#ReadyForIt CHAPTER 14. Nang buksan ni Kapitan Ysmael ay nagulat ako nang makita ko ang mukha ng bangkay. Hindi ako makapaniwala kanina lamang ay nagmamakaawa siya sa akin. Ilang oras pa lang ang nakalipas at agad siyang namatay? "Papasok na sana ako kaso naka-lock at nakita ko siyang nalulunod," umiiyak na salaysay ng babaeng kasama niya na ex-girlfriend niya. "Paanong nalunod eh athlete siya? Swimmer siya nanalo ng silver medalist," tanong ni Lexus sa kaniya. "Ewan ko basta nakikita ko siyang nalulunod at parang may humihila sa kaniya paibaba at sumisigaw siya pero hindi ko marinig," tugon nito. "Hindi ba kayo nag-away bago siya pumonta dito? At saka anong oras na, at may dugo mula sa cr na nagdurogtong dito sa pool, posibleng buhay pa siya noong nakita mo?" si Kapitan Ysmael

