Chapter 6
Tuwang-tuwa ang batang si Izzy dahil nkauwi na ito sa bahay nila.Inabutan n'ya ang mga anak sa bahay na naglilinis at ang iba naman ay nag-aaral.Paalis na sana si Mang Chris nang tawagin ito ni Daniella.
"Papa?"ibinitin n'ya iyon saglit dahil ayaw n'ya na marinig s'ya ng mga kapatid.Takang napatingin naman ito sa kan'ya.
"Oh bakit'ba anak?"
"Alam mo 'ba Papa na narinig ko sila Aling Sitang na pinag-uusapan kayo?Totoo ba'ng may iba kayong pamilya?"bulalas n'ya.
Kitang-kita n'ya ang pagkabigla sa mukha nito.Hinintay n'ya ang sasabihin nito dahil gusto n'yang makatiyak na hindi nga iyon totoo.
"Alam mo 'ba dati pa 'yan nila pinagkakalat Anak,huwag mong iniintindi,"balewala nitong sagot.
Ipinagkibit n'ya na lamang iyon ng balikat. Iyon lang naman talaga ang gusto niyang marinig mula rito.Kasinungalingan mang matatawag iyon basta alam n'ya gusto lang n'ya marinig dito ang totoo.
"Ok Papa sabi mo eh,basta sana 'wag na lang makarating kay Mama ha,"may himig pag-aalala na bilin n'ya.Tumango lamang ito at nauna na lumabas.
Nang makaalis na ang Ama n'ya ay tinignan n'ya ang mga kapatid.Lima ang mga ito at s'ya ang panganay sa kanilang lahat.Ang bigat isipin na sa kan'ya ang mga ito nakaasa dahil matanda na rin ang mga magulang nila.Apat na taon pa,ang kailangan niyang tiisin at makakaahon din sila sa hirap.Ipinapangako n'ya iyon,sa naisip ay mamasa-masa ang mga mata niya ng luha at pinahid iyon ng likod ng palad.
***
Alas dos 'y media na ng hapon at nakulong pa rin sa kuwarto Niya si Winston.Katok na nang katok ang katulong nila dahil kanina pa s'ya pinabababa ng Mommy n'ya para mananghalian.Palagi naman siyang ganoon sa totoo lang, sa eskuwelahan lang naman siya nagiging totoo sa sarili n'ya.Dito talaga sa pamamahay nilang iyon ay wala naman siyang puwang o kahit man lamang mangatwiran para sa sarili n'ya.
Sa hindi malamang dahilan kung bakit 'ba nag-iisang anak na nga lang s'ya ng mga magulang n'ya ay ganoon na lamang ang paghihigpit ng mga ito sa kan'ya.Kaya tuloy sa halip na suporthan ng mga ito ang mga pabago-bago niyang desisyon sa buhayy ay ang mga ito 'pa ang mga numero uno na kontrang-kontra sa kan'ya.
Isang malakas na katok pa ang pumukaw sa pagmumuni-muni n'ya at sa lakas no'n ay wala na siyang nagawa pa kun'di ang tumayo at buksan na nga iyon.Bumungad agad sa kan'ya ang galit na mukha ng Mama n'ya.
"Balak mo 'ba'ng nagpakamatay sa gutom?!Ano't bakit hindi ka pa bumaba at kumain?"bahagyang bumaba ang tono ng Mama n'ya pagkakita sa tila miserableng itsura ng anak.
Kusot-kusot ang damit nito at g**o-g**o ang buhok,maiitim din ang mga gilid ng maya nito tanda nang pag-iyak at may basag ang gilid ng mga labi nito.Sa huli ay nanaig pa rin ang puso nito bilang Ina para sa nag-iisang anak.
"Ano na naman 'ba kasi ang ginawa mo?Alam mo naman ang Dad mo,masyadong mainitin ang ulo,'Wag mo na lang intindihin ang mga nasabi n'ya sa'yo.Dala lang nang galit iyon,"
Saglit na gumaan ang pakiramdam n'ya pagka rinig sa Mommy n'ya.Kahit paano naman 'di hamak na mas nakakaunawa ito sa kan'ya kaysa Ama n'ya.
"Ok Mom,maliligo lang ako then bababà na ako,"wika n'ya sa Ina upang hindi na ito mag-alala pa sa kan'ya.
Hindi na lamang s'ya kikibo kung sakali man na magkaharap ulit sila ng Daddy n'ya.Kasalanan naman talaga n'ya at pulos kahihiyan na lamang ang ibinbigay n'ya sa pangalan ng pamilya nila. Mabilis na s'yang pumasok sa banyo para maligo at pupuntahan n'ya sila Clifford sa bahay nito pagkaalis na pag-alis ng Dad n'ya.
***
"Bro,walang hiya ka,bakit mo 'pa kasi pinatulan 'yon kanina kaya ko naman 'yon eh ano bugbog ka na naman sa sermon sa erpat mo?"palatak ni Clifford sa kan'ya nasa loob pa ito ng gate nagsasalita na.
Napailing na lamang si Winston sa kaibigan.Pinagtanggol na nga n'ya ito s'ya pa ang sinisi nito.
"Ano ka 'ba naman.Umalis nga ako sa' min dahil maingay mga bunganga do'n pati 'ba naman ikaw dito,"nagsindi s'ya ng sigarilyo at hinit-hit buga iyon.
"Itigil mo nga 'yan 'tol,makita ka nila Mom,"sitsit nito habang lumilinga-linga ito sa likod nito.
"Pre,sakay ka na lang nga.Punta tayo kila Jambo bilis."Ininguso n'ya ang kotse na nakaparada sa tapat ng bahay nito.
Saglit lamang itong nag-isip at pumasok sandali sa loob.Pagbalik nito ay nakabihis na ito ng pang-alis at may back pack sa likod.Natawa s'ya sa ayos nito.
"Pre,'di tayo magca-camping loko,"pinindot n'ya na ang switch ng kotse n'ya at sumakay na sila sa loob.Tumabi ito sa kan'ya sa driver's seat.
"Sa Adriana tayo bro,"paalam n'ya kay Clifford.
Ang tinutukoy n'ya ay ang bar ng parents nila Chloe.Si Chloe ang ex-girlfriend n'ya.Ewan bakit doon n'ya naisip na magtungo.Halos dalawang taon na magmula nang huli siyang magpunta roon.
"Bro,okay ka lang? Bakit naman doon 'pa,isa pa mag-aalas sais pa lang ng gabi bro,"hindi makapaniwalang saad nito.
Hindi na lamang n'ya ito pinansin at sa halip ay mabilis niyang tinumbok ang daan patungo sa kahabaan ng Manila Bay.Sa sea side ang tinutumbok n'yang daan.Doon ay maayos siyang makakapag-isip at makakahinga sandali sa mga problema.
"Bro,'yong labi mo baka sabihin nila sinapak kita ha,"tumatawa nitong tinitigan ang putok niyang labi.
"Kapal ng mukha mo bro,ikaw dapat meron nito eh,"
Nakitawa na rin s'ya at in-off n'ya muna ang phone sandali dahil natitiyak niyang tawagan s'ya maya-maya ng Mama n'ya 'pag nalaman nitong wala na naman s'ya sa bahay nila.
***
Asar na asar na si Daniella sa costumer nila dahil kanina pa ito nakikipag tawaran sa kan'ya ngunit maya-maya rin ay magbabago ang isip nito kung ano 'ba talaga ang bibilihin nito.Galungong at tilapia lang naman ang pagpipilian nito.
"Eto na lang Miss??Magkano kilo?"hawak nito sa buntot ang tilapia.
"One fifty nga po,ale,"kinamot n'ya na ang ulo at tila nahalata naman s'ya nito kaya natatawa itong inilagay iyon sa timbangan.
"Pasensya ka na hija ha?Masyado kasing maarten ang alaga ko sa ulam eh,ayaw no'n sa mapula-pula ang hasang at lubog ang mata na isda,"
"Ho?!"tila batang nagulat na naibulalas n'ya.
Grabe naman ang alaga nito.Ano 'ba ito imported na pusa?Sumagot naman ito agad nang mahalata ang pag-iisip n'ya marahil sa sinabi nito.
"Sensitive kasi masyado 'yon hija ayaw no'n ayaw talaga n'ya.Alam mo na,anak kasi ng mayaman,"
"Bigyan mo ako ng dalawang kilo,'yan lang kasi ang gusto no'n 'pag sinar-siyado,"kuwento pa nito na tila matagal na silang magkakilala.
Tumango-tango na lamang s'ya at ikinibit ang mga balikat.Hindi na s'ya nagtanong 'pa rito Kasi hahaba pa lalo ang usapan nila lalo pa at may iba pang bumibili sa kan'ya.
Nasa bahay na kasi ang mga magulang n'ya at inasikaso muna ang kakainin nila mamayang gabi.Kabisado naman n'ya lahat halos ng presyo sa tindahan nila kung kaya't kampante na s'yang magbantay rito.
"Three hundred lang po 'Nay,"inabot n'ya na rito ang isang supot ng isda at inabot nito ang limang daang piso.
Susuklian na sana n'ya ito ngunit pagharap naman n'ya ay wala na ito at nakaalis na.Tinawag n'ya pa ito upang ibigay ang sukli nito ngunit hindi na s'ya nito narinig.
"Hay naku naman si nanay,kanina pa nagsasalita tapos iniwan ang sukli,itatabi ko muna 'to siguradong babalik naman iyon,"itinabi n'ya ang sukli nito sa hiwalay na lagayan.
Hindi naman n'ya puwedeng iwan ang tindahan nila at walang bantay baka masalisihan sila.Naisip n'ya bigla si Winston.Ano kaya ang hiwaga sa pagkatao nito?Sa tingin naman n'ya ay hindi ito ang tipo ng taong basta na lamang nanti-trip.Mayroong kakaibang bagay sa kan'ya at hinahatak noon ang interes n'ya ngunit may isang boses na nagsasabi sa kan'yang huwag na niyang alamin pa kung ano man iyon.
Hindi nga sy'a nagkamali dahil halos ilang minuto lamang ay bumalik nga ito.Nakangiti itong lumapit sa kan'ya,at bago pa nito sabihin ang pakay kinuha na n'ya ang naiwan nito.
"Nakalimutan n'yo po,hindi ko na kayo nahabol at wala hong bantay rito,"
"Naku,salamat hija mabuti na lamang at nan'dyan pa lamang ako sa kotse,"anito.
Nanlaki ang mga mata n'ya ngunit saglit lamang iyon.May kotse pala ito ngunit mas gusto nito mamalengke rito.Kung sa bagay,mas mura nga rito.
"Wala hong ano man basta 'ba dito po kayo palage bibili sa' min ha?"nginitian n'ya ito at tumango naman ito.
Umalis na ito at naiwan siyang nakatulala sa kawalan.Ang haba nang araw na ito para sa kan'ya.Dumidilim na rin dahil malapit na mag-alas sais ng gabi.Alas siyete ng gabi sila nagsasarado at pag-uwi lang n'ya saka lang s'ya makakapag-aral.
Naisipan niyang mag-cellphone muna tutal wala pa naman gaanong mga tao sa tindahan.Naisipan n'yang hanapin sa F.B ang pangalan nito at hindi nga sy'a nagkamali dahil lumabas agad ang pangalan nito.Wala itong masyadong kapangalan,kaya mabilis lamang n'ya itong nahanap.
Pinindot n'ya ito at dumiretsyo sa wall nito.Nagulat s'ya dahil puro kadramahan ang mga shared post nito tungkol sa mga pag-ibig at pamilya.Aba't marunong pala magmahal ang mokong.Natawa s'ya mag-isa sa naisip.Bakit 'ba n'ya pinag-aaksayahan ito ng oras n'ya?Well,siguro na-curious lang s'ya rito.
***
Nakailang katok na si Aling Dahlia sa kuwarto ng binata ngunit walang lumalabas na Winston sa kuwartong iyon.
Pinihit n'ya ang seradura ng pintuan at nakitang hindi naman naka-lock iyon.May nakatakip sa ibabaw ng kama at sa pagkaka ayos niyon ay alam na niyang hindi ito ang alaga niya.Nalintikan na.Natakasan na naman s'ya ng binata.
"Talaga namang bata iyon,Oo lagot na naman ako nito kila Ma'am,"palatak n'ya.
Bumaba na s'ya sa hagdanan at hindi makapaniwala sa ginawa ng alaga.Nagsisimula na naman itong magpasaway sa kanila dito sa bahay.Ano na naman kaya ang sasabihin n'ya sa mga amo sa babà?
Sa totoo lang ay napapagod na talaga s'ya sa pagtatakip sa mga kalokohan nito sa mga magulang nito.Halos s'ya na ang nagpalaki kay Winston dahil busy sa trabaho ang mga magulang nito at dahil nag-iisa lang itong anak,ay naka-focus ang mga magulang nito sa pagpapalago sa negosyo ng mga ito,gayon na rin sa posisyon ng ama nito sa politika.
"Manang,saan na ang alaga mo?"tanong ng babaeng amo n'ya,ang Ina ni Winston.
Bagaman at halata naman na alam na rin nito kung saan ang anak ay pinili pa rin nito na manggaling sa kan'ya ang sagot.
"Tumakas na po,"walang gatol ay sagot naman nito.
"Hayaan n'yo na po muna s'ya.Talagang sumasakit ang ulo ko sa batang 'yo'n,"hinilot nito ang sentido.
Wala pa ang Daddy ni Winston,bumalik ito kanina sa city hall at baka dumiretsyo na ito sa restaurant business nila malapit lang naman din dito.Nasa isang subdivision sila sa Manila na malapit lang din sa trabaho at negosyo ng pamilya nila.Mag-dadalawang taon pa lamang silang naninirahan dito dahil lumipat lamang sila matapos mamatay ang mga magulang ng ama ni Winston sa Baguio.