Chapter 11 Heaven's POV Hindi ko alam kung ilang sandali na ang lumipas ngunit nang magising ako ay wala si Hell sa tabi ko o kahit saan pang sulok ng guest room. Naalala kong nasa bahay nga pala kami nina Fire at nandito ako sa kwartong ito upang magpahinga. Napasulyap ako sa bintana at nakita ko na may liwanag pa. Bumangon ako at pagsilip ko sa bintana ay nakita ko na papalubog na rin pala ang araw. Napababa ang tingin ko nang mapansin na may mga tao roon. At namataan ko nga roon sina Tyco at Hell na nag-aayos ng lamesa na siguro ay gagamitin namin mamaya. Malawak ang napili nilang pwesto. May swimming pool at garden. Mukhang masarap nga na pwestuhan iyon kung gusto mo na mag-chill lamang. Nag-angat ng tingin si Hell nang mapansin niya na may nakamasid sa kanila. At agad niya akong n

