamunin ako ng lupa dahil sa hiyang nararamdaman ko.
“Anong nangyari sa ‘yo, Becca? Namumutla ka yata.” Mabilis akong tumabi kay Belle. “Anong nangyari? Teka, kaninong damit ‘yang suot mo?” nagtatakang tanong nito. Hindi pa rin ako safe sa mga oras na ‘to dahil paniguradong tatadtarin ako ng tanong ni Belle ngayon. Suot ko ngayon ang white tshirt ni sir Allen at ang kanyang P.E na pants. Masyadong malaki sa ‘kin ‘to pero tahil may tali naman sa may bewang ay pumayag na lang akong suotin ito. Mukha tuloy akong rapper sa suot kong ‘to.
“Hiniram ko lang sa classmate ko. May tinapos kasi kaming assignment kagabi at hindi na ako nakauwi. Pasensya na talaga, Belle.” Syempre hindi rin madali ang trabaho nila Belle. Halos sila ang natambakan ng mga trabaho rito sa mansion dahil wala ako. Kumuha na rin kasi ng panibagong yaya sila ma’am Jenny para may iba pang katulong ang ibang maid sa loob ng mansion. Nakakahiya na rin dahil hinahayaan ako ni ma’am Jenny na mag-aral at lage niyang pinapaalala sa ‘kin ang mga bilin at paalala niya.
Bigla tuloy ako inatake ng konsensya at hiya sa katawan ko. Napakabait ng mga amo ko tapos ganito pa ang nangyari sa ‘min ng anak nila. Ano na lang ang sasabihin nila pag nalaman nila na sa condo ni Allen ako natulog? Juzko! Nakakahiya! Ano na lang ang iisipin nila? Baka tuluyan nila akong palayasin pag nagkataon.
“Okay lang. Isa pa bumalik na rin naman ang hardinero nila ma’am kaya okay lang kahit matagalan ka. Isa pa, naiintindihan ka na ‘min. Pasalamat ka mababait ‘yung mga amo na ‘tin. Hindi tulad ng kasama na ‘tin dito na si Juliet. Kung umasta akala mo siya ang tagapagmana ng mga Feuntabella.” Isa din sa rason kung bakit mas maluwag sa ‘kin si ma’am Jenny dahil sa mission niyang bantayan ang anak niya. Gusto niyang tulungan ko si Allen na bumalik sa kung sino siya noon pero tulad nga ng lagi kong tanong, paano ko gagawin ‘yun eh hindi ko naman kilala ang dating Allen Fuentabella noon.
“Hayaan mo nalang siya, Belle –“
“Anong hayaan? Sa tuwing nakikita ka niya ay ikaw nalang palagi ang pinagdidiskitahan niya. Naiinggit siya dahil ikaw ang pinapaboran ng mga amo na ‘tin. Eh, ano naman? Ikaw naman ‘yung interesadong mag-aral at nakitaan ng potensyal nila ma’am. Hays! Ang toxic talaga! Kahit saang banda ang toxic niya.” hindi ko nalang pinatulan ang sinabi ni Belle dahil ayokong magfocus sa negative na bagay. Kailangan kong mag-isip at kailangan kong maalala ang nangyari kagabi. Paano kung may nasabi ako? O may ginawa ako? Nakakahiya naman yatang marinig sa bibig mismo ni sir Allen kung anong nangyari talaga kagabi kaya mas minabuti ko nalang na hayaan ang sarili ko na makaalala.
“Asaan ang mga labahin nila ma’am and sir, Belle? Lalabhan ko na- “
“Hinahanap ka ni ma’am Jenny kanina, Becca. Gusto ka yata niyang makausap bago sila bumalik ng Korea.” Ah, aalis na naman pala ang mag-asawa. Halos hindi ko sila nakikita sa bahay pero halos araw-araw niya namang kinakamusta sa ‘kin ang anak niya. Naalala ko tuloy ang cellphone na binigay ni Allen sa ‘kin kagabi. Wala bang number si ma’am Jenny sa ‘kin? Psh. Baka ‘yun ‘yung itatanong niya. “May bagong cellphone ka?” tiningnan ko si Belle.
“Bigay ni sir Allen.” Napansin ko ang pagkagulat ni Belle sa sagot ko.
“Talaga? Bakit ka niya binigyan ng cellphone? Ehhh… Baka sugar daddy mo na siya ha,” biro Belle pero napakunot ang noo ko.
“Anong sugar daddy? Ang sabihin mo binigyan niya ako ng cellphone para mas mapabilis ang mga utos niya.” totoo naman dahil ‘yun ang sinabi niya sa ‘kin kagabi.
“Ah, call girl.” Biro nito kaya hinampas ko siya ng unan saka tumayo at hinanda ang mga damit na lalabhan ko.
“Puntahan ko muna si ma’am Jenny. Babalikan ko na lang ‘to mamaya.” Paalam ko kay Belle na panay tawa pa rin sa reaksyon ko.
Nang umakyat ako sa ikalawang palapag ay nakita ko si sir Allen mula sa study room ng mommy niya. Mukhang may pinag-usapan siguro silang seryoso dahil hindi man lang napansin ni Allen na nakatayo ako sa may hagdan. Nang pumasok siya sa kwarto niya ay agad naman akong kumatok sa study room ni ma’am Jenny. Ano kaya ang kailangan niya sa ‘kin?
“Come in,” binuksan ko ang pinto saka ako umupo malapit sa table ni ma’am Jenny. Nakangiti siya sa ‘kin pero alam kong mas malalim pa dyan ang iniisip niya. Alam niya kayang magkasama kami ni sir Allen kagabi? Bago pa man masagot ang katanungan ko ay tinanong niya na ako.
“Isinama ka pala ni Allen kagabi sa condo niya?” tanong ni ma’am Jenny at hinintay ang sagot ko. Para akong natameme sa bungad sa ‘kin ni ma’am Jenny lalo pa at hindi ko alam kung anong iniisip niya. Ito na nga ba ang sinasabi ko, hindi ko pa nga nahahanda ang sarili ko sa sasabihin ko ay ganito agad ang tanong sa ‘kin ng mommy ni Allen. Sinabi niya ba sa mommy niya? “I have spies anywhere, Becca. Tinawagan ako kagabi ng secretary ko at sinabing doon nagpalipas ng gabi si Allen. I was wondering if magkasama ba kayo since sabay naman kayong dumating kanina.” Napahinga ako ng malalim. What’s the point of lying? Ayokong palakihin ang isang bagay na alam ko namang wala akong ginawang masama. Yes, I was wasted last night but aside from that ay wala na akong maalala. The next thing I knew, nasa ibabaw na ako ng kama ni sir Allen, naked.
“Yes po, ma’am. Magkasama po kami kagabi. Nagkayayaan po kasi kasama ang mga officers sa bawat Department and we are invited po. Hindi na po ako nakatanggi tapos sinabi rin po ni sir Allen na nagpaalam na siya sa inyo.” I have to tell the truth para maalala ko lahat ng mga nangyari. One step at a time but of course hindi ko sasabihin na magkatabi kami ni sir Allen sa kama at nakahubad ako dahil for sure iba ang iisipin ng kahit sinong makakarinig non. “We were drunk po ma’am tapos pagkagising ko ay nasa condo na po kami ni sir Allen. Pasensya na po, ma’am. Naging pabaya po ako –“
“You should lie, Rebecca.” Napahinto ako nang marinig ko ang boses ni sir Allen sa may pintoan at nakatingin sa ‘min ng mommy niya. Napabuntong hininga si ma’am Jenny saka nagsalita. “Mom, I already told you. Why do you have to ask her?”
“You lied to me, son. Sinabi mo sa ‘kin na hindi kayo magkasama. Tapos ngayon malalaman ko kay Becca na magkasama kayo kagabi. Bakit mo siya tinuturuang hindi magsabi ng totoo gayong ‘yun naman talaga ang dapat niyang gawin?!” Tiningnan ako ni ma’am Becca at saka ngumiti. “Don’t mind my son, Becca. You do the right thing. Gusto ko lang naman malaman kung sino ang dinala niya sa condo niya. He never bring anyone there………. even Maxine.” Nagulat ako sa rebelasyong sinabi ni ma’am Jenny.
-
“Akala ko ba ayaw mong sabihin kay mommy?” agad na bungad sa ‘kin ni Allen ng makalabas kami sa study room ni ma’am Jenny. Nakasunod ako sa kanya hanggang marating na ‘min ang sofa malapit sa hagdan. Nasa second floor pa rin kaming dalawa siguro dahil ayaw ni Allen na marinig kami ng ibang katulong sa baba.
“Akala ko kasi alam niya na –“
“Hindi ka ba marunong magsinungaling? Akala ko nagkakaintindihan tayo kanina-“ teka, bakit nagagalit siya? “You are one of the spy, Becca. You let my mom manipulate you.” Mas lalong nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Yes, nagrereport ako sa mga ginagawa niya sa school sa mommy niya but I never manipulate everything and I know hindi rin ganon ang ugali ng mommy niya. Nag-aaalala lang siya para kay sir Allen and that is why I want to comfort her by sharing some good news from his son. Buti nga siya at may mommy siya na katulad ni ma’am Jenny. Very understanding and caring.
“Teka lang,” nanatili akong nakatayo sa harapan niya habang si sir Allen naman ay nakaupo sa couch saka seryosong nakatingin sa ibang dereksyon. “Bakit ba nagagalit ka? Tinanong niya ako at sinabi ko lang ang totoo.”
“Ang akala ko kasi hindi mo sasabihin. Baka anong isipin ni mommy.”
“Ano naman ang iisipin niya? Wala namang nangyari sa ‘tin sa condo ‘di ba?” muling bumalik sa alaala ko ang hubad kong katawan pagkagising ko kanina sa kanyang condo. “Wala ‘di ba?” nanatili siyang tahimik saka ito tumayo at nakapamulsang tumingin sa ‘kin.
“Alalahanin mo.” saka niya ako nilampasan at bumalik sa kwarto niya.