Chapter 5
Tulad nang sinabi sa kan'ya ni Wyn-Wyn ay pumunta na nga sy'a sa simbahan at agad na hinanap si Father Calix.Hindi naman nagtagal ay nakita n'ya nga ito na nagwawalis sa likod ng simbahan at agad nga n'ya itong tinawag.
"Father!Narito na po ako,may sasabihin daw po kayo?"
Agad nga nitong itinigil ang ginagawa at itinabi muna ang walis sa gilid bago lumapit sa kan'ya nang nakangiti.
"Oo hija,tama ka.Mabuti naman at nkauwi ka na,"
Si Father Calix ang punong pari dito sa simbahan sa lugar nila sa Makati.Matagal na itong kura-paroko sa lugar nila at sa katunayan nga ay ito pa ang pari na nagbinyag sa kan'ya noon ayon sa Mama n'ya.Dito rin n'ya inilalaan ang free time n'ya kapag linggo na wala silang tinda,ay nagsisilbi s'ya sa simbahan nila bilang choir member.Oo,ganoon ang buhay n'ya.Bahay,eskuwela at simbahan.
Dahil mabait na Bata s'ya kung kaya't nagawa niyang maipagpatuloy ang pag-aaral niya sa kolehiyo sa isang prestilhiyosong unibersidad.Si Father Calix ang nagbigay sa kan'ya ng iskolarship dahil kaklase raw nito at kilala ang may-ari ng unibersidad na iyon.Na talaga namang tumatanggap naman daw ng iskolarship ngunit Thirty percent lamang,ngunit dahil tinulungan sya ni Father Calix,ay naging 100% nga ang kaniyang iskolarship.
At kanina nga ang unang araw n'ya sa klase,at natitiyak niyang ku-kumustahin lamang siya nito sa unang araw n'ya sa klase kanina.Napakabait talaga nito sa kaniya,lalo na sa mga kapatid n'ya.Siguro dahil ulilang lubos na ito mula pa noon at ni hindi nito naranasan man lamang na magkaroon ng mga kapatid.
"Halika hija maupo ka."Nauna na itong maupo sa gilid ng mga halaman at seryoso itong nakayuko.
Bigla tuloy ang kabang naramdaman n'ya?Nagbago na ba ang isip ng kaibigan nito at ayaw na siyang bigyan ng iskolarship?Paano naman s'ya at ang mga kapatid n'ya?Bago pa tuluyang tumakbo ang kung ano-ano sa isip n'ya ay nagsalita na nga ito.Nakangiti na ito sa pagkakataong iyon at tila nabunutan nga sy'a ng tinik.Ganoon ito palagi,palabiro kasi ito.
"Kinabahan ka ano?Gusto ko lang sabihin sa'yo na pagbutihan mo ang pag-aaral mo hija,ito ang allowance mo.Sana magamit mo ito sa pagbili-bili mo ng mga projects at puwede mo na rin pamasahe,"inabot nito sa kan'ya ang isang sobre.
Nangingilid ang mga luhang inabot ko iyon at nasilip ko nga ang laman niyon.Mga tig-iisang libo at may kakapalan iyon.Gusto ko man tanggihan at ibalik ito ay nagsumiksik sa utak ko ang mga sinabi nito at tama nga ito,marami siyang projects na kakailanganin sa pagpasok doon.At wala silang dapat na pera upang matustusan iyon,kaya nga binabalak pa niyang mag-apply sa trabaho upang hindi naman niya lahat iasa rito dahil nakakahiya na rin.
"Salamat po Father,sobra-sobra po itong naitutulong n'yo sa akin lalo na po sa pamilya ko,"
Balang araw mababayaran ko rin po ang kabutihan n'yo,"
Nangilid ang mga luha sa mga mata n'ya ngunit pinigilan na lamang n'ya iyon.Alam niyang ayaw nito sa mga drama dahil bukod sa kan'ya ay may ilan pa itong kasama sa simbahan na pinag-aaral din nito.
"Oh s'ya,umuwi ka na at walang kasama ang mga kapatid mo roon.Ayos lang 'ba ang unang araw mo sa klase kanina?"tanong nito sa kan'ya at nakatingin ito sa mga mata n'ya na tila inaarok ang tunay niyang damdamin sa isasagot n'ya.
Napalingon s'ya sa iba at naalala n'ya ang mukhang iyon.Ang guwapo ngunit nakakainis na ugali ni Winston.Ngunit ayaw na niyang bigyan nang alalahanin si Father Calix dahil ayaw n'ya na rin ma-stress pa ito.
"O-opo naman!Ang babait nga po ng mga tao roon ei,"pagsisinungaling na lamang niya.
Totoo naman,mabait ang mga tao sa eskuwelahan maliban lamang sa grupo nila Rheanon at Winston.Sa pagkaalala sa lalaking iyon ay 'di n'ya napigilan ang umasim ang mukha n'ya,na agad namang nahalata ni Father Calix.
"Oh bakit hija may problema 'ba?May nang-aaway 'ba sa'yo ro'n?"
"Wala po Father,Sige po maraming salamat po talaga rito,tatanawin kong malaking utang na loob ang lahat nang pagtulong niyong ito sa akin na balang araw ay masusuklian ko rin,"bukal sa loob na pasasalamat n'ya rito na totoo naman.
Tumango lamang ito at sinamahan s'ya hangang makalabas s'ya ng simbahan.
"Kumain ka na 'ba?"anito nang makita na nakahawak s'ya sa tiyan n'ya.
Bigla Kasi itong kumulo at naramdaman n'ya ang gutom dahil hindi s'ya kanina kumain noong recess dahil nag-agahan s'ya kaninang umaga pero mga alas sais pa iyon ng umaga.Nahihiya naman siyang umiling.
"Sa bahay na lang po Father,maraming salamat po,"mariin niyang tanggi dahil nakakahiya na masyado.
"Sige Daniella, mag-aaral ka nang mabuti ha?"
Isang tango na lamang ang isinagot n'ya rito at nag paalam na."Sige po Father salamat po,"
Pumasok na ito sa loob at s'ya naman ay lumakad na sa gawi papuntang bahay nila.Halos isang kanto lang naman ito mula sa bahay nila at isang kanto pa ang layo papunta sa palengke kung saan naka puwesto ang tindahan nila sa palengke.
Nagmadali na s'ya dahil mamaya rin mga alas dos 'y medya ay pupunta na s'ya sa tindahan nila.Gabi na lamang s'ya mag-aaral dahil inaantok pa s'ya sa umaga kaya mabuti na lamang ang malibang muna s'ya kesa makatulog lamang sa bahay.
Liliko na sana s'ya nang madaanan n'ya ang dalawa nilang kapitbahay at nakatingin ang mga ito sa kan'ya.Nakita niyang nagbulungan pa ang mga ito nang natapat sa kan'ya ngunit hindi naman s'ya bingi para hindi marinig ang sinabi nito.
"Oo,balita ko nga may ibang pamilya ang Ama niyan kaya raw grabe nga maawa si Father sa kanila,"
Nanlaki ang mga mata n'ya sukat sa narinig na iyon,subalit mas pinili n'ya na lang muna ang manahimik at magpigil ng galit.Wala naman pupuntahan kung makikipag-away pa s'ya sa mga tsismosang ito lalo pa at masasayang lamang ang natira n'ya pang lakas para sa mga ito.
Subalit kahit na nakalagpas na nga ang mga ito ay hindi n'ya napigilan ang mapaisip.Oo nga at dati n'ya pa talaga naririnig ang mga tsismis na iyon subalit pinalalabas na lamang n'ya sa kabilang tenga ang mga iyon.Mambababae pa ba ang Ama niya eh kulang pa nga ang kinikita nito para buhayin at pag-aralin silang lahat?At si Father,anong nalalaman nito sa bagay na iyon? Hindi kaya totoo nga iyon kaya ganoon na lamang ang concern nito sa kanila.
Sa mga alalahanin na pilit ay sumisiksik sa isipan n'ya ay muntik pa s'ya nakalagpas sa kanto ng bahay nila.Hay, naku naman.Napabuntong hininga na lamang s'ya.Hindi na ito dapat na makarating kay Mama dahil stress lang ang aabutin nito at baka mapa away na naman ito tulad noon kay Aling Maretes.Kung totoo man,siya ang unang dapat makaalam doon.
Dahil nawalan na s'ya nang gana ay pinili na lamang n'ya ang humiga saglit upang mapahinga ang isip n'ya.Nakalimutan na n'ya ang gutom na kanina ay naramdaman n'ya.Itinago lamang n'ya sa drawer ang sobre at hindi na naisipan pang bilangin kung magkano 'ba ang laman niyon.Ngunit dahil na-curious din s'ya ay kinuha n'ya muli iyon sa drawer at sinilip na rin n'ya at binilang iyon.
Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata n'ya nang mabilang n'ya nga ang laman niyon.Twenty thousand pesos!Sobra-sobra naman yata ito?Sa bagay na iyon ay lalo lang tuloy s'ya kinutuban,hindi kaya totoo ang tsismis?
Hay!pilit n'yang iwinaksi ang kung ano mang naiisip n'ya dahil hindi naman tamang mas paniwalaan pa n'ya ang mga tsismosang iyon.Subalit kahit na pinipilit niyang kumbinsihin ang sarili,ay hindi n'ya maalis ang pagdududa sa sariling Ama.Huwag sana,dahil 'pag nagkataon ay 'di n'ya talaga ito mapapatawad!
***
"Tawagan mo na nga si Daniella at kunin n'ya muna 'yan si bunso.Kanina 'pa kasi iyak nang iyak dito,baka naiinip na 'yan dito,"
Saglit na tumahimik naman ang tinukoy na tila nakikinig sa sinabi ng Ama nito.Nakasalampak ito sa semento at nakahubad ang mga tsinelas.Marumi ang mga paa nito gawa nang pagpapadyak nito sa lupa.Naghahalo na nga ang sipon nito sa luha nito,ganoon ito 'pag hindi nito nakukuha ang gusto.Kaya naman sa lahat ng mga Anak nila ay sa isang 'to sila naka-focus.Bunso nga kasi,'yon naman ang sabi ng iba.
Lumapit naman si Lucy sa batang nagmamaktol pa rin at kinausap ito.
"Gusto mo na 'ba umuwi sa bahay?"
"Gusto ko na po umuwi,nandoon na Ate sabi n'ya may pasalubong sa akin,"ang tila humihikbi pa nitong sagot pagka banggit sa ate.
'Di nila napigilan na mapabunghalit nang tawa mag-asawa.Sumimangot naman ito nang mahalata na pinagtatawanan s'ya
ng mga magulang.
"Iyon lang pala akala namin kung ano na,hala sige tumayo ka na d'yan para iuuwi na kita."
Agad nga itong tumayo pagka sabi na iuuwi na ito.Dito Kasi ay wala itong kalaro na mga kapatid at puro mga tindero at tindera lamang na panay pisil sa mga pisnge nito ang inaabot nito.Cute kasi itong bata,at may dalawa nga itong dimples.Halos lahat ng mga tao rito ay natutuwa sa kan'ya 'yon nga lang ay napaka iyakin lang talaga nito.
"Punasan muna natin 'yang mukha mo at maghugas ka muna ng paa sandali.Magagalit sa atin si ate mo,"wika ng Mama nito at tila nga maamo na itong sumusunod sa ano mang sasabihin ng Ina.
"Ako na lamang kaya ang mag-uuwi sa kan'ya?Hindi ko kasi kabisado ang ilang presyo ng mga ito baka mamaya magalit ka na naman 'pag mali ang mabenta ko,"wika ni Mang Chris sa asawa.
"Sige,ikaw na nga at marami pa akong kailangan gawin dito hihintayin ko pa si Nena Kasi ngayon daw magbabayad 'yon,"
"Halika na,Izzy 'wag ka makulit sa bahay ha?nahihirapan si ate mo kailangan n'ya pa mag-aral,"bilin niang Chris sa bunso at kinarga na nga n'ya ito.
***
Samantala,sa mansyon ng mga Sandoval ay abot-abot ang sigaw ng ama ni Winston dahil sa dinatnan nitong itsura ng anak.Galing lamang ito sa munisipyo at tinawagan ng mga kasambahay nila dahil nga napaaway na naman ang unico hijo nito sa kung saan na naman ito dinala ng mga tropa nito.Unang araw pa lang ng pasukan sa unibersidad na tatlong ulit na nga nitong pinapasukan kada taon para magpalit-palit lamang ng kursong maibigan nito.
Kung sa pera lang naman ang pag-uusapan ay wala naman silang problema sa totoo lang,kaya lang ay tila ginawa na nitong laro at kinasanayan na nga nito ang pag-aaksaya at tila paglalaro nito sa buhay nito.Sa totoo lang ay wala na silang magawang mag-asawa sa anak nilang ito.Tila kinulang ito sa aruga kung bakit gusto nitong masira ang buhay nito sa mga ginagawa nitong pagsali sa kung ano-anong g**o sa mga kabarkada nito.
"Sabihin mo sa akin Winston Berk,ano ba ang gusto mo talaga mangyari sa buhay mo ha?!"halos lumitaw na ang ugat sa leeg na sigaw ni Don Faustino,ang Ama nito na mayor din sa lugar nilang iyon.
Tila naman walang naririnig ang binata at nakatingin lamang sa malayo habang hawak ang cold compress na idinadampi nito sa putok nitong labi.Tinawag na naman s'ya sa buo niyang pangalan at 'pag ganitong-ganito ang Ama n'ya,natitiyak naman niyang wala itong papakinggan sa ano mang ipapaliwanag n'ya rito.Hindi naman talaga n'ya balak gumawa ng g**o ngunit nag-init lang talaga ang ulo n'ya sa isa sa mga grupo ng kalalakihan na nilait ang kaibigan n'ya nang harap-harapan.
"Kung hindi ka na talaga magtitino ay wala akong magagawa kung hindi ipadala ka sa tiyahin mo sa America,"tila nauupos na kandila itong umupo sa sofa at med'yo mababa na rin ang tinig nito.
Doon napatingin si Winston sa gawi ng Ama.No!Not again!Galing na s'ya roon at hindi na s'ya papayag pa'ng bumalik pa ulit doon.Mas magulo ang buhay n'ya roon dahil mas malawak ang ginagalawan niya at isa pa,nasangkot na rin s'ya minsan sa g**o nang minsang ipinadala s'ya ng mga magulang doon.
"No,Dad!Look,hindi ko naman ito pli-nano,nagkataon lang-"
"Nagkataon!Nagkataon ba'ng palagi ka na lamang umuulit ng taon sa kurso!?"
Bumuntong hininga na lamang si Winston.Hindi n'ya alam kung paano 'ba n'ya ipaliliwanag sa Ama na minsan talaga naman'g nagbabago ang desisyon n'ya sa buhay n'ya.Tila wala sa sariling natahimik na lamang ito.Umiling-iling na lamang si Don Faustino sa anak.Naaawa s'ya rito ngunit wala na siyang magagawa.
"Sige,pagbibigyan kita,ngayon kung matapos na naman ang taon at 'pag inayawan mo na naman 'yang kurso mo,humanda ka na talaga dahil sa ayaw o gusto mo lilipad ka ro'n,"
.
Umalis na ito at walang lingon likod na umakyat sa kuwarto nito sa taas.Naiwan naman siyang nakaupo sa sofa at gulong-g**o ang isipan n'ya.Sa totoo lang talaga wala na siyang gana pa sa buhay n'ya magmula nang mangyari ang panloloko sa kan'ya ng nauna niyang nobya.Ilang buwan lang naman din ang itinagal ng relasyon niyang iyon ngunit malaki ang epekto no'n sa pagkatao n'ya.
Nawalan s'ya nang tiwala sa sarili n'ya at ang tingin n'ya na nga sa mga kababaihan ay mga manloloko.Iwinaglit na lamang n'ya sa isipan ang babaeng iyon.Matagal na rin naman iyon.Dalawang taon na rin ang nakalilipas.Eighteen lamang s'ya noon at ngayon ay Twenty years old na s'ya.Iniwan na n'ya ang ginagawa sa sofa at mas pinili na lamang n'ya ang umakyat na lang din sa kuwarto n'ya.Hindi na n'ya hihintayin na dumating pa ang Mommy n'ya at makarinig na naman s'ya nang pangalawang sermon.He had enough of this day.