JUSTINE POV "Ano pa nga ba ang choice ko?" "Wait for me sa parking lot, sumakay ka na sa loob ng kotse ko," he said, tapos binigay niya ang susi ng kaniyang kotse. "May inuutos lang sa akin si Dad but babalik rin ako mamaya. So wait for me! Siguro naman ay marunong kang mag bukas ng pintuan hindi ba?" "Saan naka park ang sasakyan mo?" tanong ko. "Sa bungad lang naka park ang kotse ko." Umalis na siya. Tila ay nag mamadali talaga ang kumag na ito na may lakad. Nag lakad na ako papunta sa parking lot at natanaw ko kaagad ang kotse ni Andrew. Gusto ko sana itong sipa sipain sa inis ko sa pag eepal niya ngayon subalit baka mayroong makakita sa akin at suwayin ako. Binuksan ko ang ang pinto gamit yung susi at pumasok ako sa loob. Nakatingin lang ako sa labas ng school kung saan nakikit

