Chapter 75 Hunter's POV Kahit pa nasa bahay na kami ni mama ay hindi pa rin nababawasan ang pag-aalala namin sa mga maaaring mangyari ngayong gabi. Hindi man namin maramdaman ang mga naramdaman namin kanina ay parehas kaming hindi mapakali. Dahil nakuntento naman na ako sa naging paliwanag ni mama ay napagdesisyon namin na umakyat na muna sa kanya-kanya naming kwarto. Ayoko sana na mapahiwalay sa akin si mama dahil nga sa mga hindi magagandang kutob na nararamdaman ko ngunit ayoko naman siyang mag-panic dahil sa pagpapakita ko na kinakabahan na rin ako. Hangga't maaari ay ayokong sabihin sa kanya na kinakabahan na ako kahit pa alam ko naman na nahalata na ito sa akin. Tatalasan ko na lamang ang aking pandinig at pakiramdam para mabilis kong malalaman kung may nangyayari na ba sa aming

