SOME time while I’m in slumber, my phone chimed from the bedside table. Groggily, I reached for it and looked at whatever could have disturbed me from my sleep.
Nung ch-in-eck ko ito, message pala iyon galing kay Alicia, na nagsasabing natanggap na raw ni Ma ang pinadala kong pera sa probinsya.
It was not long after that encounter with the Big Boss, that I received my first paycheck. There, I immediately saved some for myself and sent the remaining amount to Ma.
Laking kaginhawaan sa pakiramdam na hindi ako nasisante noong araw na nakausap ko ang Big Boss. Sa katunayan nga ay hindi na masyadong mabibigat ang mga trabahong pinapagawa sa akin.
It was a mystery, though. I don’t know if I have already adjusted myself well into my work or I was given a better treatment that what the others would receive. But maybe, the work I got was lessened because of the newly hired trainees and interns.
Nang malingunan ko ang orasan sa gilid ng kama at nakitang alas sais na ng umaga, bumangon na ako mula sa pagkakahiga at sinimulan ang aking Saturday routine.
Hindi naman ganoon kalaki ang apartment na nakuha ko. Mayroon lang itong isang bedroom, maliit na kusina, mmay bathroom na maaari ko ring maging laundry room, at isang maliit na sala kung saan ang nabili kong secondhand na sofa ay nakaharap sa isang mallit na telebisyon. Kasama sa mga importanteng bagay na dinala ko mula sa probinsya, mga naka-pile na libro at ang personal kong koleksyon ng angel figurines lamang ang mga nago-okupa ng espasyo. Hindi ko rin naman kinailangan ng ibang mga gamit; sapat na ang magkaroon ng burner stove, maliit na ref at mga ceiling fan upang maka-survive ako sa aking independent life.
Mabuti na nga lang at napakabuti ng landlady sa akin sa hindi pagpapabayad sa akin ng renta sa loob ng dalawang buwan, para raw ay makaipon ako para sa mga maaari kong paggastusan sa future. Pero lalamunin din ako ng hiya at guilt kapag hindi man lang ako nakapagbigay kahit sa maliit na paraan, kaya sa bawat panahon na sumusobra ang niluluto kong ulam, hinahatid ko ito sa kanya sa pinakamababang palapag kung saan ito nakatira.
After a quick shower, I take a glance at my uncleaned room with a week worth of mess. Taking a deep breath, I tie my hair into a messy bun and started my cleaning session.
Makalipas ang ilang oras, at habang nililigpit ang pinalitang bedsheet upang madala sa bathroom, ay nakarinig ako ng katok mula sa pinto.
I stopped moving because of confusion, thinking that I don’t expect any visitor to come today.
Assuming that it could be the landlady visiting me again, I went outside the bedroom and paced to the door with brows drawn together while carrying the dirty laundry in my arms. I struggled to reach the knob without letting the cloth fall to the floor but still succeeded in doing so. And when I turned to the person standing outside of my tiny home, my whole world came to a full halt.
Nakatayo sa hallway ang taong pumuno sa utak ko ng sandamakmak na kuryosidad.
His hair was cleanly swept to the back of his head, which fell almost at the middle of his nape. He wore a crisp navy blue dress shirt, with the hem tucked into a pair of black jeans.
Alexan Del Valle. The Big Boss.
Ang lalaking napagkamalan akong Giselle.
As I stare at his face, I see that the expression that he is wearing right now is much different than what he showed off that Tuesday when he called my attention. There’s a soft side on it now, which I didn’t see on our past encounter. Yet still, he is standing with all grace and might, which made him look like he still holds the authority wherever he would go.
Saka ko lamang napansin na tumagal na ang pagtititigan namin nang maramdaman kong nabakante na ang mga brasong kong may kinakalong kani-kanina lamang. Tumingin ako sa mga kamay ko at nakitang ang kaninang dala dalang maruming bedsheet ay nahulog na sa sahig, pinalilibutan ang mga paa naming dalawa at ang b****a ng pinto ng puti at mga tela.
I quickly took hold of all the fabric from the floor and tucked it in my arms again while being consciously aware that a set of eyes is boring a hole at the back of my head.
Matapos kong makuha ang haba ng bedsheet at makulong ulit sa aking mga braso, nahihiya ko siyang nilingon at nagsalita. “Excuse me po. Pero sa tamang kwarto ka ho ba kumatok?”
Surprisingly, I didn’t hear a single stutter from the question that my mouth had uttered, so it was a bit of relief and I felt a tad proud.
His lips actually lifted for a while, as if he was amused, before he spoke. “Rachelle San Juan, moved to Terreva two months ago at an old apartment building in room 513, working at Green Valley Publishing Company,” I stare at him in shock when he knew about where I live but felt no surprise at all. A man as powerful as he is could use his resources to pull strings just to know anything that he wants to know. “Now, would you please let me in?”
Nahihiya man ako sa kalat sa aking bahay, tumagilid ako ng tayo at sumandal sa doorway upang mabigyan siya ng space, hudyat na pinapapasok ko siya sa masasabi kong pinakapersonal na material na bagay sa buhay ko na nakuha ko rito sa Terreva.
Wala pang sinuman ang nakakapasok sa kwarto ko roon sa probinsya, maliban kay Ma at Alicia. Si Ethan na dating kasintahan ko nga ay hindi man lang nakaapak sa unang lebel ng hagdan dahil lagi siyang hinaharang ni Ma, na lagging sinasabing hindi pwedeng makapasok ang isang lalaki sa kwarto ng babae kung hindi niya ito asawa.
Pagkatapos nun, makakakuha siya ng isang oras na lecture tungkol sa premarital s*x galing sa aking ina, na siyang tinatawanan ko na lamang dahil ni minsan ay hindi namin naisip ni Ethan na gumawa ng anumang bagay na ikasisira ng pagkamit namin sa kanya kanyang pangarap na gustong makuha, na siya na ring naging dahilan ng aming paghihiwalay.
But past is past, and you cannot start on something else if you dwell on it.
Kaya’t masasabi ko, na ang lumang apartment na ito ay napaka-personal sa akin, liban na lamang sa kwarto ko sa probinsya at ang koleksyon ko ng mga figurines, kung saan ang hanay ko ng mga porselana ang nauuna sa lista. At mayroong isang tao, isang estranghero, let alone a man, ay makakapasok sa aking personal space.
I ignore the lump forming in my throat so as the fear and discomfort that’s growing inside my loins. He was walking excruciatingly slow, taking note of every nook and cranny. He stopped at the hanged frame in the wall that separates the bedroom from the living room. It was a picture of me, Ma, and Alicia. It was taken during Alicia’s graduation where Ma cried with much pride for her daughters, whom were able to graduate by the strength of her arms alone. Alexan stared at it until he almost bore a hole right through it. When he still didn’t move, I silently left the hall to place the bed-sheet I’m holding on top of the pile of dirty laundry inside the bathroom.
Alam kong naging mabilis ang naging pagtungo ko sa bathroom ngunit nang makabalik sa kung saan ko iniwan ang Big Boss kani kanina lamang, wala na ito doon. Dinala ako agad ng mga paa sa aking munting sala, at doon natagpuan ko siyang tutok na tutok sa aking koleksyon na nakalagay sa loob ng isang cabinet sa gilid ng telebisyon.
The discomfort that I felt minutes ago was nothing to how much uneasy he is making me feel right now. When I saw him about to reach forward and touch the porcelain, I swallowed all the shame in and lurched forward, blocking his touch from the figurines. The angels were so precious to me that I don’t even let Ma clean them, I gave personal care to my collection and no one has ever laid a hand on them except me, and the thought of another skin, let alone a stranger, was about to touch them, made me sick.
Nang makita niya ang reaksyon ko sa kanyang ginawa, sandaling tumitig sa sa akin, at kumawala ng isang buntong hininga bago iniwas ang tingin. Nilagay niyang muli ang mga kamay sa kanyang gilid at naghanap ng mauupuan, at hinayaang dumausdos ang sarili sa sofa, na sa laki ng pigura ng lalaki ay halos nasakop niya ang lahat ng espasyong kayang ilaan ng kutson. Nagmukha man siyang dambuhala sa loob ng maliit na silid na ito, hindi ko maiwasan na hindi makaramdam ng pagsisisi sa aking ginawa.
As his stare went back at me, the emotion lurking behind his brown orbs held too much intensity that I wanted to turn away from him and hide at a far, safe place where I won’t be infected by the grief he is feeling, and when his voice broke I just knew that the Big Boss the whole company seemed to be so terrified of, is more than just the hard facade he wears.
“You’re really not her.”
Hindi ko maintindihan ang mga salitang kanyang tinuran, ngunit marahil ay tungkol ito sa maling pag-aakala niya sa akin. Nang magsimula akong makisimpatya sa kung anuman ang bumabagabag sa kanya, ang pagkabalisa na ngayon ay unti unting nauupos, dahan dahan akong umupo sa sahig at pinagsalop ang mga kamay, nang hindi man lang iwinawaglit ang tingin sa lalaki.
He swept his hand over his face, which has color drained from its hard features, while looking at the ground, as if wanting to remove the exhaustion from anything that was causing his dilemma. He looked so vulnerable in his state right now that I want to reach out to him, but I refrained myself in doing so.
For he was still a stranger, with a motive when he came here a few moments ago.
“Sir, kung maaari ko lang namang itanong. Bakit ho kayo naparito?” nanginginig kong tanong habang sinusubukan na iiwas ang pagtanaw sa kaharap, sapagkat ayaw ko namang makita niya na tila pinag-aaralan ko siya hanggang sa kung saan man umabot ang aking tingin.
Lumingon ang Big Boss sa aking direksyon bago isinilid ang isang kamay sa likurang bulsa ng pantalong suot. Nang makabalik ang kamay nito sa aking paningin ay mayroon na itong hawak hawak na papel na kalahating nakatupi. Inabot niya ito sa akin kaya’t lumapit ako sa kanya, habang nasa sahig parin ako, at dahan dahang inabot ang papel.
Sa puntong ito, hindi ko na sinubukang itago ang aking pagkagulat nang maiunat ang papel mula sa pagkakatupi. Sa loob nito, isang repleksyon ng aking sarili ay niyakap mula sa likod ng isang lalaki, ang dalawang pares ng mata ay may sayang makikita habang nakatingin ng diretso sa camera, diretso sa akin. Ang lalaking nakayakap sa babaeng aking kahawig ay ang Big Boss, at ang babae ay nagmistulang isang piraso ng isang jigsaw puzzle na siyang magbubuo sa buhay nito; nakasuot ng puti habang hawak ang isang pumpon ng makukulay na rosas sa kanyang kamay.
It was a wedding photo. But I don’t remember that I ever got married.
Muli kong inilahad ang tingin sa lalaking nasa aking harapan, na hinahaplos ang mukha gamit ang mga palad, at napansin ang pagkinang ng ginto mula sa kaliwang kamay ng lalaki.
He’s married to a person who looked eerily like me, and judging from the shape of the body that the woman possesses, she may have had the same built as I am.
He married an exact copy of my self, which really terrifies me the most. The reason why he has called me Giselle that Tuesday became crystal clear in my mind that I thought it blinded me for a second.
He thought I was his wife.
~