“DID you get all of the instructions, Rachelle?”
Tango lang ang tangi kong isinagot kay Tanya, isang assistant editor sa publishing company kung saan ako nakuha bilang isang budget associate, na siyang kakatapos lang ng paglibot sa akin sa loob ng building at pagsabi sa akin ng mga dapat at hindi dapat gawin. Nalibot naming ang iba’t ibang department ng kumpanya, hanggang sa inihatid niya ako sa isang maliit na cubicle sa isang sulok ng budget and sales department, which I presume would be my spot in this office for I don’t know how long.
God, I just really need this job to sustain my life.
Sa kaunting panahon ng pananatili ko rito sa Terreva, masasabi ko talagang malaki ang syudad. Para itong Maynila na napapalibutan ng sandamukal na mga estruktura, ngunit ganoon din ka lii tang mga oportunidad na makakapitan.
Lucky for me, nakakuha ako agad ng matatrabahuhan, all thanks for the help of Alicia for pulling some strings and telling her colleague to recommend me in a secure spot where I could pay all my bills and buy decent food. Ang unang dalawang lingo ko sa pananatili sa Terreva ay naging kalahating langit at kalahating impiyerno; umaasa lamang sa pinapadalang pera ng aking kapatid upang matustusan ko ang gutom sa isang araw at hindi mabawian ng buhay sa susunod.
After the second week I really had the urge to sustain for myself, dahil hindi ko naman pupwedeng iasa na lamang ang lahat sa kapatid ko na siya ring pinapagod ang sarili sa pagtatrabaho habang nag-aaral sa medical school.
“If you ever need help in anything, you can just use the phone on your cubicle. I’m on speed dial 5,” sambit ni Tanya bago umalis sa aking kinaroroonan at marahil ay babalik na sa orihinal nitong ginagawa.
I take a look around the office, seeing serious faces of people tending to their tasks. Some are on their telephones, some are typing something on their computers, and some are sorting through documents. Taking a heavy breath, I take a seat at my simple swivel chair and begin in assessing my cubicle, putting my clutch bag on a drawer and turning my company computer on. A middle-aged woman came walking towards me with a pile of papers clipped by her chubby arms.
“Ikaw iyong bagong salta, diba?” Tango ko. “Siguro naman alam mo kung paano ang paggamit ng Excel, kaya kailangan kita para ilagay lahat ng mga amounts sa file. Huwag kang mag-alala kasi nakaformat na agad ang Excel na bubuksan mo sa desktop. Tsaka, kung mayroon ka pang oras ay gawan mo itong lahat ng line chart saka mo i-print.”
She unloads the stack in my desk and wipes the sweat off her forehead. “Saan ko po ipi-print ang mga documents, Ma’am?” Nagulat ako nang Makita kung gaano katas ang pile ng mga papeles ngunit wala akong magagawa kundi sumunod sa mga utos ngayon, since I am newcomer and newcomers never talk back, unless you want to get fired on your first day at work.
“It’s in a cubicle near the door to our office,” saka niya tinuro ang mga documents. “All the things that are needed to be punched in the Excel are highlighted in yellow. You can just call me if you have some questions about your task. I’m May, by the way.”
Nang masiguro ko sa kanya na magagawa ko ang pinagagawa niya, tipid niya akong nginitian at bumalik na sa kaniyang pwesto. I stare at the mountain of paper that is waiting for me to give them attention, and I give them all of it.
Magiging maganda itong distraction para sa akin matapos ang isang napaka eventful na umagang aking naranasan. I clicked on the Excel software in the computer and began to work.
NANG mangalahati sa salansan ng mga papeles sa aking lamesa, inunat ko ang aking mga braso dahil sa pangangawit at ikinurap ang mga mata ng ilang beses. So far I’ve got to finish four Excel files at this point of time; it’s almost twelve already but I’m still halfway through my task. I did a neck stretch to get the tense out of my muscles and saved what I’m currently working on. For sure, I can’t still complete the task before lunch since I’m still far from being finished.
But I was really surprised to notice that mind has completely got rid of the incident at the street a while ago, as if it was just a faint memory of my past that I do not want to remember again. Satisfied with the result of my unexpected way of therapy, I reached to the drawer, searched for some cash in my bag and stood to grab some lunch.
Lumabas ako ng building upang makapaghanap ng malapit na convenience store at napangiti ako nang makakita ng isa sa ‘di kalayuan, dalawang kanto lamang mula sa opisina. Pagpasok ko ay agad akong naghanap ng makakain, isang microwaved club sandwich at soda, binayaran at naghanap ng bakanteng mauupuan sa loob ng tindahan. Nakakita ako ng isa sa may sulok at umupo na agad upang masimulan ang aking tanghalian.
Halfway through my sandwich I watched the city moving past my eye through the glass walls of the store, seeing kids being guided by their mothers along the sideways and some people coming and going through every intersection of the street. Tatlong lingo ng paninirahan ko rito sa Terreva ay namamangha parin ako kung paanong laging iba-iba ang mga mukhang aking nakikita sa bawat araw na lumilipas.
Doon kasi sa maliit na bayan sa probinsya kung saan ako lumaki, pare-pareho lang ang mga mukhang aking nadaraanan kapag pupunta ako ng palengke o ‘di kaya ay mamamasyal. Lalo na ang mga magkukumareng nagkukumpulan sa labas ng kanilang mga bahay habang pinagchi-chismisan ang mga kapwa nilang kapit-bahay o ‘di kaya ay pinaseselos ang isa’t isa habang nagpapayabangan silang mga mag-kumare.
I could only smile from the memory and as much as I hate the fact of people meddling in other people’s businesses, I miss waking up to the sounds of it from outside our humble home.
When I glanced away from the streets and on to where I am, my eyes landed on the television hanging on the wall beside the counter. What was currently being showed was a news flash on the events that had happened last night up until this morning.
Nagulat ako nang nag-flash sa telebisyon ang mga nangyari kaninang umaga, na siyang aking nasaksihan. Nagsasalita ang reporter tungkol sa isang ‘deal on arrival’ at ‘thirty-year old na lalaki’at ‘itim na sedan’, ngunit ang aking mga mata ay nakatuon lamang sa footage na nakuha nila na pinapakita ang isang lalaking posibleng suspek sa hit-and-run sa lalaki kanina.
Somehow, somewhere, alam kong nakita ko na ang mukhang iyon. His strong expression, sharp jaw, and stark eyes when focusing on something; I just know that I’ve seen that face already.
Ngunit, saan ko naman kaya iyon nakita?
Shrugging off from sudden chills running on my back, I hurriedly finished the rest of my meal and started to go back to the office.
When I reached the building I noticed a new black car parked outside. Iniisip na baka isa itong kliyente o baka mga importanteng tao sa opisina, dali dali akong bumalik sa loob upang matapos ang aking mga gawain.
SIGHING contently, I looked at the clock hanging on the wall of our office and saw that it’s already five in the afternoon when I finally finished my task. Nilapag ko ang panghuling grupo ng mga papeles sa sa mga natapos ko nang pile at is-in-ave ang mga Excel files sa isang flash drive na hiningi ko mula kay ma’am May kanina. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at hinanap ang cubicle na may printer.
Simula nang makabalik ako sa opisina galing sa lunch break ko, pansin ko na kaunti na lang ang mga taong nasa department namin. I could only see about four people left tending to their desks and I only have seen May walked back to her cubicle an hour ago. Sigurro marahil ay nagtawag ng isang urgent na meeting kanina habang wala pa ako at sa aking pagkabigla, kaunti nalang ang nakabalik sa kanilang mga desk at ang karamihan siguro sa kanila ay pinatawag sa kung saan o ‘di kaya ay in-assign sa ibang gawain na hindi nila gagawin dito sa department naming.
Too much for starting to stick my nose inside the happenings in this building on my first day, so I went back to my task and finished working on the reports that I have to give to ma’am May.
Lumipas ang ilang minuto at natapos na rin ang mga pr-in-int kong documents. Iniabot ko ang lahat ng mga ito kay ma’am May saka bumalik sa aking cubicle. Inunat ko ang akin mga braso upang maibsan ang tensyon sa mga ito and ch-in-eck ang aking cellphone. Surprisingly, I haven’t received any call from my sister since this morning, so I dialed her number and wait.
A few rings later and my call went to voicemail. Siguro isang busy day it okay Alicia, since Monday din naman kasi ngayon at nag-aaral siguro iyon. Nagbuntung-hininga na lamang ako at inilagay ang cellphone ko sa mesa. Napagawi ang aking atensyon sa isang babaeng malapit sa desk ko at tinawag. “Excuse me.”
The woman pried her eyes out of her computer and faced me. “Yes?”
“Hi. Ako nga pala si Rachelle,” sambit ko sa kanya. Mas mabuti na rin siguro na i-acquaint ko ang aking sarili sa iilan sa opisinang ito para naman hindi ako magmukhang suplada at snub.
I offered my hand to her and she accepted it with a shake. “Gracie. You’re the newcomer, right?”
“Oo,” I fake-scratched my elbow and took a quick look around the office. “Gusto ko lang sanang itanong, nasaan na iyong mga kasamahan natin?”
Uminom si Gracie ng kape mula sa kanyang malaking mug at ginaya rin ang paglibot ko ng tingin sa buong kwartong kinalalagyan naming ngayon. “Well, siguro ay wala ka pa noong dumating ang Big Boss. Tinatanong mo kung ano ang nangyari at naging mas maluwag na ang opisina ngayon?” Tumango ako. “Nasisante na silang lahat. Tayu tayo na lang ang natitira dito sa budget and sales department.”
Pinigilan kong kumawala ang isang sigaw mula sa aking bibig kung kaya’t tanging lumabas lamang ay isang singhap. Nilibot ko ulit ang aking mga mata sa paligid at inusisa ang kada cubicle na naabot ng aking paningin. Doon ko lang napagtano na ang kaninang mga lamesang uno ng mga papeles, sticky notes, styro foam cups at kung anu ano pa, ngayon ay tila nadaanan ng isang malaking vacuum cleaner at ngayon ay bakante na.
It stuns me to know how in a single hour that I was gone to grab a bite, about a whole office was fired.
Paano nalang kung hindi ako lumabas para mananghalian? Kasama kaya ako sa mga matatanggal?
Hindi na ako nakipag-usap pa kay Gracie upang makabalik ito sa kanyang ginagawa. Nanghihinang isinandal ko ang aking likod sa sandalan ng aking upuan dahil sa gulat. Hindi ko lubos maisip na ang akala ko’y magiging maayos na araw na ito, ay mapupuno pala ng mg aka gulat gulat na karanasan, too much for my three-week stay here in Terreva.
Ngayong tapos na ako sa mga pinagagawa sa akin, at umabot na ako sa akmang oras upang mag-out, walang imik kong niligpit ang aking mga gamit at dahan dahang nilisan ang opisina nang walang nililikhang anumang ingay. Pagkarating ko sa elevator ay hinintay kong bumaba ito sa lebel n gaming department. Ilang saglit lang naman ay tumigil na ito at bumukas ang mga bakal na pintuan. Tinungo ko lang ang aking ulo at pumasok sa elevator. Hindi ko na pinindot ang button ng ground floor dahil umiilaw na ito, hudyat na doon rin ang destinasyon ng sinumang kasama ko sa elevator ride na ito.
Sa buong minuto ng pag-andar ng elevator ay tanging paghinga ko at ng tanging kasama ko lang ang maririnig, kasama na ang mahinang huni ng mga makinang nagpapagalaw sa elevator. Ngunit sa sandaling tumigil na ang elevator at naghudyat na umabot na kami sa pinakamababang palapag, nang mapalingon ako sa mga pintong unti unting bumubukas, nakita ko ang repleksyon ng mukha ng aking kasama.
Isang pares ng kulay tsokolateng mata ang nakapako ang tingin sa harapan – hindi ko mawari kung ito ba ay nakatitig sa sariling repleksyon o mayroong malalim na iniisip. Maaliwalas man ang mukha nito’y mayroon pa ring tila gustong ipahiwatig ng kanyang titig, nangungusap at ninanais na ang atensyon ng sinumang makakakita ay gustong mapasakanya lamang. Saglit na nilingon niya ang aking repleksyon at doon ay mahina akong napasinghap. Patuloy niya lamang akong pinagmasdan sa repleksyong aking nililikha hanggang sa magbukas ang mga pinto. Walang imik itong lumabas ng elevator nang hindi man lang ako binabalingan ng anumang atensyon.
Ilang sandali rin akong nakatulos lang sa aking kinatatayuan, hanggang sa namalayan kong pinipigil ko pala ang sariling paghinga. Dali dali akong umalis ng elevator at nilisan ang building. Hindi ko mawari kung bakit ganoon ang naging reaksyon ko doon sa kasama ko sa elevator ko kanina. Patuloy kong hinahalungkat sa aking isip kung anuman ang dahilan kung bakit natigilan ako nang magtama ang aming mga mata kahit panandalian lamang.
Wala akong ibang makuhang ibang rason, kahit nang makasakay ako sa bus at makauwi. Hanggang sa mailapat ko na ang aking likod sa aking kama ay isa lang ang naglalaro sa aking isipan…
ang mga titig na iyon… ay nakita ko na noon.
~