Chapter 10 Heaven's POV Wala na akong iba pang naramdaman kundi galit. Hell looks at me when he hears me grunt. Hindi ko na napigilan. Kahit anong pagpipigil ang gawin ko ay hindi ko na kontrolado ang sarili ko. In-expect ko kay Hell na pakakalmahin niya ako ngunit hindi niya ginawa. Binalik niya lang ng kanyang tingin sa mga sirang puntod sa aming harapan. At alam ko nang wala talaga siyang balak na pakalmahin ako. He expected me to react this way. At siguro ay mas gusto niya na mailabas ko ang galit na pinipigilan ko mula nang malaman ko nangyaring ito. At nagpapasalamat ako na hindi ako pinipigilan ni Hell dahil talagang kailangan kong mailabas ang galit ko ngayon. Natatakot ako na kung maiipon ko ito ay mas lalo nang mahirap na makontrol ang sarili ko. Dahil na rin sa labis na gal

