Chapter 16 Heaven's POV Alam namin ni Hell na buhay ng anak namin ang nakataya sa sugal na ito kaya hindi kami pwedeng magkamali sa mga gagawin namin. Hindi namin pwedeng ipagkatiwala sa iba ang impormasyon na ito kahit pa sa mga pinagkakatiwalaan namin ng sobra. Siguro ay may ilan na makakaintindi tulad nina Fire at Tyco pero siguro ay maiintindihan naman nila kung hindi man namin ipagtapat sa kanila. Ayaw na rin namin sila na abalahin pa at idamay sa problemang ito dahil baka maging sila ay malagay sa tiyak na kapahamakan oras na mapag-alaman ng aming lahi na sila ay nakialam sa aming pagtakas at pinagtakpan kami. Kaya mas mabuti nang wala silang nalalaman. Panatag kaming parehas ni Hell na walang ibang madadamay sa paglayo na gagawin namin. Tinitigan kong mabuti si Hell habang nagh

