JUSTINE POV 5:50 pm ay nag dismiss na kaagad ang professor namin sa klase kaya kaming dalawa ni James ay dumerecho na sa pag out. Inakbayan pa nga ako ng mokong eh. "Uy pare! Anong nangyari sayo ha? Nakaka gulat na may asawa ka na pala!" saad niya. Tiningnan ko siya ng masama, "Teka lang ha? Nakikinig ka ba sa sinabi ko kanina? Hindi ako nag asawa, nag girlfriend lang ako at buntis ang girlfriend ko. Masyado kang exaggerated jan eh!" "Eh kahit pa! Asawa mo na rin siya kasi magkakaroon na kayong dalawa ng anak. Ang babata niyo pa, mahina ka brad! Dapat hindi mo kaagad pinutok sa loob ng gf mo. Ngayon naging batang ama ka na tuloy." "Hayaan mo na ako no! Buhay ko ito at masasabi kong isang malaking blessing ang pagkakaroon ng anak para sa akin. Kahit na mahirap lang ay makakaraos din

