CHAPTER 16

1615 Words
** BECCA’s POINT OF VIEW ** Oh, God. Ang sakit ng ulo ko at idagdag pa ang mabigat na bagay na nakapatung sa aking puson. Teka? Nasaan ba ako? Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at nasilayan ko ang hindi pamilyar na lugar. Madilim ang paligid dahil nakasirado ang kulang gray na kurtina sa may bintana pero may kunting ilaw na nakadungaw sa may bintana. Tiningnan ko ang paligid at hindi ako pamilyar sa kung nasaan man ako ngayon. Bigla akong napabangon ng makita ko ang orasan sa may side table. “Oh my god! I’m late!” dali-dali akong bumangon pero agad rin akong napaupo ulit dahil sa aking pagkahilo. “Sh*t! Ang sakit ng ulo ko –“ “Don’t move..” muntik na akong mahulog sa kamang kinauupuan ko ng marinig ko ang boses ni Allen. “Sir A-alen?” nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ko kung sino ang katabi ko sa mga oras nato. Holy popcorn and cheesecake! Bakit ako nakahubad? Dali-dali kong itinago ang katawan ko sa loob ng comforter saka ako tumayo at binuksan ang bintana. “Sir Allen!” Gulat na tawag ko saka ako nakaiwas ng tingin. Oh my God, Becca! Teka lang, enhale, exhale, enhale, exhale! Parang aatakihin yata ako sa sitwasyon ko ngayon. I’m totally naked habang si Allen ay naka boxer lang at talagang magkatabi kaming natulog? Juzko! Ano na lang ang sasabihin ni Ma’am Jenny pag nalaman niya ‘to? May nangyari ba sa ‘min? Anong ginagawa ko rito? Anong nangyari kagabi? Saan niya ako dinala? Teka, late na ba ako? “Shut up, Rebecca. Today is Sunday. You don’t have to worry.” Mas lalo akong kinabahan saka ko hinanap ang damit ko pero kahit saan ko tingnan ay hindi ko ito mahanap. Kinuha ko na lang suot na t-shirt ni Allen kagabi saka ko nilagay ang comforter sa kama. Nasaan na ba ang damit ko? May damit ba na kasya sa ‘kin rito? Nasaan ba ako? Marami akong tanong pero nahihiya ako. Nahihiya ako dahil hindi ko alam kung anong nangyari kagabi at bakit magkasama kami ng anak ng amo ko! Rebecca! Literal na gusto ko nalang bumuka ang lupa at lamonin ako sa sobrang gulo, kaba at hiyang nararamdaman ko. “Allen….” Naiiyak na tawag ko sa kanya habang nakatayo malapit sa kama. I sobbed. Tumingala siya saka niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa saka ito nag iwas ng tingin at umupo. Kahit na naguguluhan at kinakabahan ako ay talagang nagawa ko pang kilatisin ang abs ni sir Allen. Ano ka ba, Becca? Bakit nagagawa ko pang pansinin ang abs ni Allen kaysa isipin kung paano ako napadpad sa lugar na ‘to. “Anong nangyari kagabi? May nangyari ba sa ‘tin? Nasaan tayo? Ano nalang ang sasabihin ng mommy mo sa ‘kin?” sunod-sunod kong tanong kay Allen saka napasabunot sa buhok ko na para bang katapusan na ng mundo. “My God. Rebecca, nasaan ba ang utak mo?” kinausap ko ang sarili ko saka ako umupo sa malapit na sofa. Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Una, ang landi-landi ko. Halos araw-araw ko ng nilalait si sir Allen sa tuwing nakikita ko siyang may dinadalang babae tapos ngayon isa na ako sa mga babaeng ---- oh God! Ayokong isipin! Pangalawa, paano nalang kung hindi si sir Allen ang kasama ko kagabi? Saan na lang ako pupulutin? Juzko! Sa unang pagkakataon ay naging pabaya ako sa sarili ko at nagpalamon ako sa alak. Oo, tama! Kasalanan to ng alak, at wala akong kasalanan! Pangatlo, Sunday ngayon kaya mas dapat lang na nasa mansion ako dahil ito lang ang tanging araw na makakapagtrabaho ako sa mga Fuentabella. Pero anong oras na?! “Relax, okay –“ umupo siya ng maayos saka napabuntong hininga. “First, I want to appreciate you wearing my t-s**t, it suits you.” I blushed. Ganito ba siya sa mga babae niya? Kung ganito siya sa mga naikama niya, pwes! Magaling nga siya. Wait? Naikama? I’m 100% sure na hindi niya ako naikama kahit na nakahubad na akong nagising at medjo masakit ang katawan ko. God! Hindi niya ako naikama, right? Oh please. Tell me! Nakukuha ko na yata ang pagiging OA ng mga classmate ko. Nakakahawa ba ‘yun? “If only I have another choice. Nasaan ba ang damit ko?” I asked as I looked around. “Nasaan din tayo?” Sobrang dami ng tanong ko at kahit isa ay wala man lang siyang naisagot. He’s looking at me as if I’m vulnerable. Pwedeng sabihin niya na para malaman ko kung anong susunod na gagawin ko. “Listen, Becca. You look gorgeous with that shirt. At isa pa, hindi mo na nanaisin pang suotin ang damit mo kagabi. Mommy will be mad to you pag nakita ka niyang ganon ang suot. It’s better if your wear my tshirt and nothing more…” he smile innocently as I rolled my eyes. “Kidding.” Kung sabagay may point rin siya. Kung uuwi ako na ganon ang suot ay baka may humintong kotse at isakay ako saka tatanggalin ang kidney at small intestine ko. Gross! Pati ba ang small intestine nabebenta? Pero tama nga si sir Allen. Mas mabuting manghiram nalang ako ng damit niya pauwi kesa isipin kung nasaan ang damit ko. muli kong nilibot ang paningin ko sa lugar kung nasaan ako. The room is quite nice and manly. All dark and gray. I think nasa condo kami ni Allen. I never heard na may dinala siyang babae dito dahil sa pagkakatanda ko ay halos lahat ng babae niya ay dinadala niya sa mansion nila. Gusto niya yatang ipalandakan kung gaano sila kayaman. Psh! “Well?” muli kong tiningnan si sir Allen saka tumayo. “Maybe I can wear some of your clothes sir, if you allow me.” His smile widen. “Of course, you can wear it Rebecca,” I bit my lip. He is so handsome sa just-woke-up-like-this-look niya. His messy hair compliment his manly face. Ang makinis at seryoso nitong mukha ay para bang napalitan isang batang Allen na makulit. “And for your question, maybe later after you take a bath.” Saka niya tinuro ang towel sa tabi ko. Tumango na lang ako at deretsong pumasok sa loob ng cr. Halos habol hininga ang ginawa ko na tila ba ilang kilometro ang tinakbo ko. Nakatayo ako sa likod ng pintuan saka ako huminga ng malalim. “Juzko.” Pinikit ko ang mga mata ko saka humiling na sana panaginip lang ang lahat ng ‘to. Sana hindi to totoo. * Nang makalabas ako sa banyo ay dumeretso na ako sa mini kitchen ni Allen at nakita ko siyang nagluluto habang nakaboxer lang. Napahinto ako saka ako tumitig sa lalaking kasama ko ngayon. Anong meron sa kanya na kinababaliwan ng mga babae niya? Anong meron kay sir Allen na hindi mabitaw-bitawan ng isang Maxine? Biglang nawala ang ngiti ko ng mapagtanto ko kung anong sitwasyon meron ako sa mga oras na ‘to, “Maybe I deserve an explanation.” Umupo ako sa counter saka humarap kay Allen na busy sa kanyang hinahandang breakfast. Hindi ako ‘yung Becca na katulong niya ngayon. I am someone na gustong-gustong malaman ang nangyari kagabi para alam ko kung saan ko ilulugar ang sarili ko. “Eat this.” Saka niya hinanda ang pagkain sa harapan ko. Kung nakikita lang ito ni ma’am Jenny ay baka nasisante niya na ako dahil hinayaan ko ang kaisa-isa nilang anak na lalaki na pagsilbihan ang isang tulad ko. Pero no more sir o kung sino ka man! Gusto kong malaman kung paano ako napadpad sa lugar na ‘to para may maisagot ako kay ma’am Jenny pag tinanong niya ako. “Explain.” I demanded saka ako kumuha ng plato at nagsandok ng pagkain. Ngumiti si Allen saka ito umupo sa harapan ko. “Do you always do this to your girls?” “No. I never done anything for them aside from s*x.” dumugo na naman yata ang tenga ko sa narinig ko. Inabutan niya ako ng isang baso ng gatas saka ko naman ‘to tiningnan, “For you..” darn. Napatitig ako sa ngiti niya at tila ba may kung anong butterfly na pumasok sa tyan ko. “Thanks.” Hindi ko pinansin ang kakaibang pakiramdam sa tyan at puso ko sa mga nangyayari at pinanatiling kalmado ang sarili ko. “So, what now?” “Do you really have to know?” he asked. “Baka magsisi ka lang…” nakangising sagot nito but I can sense sadness in his eyes. “Tell me first. May nangyari ba sa ‘tin?” napatitig siya sa ‘kin na tila ba binabasa niya kung anong nasa isip ko. “Just simply tell me the truth –“ “Why do you have to know?” duh…obviously, I have to. “Did we had s*x last night?” ulit ko habang hindi tinatantanan ang tanong ko kani-kanina pa. Huminga siya ng malalim saka niya kinuha ang isang bakanteng plato at kutsara saka nagsandok ng pagkain niya. Inangat niya muli ang paningin niya sa ‘kin bago siya sumagot. “You’re still………you. Nothing happens like that last night.” Seryosong sagot nito kaya nakahinga ako ng maluwag. Thank, God! Okay na sa ‘kin ang mga nalaman ko at inamin niya. Kahit hindi niya na sagutin ang ibang tanong ko wala na akong pakialam. Isa nalang ang problema ko ….. “You don’t have to say anything to ma’am Jenny.” I said to him. “Please…” I begged.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD