JUSTINE POV "Justine, bakit ba ayaw mong makipag usap sa akin ha? Hindi ka nga nagpaalam sa akin nang umalis ka tapos ngayon mababalitaan ko na lang na naging ganito ka! Anong nangyari ha? Dati kikay na kikay ka ha!" Dinuro ni kuya Tristan si Joel, "Gago ka ha! Sinabi ko na sayo kanina na wag na wag mong tatangkain na lapitan ang kapatid ko kasi malilintikan ka sa akin. Umalis ka na rito bago ka pa namin balibaging dalawa." "Justine! Tandaan mo! Hindi ito ang huling beses na magkikita tayong dalawa. Kukulitin kita hanggang sa pumayag kang maging sa akin." "Asa ka pang mangyayari ang iniisip mo eh nasa katinuan pa ang utak nitong kapatid ko kaya kung ako sayo ay bumalik ka na sa probinsya kung saan ka nababagay. Ang kupal nito!" Umalis na si Joel at aaminin kong nakaramdam ako ng kau

