CHAPTER 13. #Danger Hindi ako nagdalawang isip na puntahan si Samantha, gusto kong malaman kung siya nga ba talaga ang nag-utos kay Shirley. Mabilis ko siyang nahanap dito sa hallway malapit sa classroom nila. "Samantha," hindi ako nagdalawang isip na tawagin siya at napalingon naman siya. "Oh? Susuko ka na ba sa hamon ko? Oh my god hindi pa nga nag-uumpisa!" mataray na tugon niya. "Totoo bang ikaw ang nag-utos kay Shirley na nakawin ang bracelet ni Mrs. Miraflores at ibigay sa akin para mapagbintangan ako?" hindi na ako nagpatumpik pa at walang preno kong sinabi sa harap niya. Mabuti na lang at walang masyadong estudyante at walang may nakakarinig. Gusto ko lang klaruhin dahil nilagay niya sa panganib ang buhay ng tao at ito ay namatay. Baka nga siya din ang pumatay. Isa din s

