HINDI ako mapakali habang naghihintay ng tawag o text mula kay Alexan. Matapos ang check-up ng kapatid ko kanina ay sinamahan ko itong makabalik sa tinutuluyan ng aming ina at agad na umarkila ng taxi papunta sa bahay ng mga Del Valle. Maggagabi na at hindi pa rin nakakabalik si Alexan mula nang umalis ito upang puntahan ang lugar na natagpuan ng mga tauhan nito. Hindi ko maiwasang kabahan dahil alam kong pagod ito dahil sa mahabang biyahe, at lalo pang madadagdagan ang stress ng lalaki. Palakad-lakad lang ako sa sala at balisang napapatingin sa bintana, umaasang ano mang oras ay lilitaw na sa daan ang sasakyan ni Alexan. Marami na ring mga bagay na bumabagabag sa aking isipan, habang inaaalala ang nangyari sa akin sa loob ng CR doon sa amusement park. Kung totoo nga ang sinabi ng mg

