A/N: R-18. You are warned. read at your own risk. NAIS ko mang umangal ay wala rin naman akong lakas na humindi kay Alexan. Napatango na lamang ako at sinagot ito ng ngiti. Dumapo naman ang aking mata sa likuran ng lalaki. “Ano ‘yan?” Tumalikod man si Alexan sa akin ay hawak naman nito ang isa kong kamay at hinila papunta sa isang bahay na may dalawang palapag. Kahoy ang mga pader nito at napapaligiran ng mga halaman ang labas ng bahay. “The package I got came with a rest house. So I figured we could stay here while we explore the rest of the island tomorrow,” sambit ng lalaki habang may hinahalungkat sa bulsa ng pantalon nito. Nang makalapit na sa pintuan ay binitawan ng lalaki ang aking kamay at binuksan niya ang pinto gamit ang susing nakuha mula sa kaniyang bulsa. Nilibot ko na

