Chapter 15 Heaven's POV Dahil hawak-hawak ni Hell ang kamay ko ay nabawasan kahit papaano ang kaba na nararamdaman ko. Hindi umalis ang babaylan sa kinanatayuan niya at talagang hinintay niya lang ang paglapit namin sa kanya. Yumuko ang babaylan nang magkaharap kami bilang paggalang sa akin. Yumuko rin naman ako sa kanya bilang paggalang sa pinuno ng mga babaylan. Isa ang babaylan sa mga pinakamataas na posisyon sa Alucard. "Isang pagbati, mahal na prinsesa," sabi pa nito pero tango lamang ang nagawa kong sagot sa ginawa niyang pagbati. "Sa wakas ay muli tayong nagkita," sabi pa nito. Sa tono ng pananalita niya ay totoo nga ang sinasabi ng tagasilbi na talagang lagi akong hinahanap ng babaylan. "Totoo po ba na araw-araw ninyo akong hinahanap?" tanong ko agad dahil ayoko nang magpaliguy

