Chapter 76 Hunter's POV Dahil sa mga sinabi ni Vlad na nagpakilalang kapatid ng mama ko ay naisip ko na mas mabuti pa siguro na hindi na lamang siya muna nagpakita sobrang gulo pa ng isip ko. Tuliro pa ako sa mga nangyari lalo na sa biglaan na pagkamatay ng aking ina. Ayoko na sana ng iba pang iisipin ngunit heto siya at dumagdag pa sa problema ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko daramdamin ang pagkawala ni mama lalo pa at buong buhay ko ay siya lang ang nakasama ko. Lahat ng paghahanda na ginawa ko para sa pagdating ng araw na may magtangkang muli kay mama ay nasayang lang dahil napaslang siya nang wala man lang akong nagawa. Para sa akin ay napaka-imposible ng sinasabi niya na pagtatraydor ng mga Alegre kay mama dahil naramdaman ko sa mga kwento niya kanina ang lalim ng pinagsa

