CHAPTER 5: THE SECRET BEHIND

1016 Words
CHAPTER 5. #TheSecretBehind Para akong zombie na naglalakad papasok sa paaralan, hindi ako nakatulog sa napanood ko kagabi. Kailangan ko ngayon makausap si Lexus. Kailangan niyang malaman kung ano ang totoong nangyari talaga. "Ang aga mo," napatigil ako ng biglang sumulpot si Harvey. "Hindi pa ako nakagawa ng assignment eh kailangan ko pa iyon tapusin," paliwanag ko. "Huwag na, nagawan na kita. Tara kain tayo sa canteen," hinila niya ako at hindi na ako nakapag salita. "Bakit mo ako ginawan," tanong ko habang hinihipan ang mainit na kape. "Wala ka kahapon tdaka hindi mo alam ang dinisscuss ng prof natin," sagot niya. "Salamat," wika ko. Kumain kami ng sabay, may mga estudyante din na kumakain at parami na ng parami ang estudyante sa canteen. Maya-maya magsisimula na ang klase at hindi ko pa rin makita si Lexus. "Hi Miss Irene, pinapabigay nga pala," natigilan ako sa lalakeng nasa harapan ko at may inilagay siyang bulaklak at chocolate sa harap ko. "S-Sino?" tanong ko pa pero agad siyang umalis. Inilibot ko ang paningin ko sa buong canteen at wala akong nakikita na grupo ng kalalakihan maliban sa isang lalaking nakasandal sa pader na nakatingin sa amin. Matangkad siya at may itsura naman, pero hindi ko talaga siya kilala. Hindi naman siguro siya ang nagpapabigay. Tinignan ko si Harvey at wala siyang bakas na emosyon na ipinakita hanggang sa nagulat ako sa sunod na ginawa niya. Kinuha niya ang chocolate at bulaklak at itinapon sa basurahan. Hindi ko alam kung galit ba siya o hindi dahil wala siyang ipinapakitang reaksyon o emosyon. "Bakit mo itinapon?" kunot noong tanong ko. "Bibili tayo ulit 'wag lang iyon," sagot niya. Habang nasa klase ay hindi maalis sa isip ko ang ginawa ni Harvey kanina. Hindi ko alam kung nagseselos ba siya o talagang sinadya niya lang. Ilang oras ang lumipas ay tapos na rin ang klase, nagpaalam si Harvey na bibili lang siya sa labas at ako ay kumain na sa canteen. Binilisan ko lang iyon at agad na hinanap si Lexus. Dito ko siya natagpuan sa library at agad na kinausap. "Ano? Alam mo na ba?" agad niyang tanong. "Oo tama ka, walang ibang killer kung 'di sila rin naman, nilabas nila ang lahat ng sikreto nila sa isa't-isa hanggang sa nagkainitan at sila mismo nagpatayan." I stated. "Pero kilala mo ba o alam mo kung sino ang nasa likod ng blackboard na iyon?" "Hindi," sagot ko naman. "Siya ang nasa likod ng mga p*****n dito," wika niya. "Irene?" Nagulat ako ng tinawag ako ni Harvey mula sa malayo. Nagpaalam ako kay Lexus at agad na lumapit kay Harvey. May dala siyang bulaklak at tsokolate. "Sino 'yon?" bungad niya sa akin. "Ahh si Lexus kaibigan ko," sagot ko naman at tumango labg siya. Binigay niya sa akin ang bulaklak at tsokolate na hawak niya. "Ba't bumili ka pa ng bulaklak? Ilagay mo nalang muna sa kotse mo mamaya ko na kakainin itong tsokolate," utos ko sa kaniya. Naiwan ako ng makita ako ni Maddie at Cherry kaya nag-usap muna kami, si Cherry maganda ang mood ngayon habang si Maddie mukhang hindi maganda ang mood niya ngayon nakasimangot e. "Uy! Ikaw na talaga! Binibigyan ng bulaklak at tsokolate! Kailan pa kaya ako makakatanggap," si Cherry lou habang nakatingin sa mga ulap at nakangiting kinakausap ako. "Di ko din naman inaasahan na bibili si Harvey," sagot ko. "Uy ba't ang tahimik mo kanina kapa nakabusangot diyan," napalingon si Maddie kay Cherry at nginitian ko lang siya. "Masama lang pakiramdam ko," sagot niya. "Si Glenn nakita niyo ba?" tanong ko sa kanila. Hindi ko kasi siya nakikita simula pa kahapon siguro busy sa girlfriend niya. O baka masama din pakiramdam kaya hindi nakapasok. Nagtagal kami sa ilalim ng puno, nagsusulat si Cherry habang si Maddie naman ay nakahiga at ako naman ay tinitignan si Harvey na nag-uusap at si Lexus pa talaga amg kausap niya. Hindi ko alam na magkaibigan pala sila. Matapos ang kanilang pag-uusap ay bumalik na kami sa classroom at galit na naman ang aming Prof. Dahil wala na naman si Glen. Nagtinginan lang kaming apat. Pagkatapos ng klase ay nakatanggap ako ng mensahe mula kay Lexus at agad ko itong tinignan. "Mananahimik muna tayo tsaka huwag na muna nating pakialaman ang nangyayari g kababalaghan sa school," iyon lang ang tinext niya. Napatigil ako, ano ang ibig niyang sabihin? Bakit mananahimik? "Hatid na kita," wika ni Harvey. Habang naglalakad kami palabas ay may biglang humila sa akin. Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. "Irene pwede ba kitang ligawan?" agad ko siyang naitulak dahil natakot ako sa ginawa niya. "Hey!" tinulak siya ni Harvey. "Bastos ka ha." Dagdag pa nito. "Bakit sino ka ba?" Ramdam kong hindi maganda ang patutungohan nito, umiinit ang tensyon at parang magsusuntokan na silang dalawa. "Hindi mo siya pwedeng ligawan," matigas na sambit ni Harvey. "Kaano ano mo ba siya? Hindi naman kayo ha? Bobo ka ba?" Hindi ako makapagsalita sa kanilang dalawa, natatakot ako na baka magpatayan sila. "Tara na," hinila ko si Harvey papalayo. "Irene hindi kita titigilan!" Sigaw niya. Sumakay ako sa kotse ni Harvey at agad kaming umalis, ramdam ko pa rin ang galit ni Harvey. "Sorry," wika ko. "Hindi ka dapat mag-sorry, ako dapat." Alam ko na nahuhulog na siya sa akin, pinapakita at pinaparamdam niya kung gaano ako ka importante sa kaniya. Pero hindi pa ako handa, ayoko pa mag-boyfriend. Magagalit si Daddy. "Salamat," bumaba ako sa kotse niya ng makarating kami sa bahay. "Irene," natigilan ako ng bigla niya akong niyakap. "Akin ka lang ha, mahal na mahal kita. Liligawan kita." Pagsalita niya habang yakap-yakap ako. "Sige na baka makita pa nila tayo," agad akong pumasok sa loob at kumaway sa kaniya. Ito na iyong sinasabi ko na baka manligaw si Harvey, sa halos ilang buwan nang pagsasama namin ngayon ito na ang sinasabi ko. Minsan na rin kaming magsama nila Cherry, Maddie at Glenn si Maddie ay naging cold na rin sa akin at hindi ko alam kung bakit. Ayoko magkagulo kami ni Daddy, ayoko muna mag-boyfriend. Siguro kailangan ko munang dumistansya kay Harvey. Ayokong paasahin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD