CHAPTER 4
Sa wakas ay natapos nga rin ang klase namin at twelve 'o clock p.m na nga kung kaya't naghanda na rin ako na magligpit ng mga gamit sa upuan ko.Mabilis ang mga clasmate kong nagsi labasan ng kuwartong iyon na tila nakawala sa koral.
Iiling-iling na lamang akong pinauna ang mga ito dahil masikip ang pintuan at ayoko na masiksik pa ako.
"Alam mo ba classmate, pangalawang ulit na raw ni Winston ngayon taon?"dinig ko ay sabi ng isa sa mga babaeng nakasabay kong huling lumabas ng room namin.
Tila naman napukaw ang atensyon ko kung kaya't sa halip na bilisan ko ang paglakad ko,ay tila binagalan ko pa iyon lalo para marinig ko pa ang mga sasabihin nito.
"Talaga sis?Ang dinig ko nga eh paulit-ulit lang daw 'yan dito,palibasa anak ng mayor kaya hindi matanggal-tanggal,"sabat naman ng kausap nito na tila balisa sa topic nila ng kausap at palinga-linga pa ito.
"Ate,totoo po ba 'yan?"hindi ko na napigilan ang kuryosidad ko at sumabat na ako sa dalawang nag-usap sa harapan ko.
Tumingin ang mga ito sa akin pagkaraan ay luminga-linga.
"'Wag kang maingay ha?Kasi 'pag nalaman niyang pinag-uusapan namin s'ya baka pag-initan din kami tulad mo,"wika nito bago tuluyan na akong iwan ng mga ito.
Naiwan naman akong tulala at hindi makapaniwala.So,malakas pala talaga ang mokong na iyon,anak pala ng mayor?Saka ko biglang naisip ang mga ginawa ko sa kan'ya kanina lang.Mabuti na lang at ito lang pala ang inabot ko sa kan'ya.
"Sa susunod mag-iingat na lang ako,"kibit ang balikat ay nasabi ko na lang saka lumabas ng kuwartong iyon.
Habang nasa hallway ako ay nagtaka ako kung bakit tila nakatingin ang lahat sa akin na tila ba inaabangan talaga ng mga ito ang pagdaan ko.May iba na tumatalikod pa, kapag nagtatama ang mga paningin namin kaya sukat doon ay kinutuban na agad ako.
Hinanap ng mga mata ko ang pamilyar na bulto ng katawan na iyon,na alam kong posibleng may dahilan ng lahat kung bakit ako pinag titinginan.At hindi nga ako nagkamali.Si Winston ay nasa dulo ng hagdanan pababa ng third floor at nakabukas ang mga butones ng polo nito at may panyo pang nakatali sa noo nito,na amino isa itong gangster at nasa fraternity squad ang ayos nito at tila wala sa unibersidad na iyon.
Dinaanan ko lang ito ng diretsyo at laking gulat ko pa nang bigla nitong iharang ang mga paa sa daraanan ko kaya napilitan tuloy akong tapunan ito ng tingin.
"Ano na naman ba ito ha?"tanong ko sa kan'ya habang nakapa-meywang.
Nagulat pa ako dahil bigla itong lumapit sa akin at itinapat ang daliri sa aking mga labi.Sa bigla ko ay 'di ako nakagalaw agad kaya nanatili kami sa ganoong ayos sa loob ng ilang saglit.
Ibinaba naman nito agad ang mga nakaharang na mga paa sa daraanan ko ngunit tuluyan naman nitong hinarang ang katawang sa daanan pababa ng hagdanan.
"Nasaan na ang pina-drawing ko?"ngumiti ito at pinakita na naman ang pamatay na dimple nito na isa sa mga dahilan kung bakit nagkakandarapa ang mga kababaihan dito,ngunit 'wag s'ya.Ibahin n'ya ako.
"At bakit Winston?Obligado ba akong gawin talaga para sa'yo 'yon?Paano kung ayaw ko?Sa Hindi ko nga maipinta 'yang pagmumukha mo eh,"
"Ayon naman pala!Sapol brod!"tili ng isa nitong alipores na napansin ko na lang ay nakalapit na pala bigla sa amin.
Nagtatawanan ang mga kasamahan nito maging ang mga nakarinig sa mga sinabi ko.Bigla tuloy akong nagsisi nang maalala ko ang kanina ay laman ng usapan ng mga kababaihan.
Hala,naloko na,dapat pala hindi ko na pinatulan.Tutol ng isipan ko ngunit huli na ang lahat.Narito na ako sa harapan n'ya at nasabi ko na ang mga dapat kong sabihin.Galit na rin ito ayon sa paninigas ng mga panga nito na kanina ko pa napansin ay ginagawa nito sa tuwing magkaka sagutan kami.
Isang tili ang tila bumasag sa nakaka-bato balani na sitwasyon namin na iyon at tila nagising agad ako sa aking pagkakatulog.
"Ayyy!Anong ginagawa n'yo d'yan ha?Bawal ang PDA dito ha?Ano ba kayo sa labas nga kayo!"tili ni Mrs.Chavez na bigla na lamang sumulpot sa harapan namin.
Namula naman ako sa tila maling iniisip nito sa amin kaya tinangka kong depensahan ang aking sarili.
"Naku, Ma'am hindi po katulad nang iniisip n'yo,"depensa ko na may kasama pang pag-iling.
Kaya naman hindi ko na rin napansin si Winston na lumapit sa aming guro at tila isang maamong tupa na ngumiti ito.
"Pasensya na po Ma'am sige po lalabas na lang kami nitong sweetheart ko,"anito at Isang kindat ang iginawad nito sa kan'ya na tila paghinge ng pagsang-ayon mula sa kan'ya.
"Naku nagkakamali po-"
"Sige po,mauna na kami Ma'am pasensya na po talaga,"putol ni Winston sa nais ko pang sabihin at hinila na ako nito paalis sa lugar na iyon.
Tila naman isa akong bata na sumunod lamang dito at ni hindi mo man lang naisipan na bumitaw sa pagkakahawak nito sa mga kamay ko,ramdam ko ang lambot at init ng mga palad niyang iyon.Nasa first floor na kami at hinihingal ako nang huminto kami.Naoatimgin ako sa palad ko na hawak pa rin nito at tila napapaso akong hinila iyon.
"Baliw ka ba?Ano bang ginagawa mo?May sapak ka talaga sa utak ano?Bakit mo sinabi iyon?Baka isipin niya totoo iyon at kumalat pa,"ismid ko rito at talaga namang nangagalaiti ako sa inis dito lalo pa at abot hangang tainga ang ngiti nito na tila tuwang-tuwa pa.
"Ayaw mo 'ba no'n.Untouchable ka na rito,anak yata ako ng kilalang tao,"tila isang simpleng bagay lamang na sagot nito at kibit ang balikat na lumakad palayo.
Naiwan naman akong nakatulala at nakamasid lamang sa paalis na si Winston.
Ang kapal ha? Aba't tama nga ako May sapak talaga sa utak ang mokong na iyon?
Napatingin ako sa mga palad ko at tila baliw na kinapa ko iyon.Tila ramdam ko pa rin ang init ng palad niya roon.
Binatukan ko ang sarili ko sa ginawa ko.Nahihibang na ba ako at tila nagpapadala ako sa kahanginan ng baliw na iyon?Lumakad na ako at nagmamadaling lumabas ng building na iyon dahil natitiyak kong naghihintay na sa akin ang mga kapatid ko.Malamang nasa puwesto na sila Mama at Papa at iniwanan na lamang ng pagkain sa bahay ang mga kapatid kong maliliit pa.
***
Samantala,sa Isang kanto naman ay tila naiinip na ang grupo ng mga kababaihan na naka tambay sa harap ng tindahan.Sila Rheanon,Kasama ang mga ka-tukayo nitong mga kaklase rin nito.
"Ano 'ba 'yan matagal pa ba 'yon?"inip na tanong ni Guinette,ang pinaka bata sa grupo.
Tinignan naman ito nang masama ni Clarisse,ang nakasalamin na matangkad na babae.
"Hello,sumama-sama ka kaya? Tapos ikw pa itong may gana magreklamo?Kung gusto mo ay umuwi ka na lang,"
"Oh ayan na pala s'ya eh!Guys be ready!'Yong mga pinag-uusapan natin ha?"ani Rheanon pagkakita sa paparating na si Daniella at tatawid ito sa bandang puwesto nila.
Lumapit ang mga ito,Kasama ang pinaka leader ng grupo na si Rheanon kay Daniella.Sa ayos ng mga ito ay tila susugod ang mga ito sa giyera ngunit tinignan n'ya lamang ang mga ito na tila hindi n'ya ang mga ito Kilala.
"So,eto pala ang new apple of the eye ni Winston ko?Parang wala namang something special sa kan'ya ha?"inikutan nito si Daniella at ang mga mata nito ay taas-baba na nagpa balik-balik sa kabuuang ng dalaga.
Nagtawanan ang mga kasama nitong mga dalaga at tila enjoy na enjoy sa ginagawa ng kasamahan nila.Kagat ang mga labing nagpigil s'ya ng galit.Nasa harap pa rin sila ng school premises at ayaw niyang mapasubo sa g**o lalo na at hindi naman iyon ang ipinunta n'ya rito.
"Kung tapos ka na ay puwede na 'ba akong makaalis?"sarkastikong tanong n'ya at sukat sa sinabi ay tila naman ito nainis at umarko pataas ang manipis nitong mga kilay.
"Wala pa akong sinabing umalis ka na!Tandaan mo ito,walang sino mang nakaka lapit kay Winston,not you,not her or anyone in this campus!"Naka kuyom ang mga palad nito sa tagiliran at napansin niyang nanginginig ito.
Kalmado n'ya lang itong sinagot dahil hindi naman talaga niya type ang lalakeng pinagseselosan nito.In fact, kahit isaksak pa nito sa Baga nito si Winston! For all I care! aniya sa isipan ngunit hindi n'ya na isina tinig iyon.
"Miss,kung s'ya lang pala ang pinagkaka ganito mo,sayong-sayo na s'ya.Hindi naman ang isang katulad n'ya ang kursunada ko.Isa pa,napaka yabang n'ya at arogante kaya malabo mangyari 'yang sinasabi mo,"
"Ganoon ba?"
Isang tinig ang bigla ay sumabat na nagmumula sa tabi n'ya.Awtomatiko n'yang iniharap ang katawan at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata n'ya ng mapag sino kung sino iyon!
"Winston!?"
"Hoy kayo,bakit n'yo 'ba pinagtutulungan si Dane?"umakbay pa ito sa kan'ya na tila batang kinakampihan s'ya.
Naiiritang nagsi-alisan ang mga ito na hindi na sumagot sa tanong ng katabi n'ya.Sumakay ang mga ito sa kotse na Naka parada lang din sa gilid ng kalsada na iyon.Aaminin n'ya ay kahit paano naka luwag-luwag sa loob n'ya ang ginawa nitong pagtatanggol sa kan'ya ngunit hindi n'ya iyon kailangan ipahatala rito.
"Aalis ka na lang nang walang paalam?Where is your manners?"iyon ang tila inis na sambit ni Winston sa kan'ya dahil nkita nito na tumalikod na s'ya upang umalis.
Humarap lang s'ya saglit at sumaludo rito ngunit nakasimangot ang mukha.
"Alis na ako boss,"sarkastiko niyang paalam dito.Ngumiti lamang ito sa sinabi n'ya at nag-flying kiss.Tumalikod na s'ya bago iyon lumipad sa kan'ya.Jerk.
***
Halos Isang kanto pa lamang bago ang bahay nila Daniella ay naririnig na n'ya ang mga sigawan,iyakan at mga kalabog sa loob ng tahanan nila.Napapa-iling na lamang s'ya sa maaring dadatnan na naman n'ya sa loob ng bahay.
Ganoon araw-araw ang eksena sa kanila.Maaga pa lamang Kasi ay kailangan nang magpunta sa tindahan nila Mama at Papa n'ya upang magtinda ng mga isda,gulay at ilang mga kagamitan sa bahay na kailangan upang matustusan ang pang araw-araw nilang gastusin sa pamilya nila.
Anim silang magkakapatid at s'ya ang panganay,mahirap man ay kinakaya n'ya pagsabayin ang pagiging ate sa mga maliliit pa niyang mga kapatid at pag-aaral n'ya para mairaos ang mahirap nilang buhay.Mamaya lang ay kailangan n'ya na sumunod sa tindahan nila sa palengke para s'ya naman ang humalili roon sa pagbabantay at makapag pahinga naman ang mga magulang n'ya.
Napabuntong hininga na lamang s'ya bago kumatok sa sira-sira na nilang pintuan na iyon at hindi pa man n'ya naisasayad ang mga kamay doon ay bumukas na iyon at bumungad sa kan'ya ang nakababata niyang kapatid na si Elises, anim na taong gulang ito ngunit matatas na itong mag-isip at magsalita at matalinong bata.
"Ate,may naghahanap sa'yo kanina si Father sabi n'ya magpunta ka raw sa simbahan may kukunin ka raw po,"walang preno nitong pagsasalita gayong may laman ang bibig nitong bubble gum.
Kinusot n'ya ang ulo nito at hinalikan ang kapatid."Naligo ka na ba?Ang baho mo na tara paliguan na kita iluwa mo na 'yang nasa bibig mo."
"Ate!Nandito na si ate!Jim-Jim,dek-dek,Izzy,Len-Len!"tawag nito sa mga nakababatang kapatid na nasa loob pa ng bahay nila.
"Ano ka bang bata ka Akala mo naman ang tagal kong nawala,parang ilang oras lang,"natatawa niyang kinusot ang mga buhok nitong magulo.
"Siyempre kaya ate!Ang hirap nga nang ginawa ko habang wala kayo nila Mama eh!"pagyayabang ni Wyn-Wyn.
Ito ang pumapalit sa kan'ya kapag wala s'ya at mga magulang nila sa pagbabantay sa mga kapatid n'ya.Labing tatlong taong gulang na kasi ito at ang iba ay anim, pito,siyam at ang pinaka bata sa kanila ay apat na taong gulang lamang.
"Oh s'ya,pumasok na nga tayo at nang makapag bihis na ako,kumain na ba kayo?"
"Tapos na po ate,kayo na lang ang kumain para mapuntahan n'yo si Father."tila matanda namang sabat ni Ellises.
Oo nga pala.Ano kaya ang ibibigay ni Father Calix?Baka allowance.Napangiti s'ya sa pumasok sa isip n'ya.
Hinila n'ya lang ang nakasampay sa hanger na loose T-Shirt na puti at isinuot iyon bago hi-nanger ang hinubad na uniporme at palda.Simple lamang s'ya sa bahay manamit at mas madalas pa nga na panlalaki ang suot n'ya rito kaya nga madalas s'ya napapag kamalan na tomboy sa lugar nila.
Sa kabila naman niyon ay 'di kaila ang natural niyang kagandahan na minana n'ya sa lahi ng Ina n'ya,na Isang half- Chinese nga lang at minalas na naulila ang kaniyang Ina noong dalaga pa lamang ito kaya taliwas sa nalalaman ng iba, na kapag may lahi kang intsik ay maalwan ang pamumuhay mo.Kabliktaran pa nga niyon ang buhay nila.
"Nasaan na nga pala si Izy, Wyn-Wyn?"naitanong n'ya pagkaraan nang ilang saglit dahil napansin niyang walang tumatakbo palapit sa kan'yang kapatid.
Si Izzy ang bunso nila na apat na taong gulang pa lamang at madalas ay isinasama ito ng kanilang magulang sa puwesto nila sa palengke dahil makulit at hindi kayang alagaan ng mga kapatid n'ya sa bahay.Subalit dahil nga Maaga naman siya Ngayon ay ipinaiwan na ito ng Mama at Papa n'ya.
"Hala! Oo nga pala!Hiniram ni Aling Maretes sa kanila ate s'ya muna raw ang mag-aalaga,"natutop nito ang bibig at sukat sa narinig ay pabigla siyang napatayo sa pagkakaupo.
"Ano?!'di ba kabilin-bilinan ko sa'yo 'wag na 'wag mo pinapapunta ang kapatid mo ro'n?"pinandilatan n'ya ito ng mata ngunit laking gulat naman n'ya dahil bumunghalit lamang ito nang tawa.
Si Aling Maretes ay ang dakilang tsismosa sa lugar nila at kapitbahay lamang nila ito.Mabait naman ito ngunit siyempre,mahirap pa rin ang magtiwala lalo na at 'di naman nila ito ganoon kakilala.Marami pa naman ang nabalita na mga kini-kidnap na bata sa lugar nilang 'yon kaya todo bilin s'ya sa mga kapatid na 'wag basta-basta kakausap sa iba at sasama.
"Joke lang ate!Bumalik si Mama kanina lang kinuha muna,"ngingisi-ngisi nitong nilalaro ang buhok dahil sa panloloko nito sa kan'ya at nakita nitong kinabahan s'ya.
"Basta kahit joke lang 'yon 'wag na 'wag mo pa rin kalimutan ang bilin ko,"tumayo na ako at isinuot ang sumbrero.
Pupuntahan ko na sa simbahan si Father Calix upang malaman kung ano ang pinapakuha nito sa akin.