CHAPTER 4: WHO IS THE KILLER

1145 Words
CHAPTER 4. #WhoIsTheKiller Dalawang linggo na ang lumipas ngunit nanatiling tahimik ang paaralan tungkol sa pagkamatay nila Justine. Hindi ko alam kung talaga bang iniimbistigahan ng paaralan o hindi dahil hanggang ngayon wala pa ring balita kung ano ang nangyari sa kanila sa basement. Hindi maalis sa isipan ko buong araw ang kaso nila Justine, hindi ako nakapag-focus sa klase kanina at hanggang ngayon nasa-isip ko pa rin sila. "Hindi ka pa ba uuwi? Mauuna na ako nandito na ang sundo ko," paalam ni Cherry sa akin. Tumango lang ako, si Harvey nauna ngayong umuwi at ako na lamang ang natitirang estudyante sa paaralan na ito. Madilim na at nakakatakot na dito, kailangan kong mag-ingat baka mapansin ako ng mga guards at pagalitan ako. Kailangan kong alamin ang nangyari kay Justine sa basement at kung paano sila namatay, isa lang ang kasagutan sa mga katanugan ng mga estudyante sa paaralan na ito. dahan-dahan akong pumasok sa isang room kung saan pwede i-review ang mga kuha ng cctvv noong araw na iyon. May nakita akong isang cctv sa tapat ng basement kaya posible makikita din doon ang killer kung pumasok nga ba siya sa basement o nauna siya bago sila makapasok ni Justine. Walang tao kaya mabilis akong nakapasok, hindi na ako nagdalawang isip at agad na tumutok sa monitor at hinanap ang araw na pumasok sila. Nang makita ko ang footage ay agad ko itong pinanood, bandang alas kuwatro na iyon ng hapon at tatlo lamang sila ang pumasok wala nang iba pa. Agad akong napaisip, kung hindi dumaan ang killer sa mismong entrance ng basement posibleng may ibang daanan pa ito bukod sa entrance. Tumayo ako at lumabas naglakad ako, gustong-gusto kong puntahan ang basement pero parang may humahatak sa akin at sinasabing 'huwag' ipagpatuloy an binabalak ko. Natigilan ako ng maisip ko ang cellphone ni Cleo, isa din iyon sa ebidensya. "Nasaan na kaya iyon?" bulong ko sa sarili ko. Umiba ako ng direksyon, tumungo ako sa opisina ng principal. Siya ang huling nakita ko na may hawak ng ebidensya na makakapagsabi kung paano at sino ang pumatay sa kanila. "Narinig ko gusto nilang i-video ang basement kung totoo raw po talaga ang sumpa," naalala ko ang statement ng isa sa mga kaibigan nila Justine. Kaya posibleng nakuhaan ng video ni Cleo ang pangyayari. Nang makarating ako sa hallway ay agad akong napatago sa gilid ng makita si Principal Miraflores na palabas sa office niya. Napabuntong hininga ako ng hindi niya ako mapansin. Agad ko namang tinignan ang pintuan at saktong bukas ito. Nilingon ko muna kung may tao ba bako ako pumasok sa loob, Dali-dali kong hinalungkat ang drawer niya at napangiti ako ng makita ko iyon. 'Miss?" natigilan ako ng may nagsalita sa likod ko at tinutukan pa ako ng flashlight. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig at nanginginig ang buong katawan ko sa takot. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya at mas lalo akong nagulat nang makita ko na ang lalake sa harap ko ay si Lexus. "Lexus?" kunot noong tawag ko sa kaniya. "Let's go!" hindi siya nagdalawang isip na hilahin ako palabas sa office ni Mrs. Miraflores. "Aray Lexus!" bulong ko. "Hindi ka ba nag-iisip? alam mo bang delikado iyang ginagawa mo at ganiton oras nandito ka pa?" mariin niyang saad. "Hindi ako makatulog kapag hindi ko nalaman ang kasagutan Lexus, kaya hayaan mo na ako alam ko ang ginagawa ko." sagot ko sa kaniya. "ikaw ba't andito ka pa?" dagdag ko pa. "I'm searching for an answer too." "Pareho pala tayo so ano na nakuha mong ebidensya? sino ang killer?" sunod-sunod na tanong ko. "Hindi ko alam, masyadong magaling ang killer simula noon hindi ko talaga mahuli iyon, isa pa lang ang nahuli kong kasabwat niya pero hindi rin umamin at nagpakamatay matagal na iyon," paliwanag niya. "Ikaw ba't nasa opisina ka ng principal?" "Nandon ang ebidensya," maikling sagot ko. "Paano?" kunot noong tanong nito. "Alam kong alam mo rin na nadoon kaya huwag mo na akong paikutin sa mga palad mo," wika ko. Natahimik siya sa sinabi ko at hinihintay n ipakita an sinasabi kong ebidensya. Hindi niya alam na alam ko rin at pareho kami ng iniisip. "Ginagawa mo lang ba ito dahil sa hindi ka makatulog o talagang gawain mo ang alamin ang mga nagyayari sa likod ng hindi maipliwanag na krimen?" tanong niya. "Ngayon lang ito, hindi ko alam pero may parang nagsasabi sa akin na alamin ko ang sikreto ng campus na ito," paliwanag ko. "Ikaw ba?" pabalik na tanong ko sa kaniya. "Matagal ko na itong ginagawa." Ipinaliwanag ko s kaniya ang lahat na posibleng may ibang daanan papasok sa basemen ang killer at doon pinatay sa loob ang tatlo. Tumatango-tango lang siya sa sinasabi ko. "Alam mo ba kung sino ang pumatay sa kanila?" medyo nagulohan ako sa tanong niya at napakunot ang noo ko. Hindi nga namin alam kung sino ang killer tapos tatanungin niya ako kung sino ang killer baliw ba 'to? "Ha? Pinagsasabi mo?" "Sila mismong tatlo ang nagpatayan," tumayo ang balahibo ko sa sinabi niya at hind makapaniwala. "Paano? so walang killer?" nagugulohan kong tanong. "Merong tao na nasa likod na'to at hindi naman sila magpapatayan kung walang rason 'di ba?" binigyan ko lang siya ng isang malaking kunot na noo, hanggang ngayon hindi ko siya maintindihan. Mas lalong nahihirapan ako sa pag-resolba ng kasong ito dahil sa mga pinagsasabi niya. O baka sinasadya niya lang para mas lalo akong mahirapan? "Bakit sila magpapatayan? At magkakaibigan sila paano nangyaring," hindi ko na tinapos ang sinasabi ko at napakamot na lang ako. "Alamin mo, pag nalama mo na anlahat ipaliwanag mo sa akin at kapag tama ang iyong paliwanag dalawa tayo ang tatapos sa killer na ito," wika niya. Nang makauwi ako ay agad na dumiretso ako sa kuwarto, pagkatapos kongmaligo ay in-open ko ang cellphone ni Chleo at nanginginig na binuksan ang video. Nakita ko ang video ay mayroon itong halos kalahating oras at agad ko itong pinindot. Habang pinapanood ay napapabuntong hininga ako hanggang sa makapasok na sila sa basement, madilim ito. "Ang sabi ko huwag mong-ilock ang pinto ba't mo ni-lock? ang bobo mo Ralf!" singhal ni Justine. "Hindi ko nga ni-lock nakabukas iyon at bigla nalang itong nagsara," paliwanag ni Ralf. "Labas na tayo," rinig na rinig ko ang boses ni Cleo na halatang natatakot na. Habang pinapanood ko ang sunod na pangyayari ay nagsitayuan na ang balahibo ko, talagang nakakatakot ang lugar at madilim. "Ano iyan?" rinig kong tanong ni Justine, 'Sabihin niyo ang lahatng sikreto niyo sa isa't-isa ang magsisinungaling mamamatay ang sino mang magsabi ng totoo makakalabas ng buhay.' naitakpan ko ang bunganga ko ng makita sa video ang nakasulat sa blackboard gamit ang pulang lipstick. Hanggang sa hindi ko kinaya ang pangyayari, nasuka ako at natakot ng sobra sa mga sumunod na nangyari. Hanggang sa hindi na ako nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD