Chapter 25
Heaven's POV
Nang marating namin ang kusina ay nagtatakha pa si Hell kung bakit tila ay wala man lang familiar ang nakahanda na magsilbi sa amin. Nasanay na yata siya na laging may nakabuntot sa amin na mga familiar kahit pa kakain lang kami. Tiningnan ako ni Hell at hindi na niya kailangan pang magsalita para malaman ko kung ano ang katanungan sa kanyang mata. Nginitian ko siya.
"Walang papasok kahit pa isang familiar. I tild them na sa atin ang kusina at dining area ngayong gabi," sabi ko at halata naman na natuwa siya sa sinabi ko. Alam ko na naiilang na rin siya minsan sa mga pagsunod-sunod nila sa amin.
Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Hell hanggang sa makarating kami sa dining area. Tiningnan ko si Hell at nakita ko agad ang pagkabigla sa mga mata niya dahil sa mga nakahain sa ibabaw ng table. He s both impressed and grateful. Nakakapagod ang ginawa kong iyan pero nawala naman lahat ng pagod ko nang makita ako ang naging reaction ni Hell.
Nang makita niya nang mas malapit ang mga pagkain ay mas lalo siyang natakam. Hinarap niya ako at mabilis na hinalikan sa labi.
"Thank you for this, Heaven. I really appreaciate everything," sabi niya na mas lalong nakapagpalapad ng mga ngiti ko. Pinaghila niya ako ng upuan kaya naupo na ako at naupo naman na siya sa tapat ko. "Let's eat?" sabi niya. Ngunit bago pa man niya makuha ang serving spoon ay nadampot ko na iyon. Sinamaan niya ako ng tingin pero wala na rin siyang nagawa pa nang sinimulan ko nang sandukan ng kanin ang plato niya. Napapailing na lang siya habang napapangiti.
Dinamihan ko ang nilagay kong kanin sa kanya para naman makaganti man lang sana ako sa pagpapakain niya sa akin nang marami pero hindi naman siya nagreklamo sa dami ng mga nilagay ko. Kung hindi pa nga ako kusang titigil sa pagsasandok ay hindi pa matatapos ang pagdadag ko.
Kinakabahan pa ako nang makita ko na titikman na ni Hell ang mga niluto ko. Baka kasi mamaya ay hindi pala masarap at ma-disappoint lang siya. Ang dami ko pa namang nilagay na kanin tapos ay hindi naman pala niya magugustuhan ang ulam. Sumubo si Hell at pinanood ko ang pagnguya niya. Marahan siyang tumango-tango at tiningnan ako.
"Masarap..." tipid niyang komento kaya napanguso ako. Sa sobrang kaba ko sa magiging komento niya ay pakiramdam ko na napipilitan lang siya sa pagsasabi ng masarap. Pero kahit papaano ay naniwala ako at gumaan ang pakiramdam ko nang muli siyang sumubo. Hanggang sa hindi ko na mabilang ang bawat niyang pagsubo. Magana kung kumain si Hell kaya alam ko na talagang nagustuhan niya ang mga hinanda ko. At sa part pa lang na 'yun ay talagang busog na ako. Kahit nga yata hindi na ako kumain ay ayos lang sa akin.
"Hindi ka kakain?" tanong ni Hell nang halos paubos na ang hinain ko sa kanya ay hindi ko pa rin nababawasan ang mga sinandok niya sa akin. Napangiti ako pero hindi ko na siya sinagot at nagsimula na lang din ako sa pagkain.
Tahimik ang naging hapunan namin ni Hell kahit pa alam namin na may mga bagay pa kami na kailangan pag-usapan tungkol sa nilakad niya ngayon. Kaya nang matapos siyang kumain ay agad niya akong hinarap dahil napansin na rin naman niya na tapos na ako.
"I have talked to Jom," sabi niya na kinabigla ko. Aaminin ko na hindi ganito ang inaasahan kong balita. This is our first try na sundan si Billie kaya hindi agad ako umasa sa isang positive result. Hindi ko inasahan na magiging ganito kabilis ang paghahanap namin sa kanya. Tama lang talaga ang idea namin na si Billie na lang ang sundan namin dahil siya ang makakapagdala sa amin kay Jom nang mas mabilis.
"Totoo ba iyan?" tanong ko dahil baka nagkamali lang ako ng dinig o hindi naman kaya ay nagbibiro lang siya. Pero seryoso at marahan na tumango si Hell. At ngayon ay alam ko nang nagsasabi nga siya ng totoo. "How? I mean...agad-agad?" Muli ay tumango si Hell.
"I was shocked, too. Pero pinagbigyan talaga tayo ngayon na makausap siya," sabi pa ni Hell. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bukod kasi sa tuwa ay kinakabahan din ako sa mga maaaring naging takbo ng pagkikita nila. Hindi dahil sa alam ko na nagkaroon ng alitan ang grupo nila noong kabataan namin. Kinakabahan ako dahil baka hindi niya nakumbinsi si Jom at natatakot ako sa naging reaction niya tungkol sa pagbubuntis ko.
Pero sana ay nasabi na ni Hell ang lahat sa kanya. At higit sa lahat, sana ay napapayag niya si Jom na tulungan kami at bigyan kami ng matutuluyan oras na isagawa na namin ang aming pagtakas.
"How was everything? Nasabi mo ba sa kanya ang lahat?" tanong ko at napabuntong hininga si Hell.
"I told him you are pregnant," sabi niya pero may kung ano sa mga mata ni Hell. Halatang hindi siya nakuntento sa naging pagkikita nila ni Jom. At alam ko na may mga bagay siyang hindi nasabi at nagawa na dapat ay nalaman ni Jom.
"And?" tanong ko pa dahil hindi na ulit pa nagsalita si Hell. "What did he say?" Hindi ko na naitago pa ang pagkainip sa tono ko dahil binibitin ako ni Hell sa ginagawa niyang pagkukwento.
"He just...he just congratulated us," sabi niya. And as if on cue, isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kabuuan ng dining area. Hindi ko inaasahan na ganoon lang magiging kasimple ang pagkukwento ni Hell. Isa sa mga inaasahan ko ay ang hirap niya sa pagkumbinsi kay Jom na itago ang sikreto namin. Tapos sasabihin lang ni Hell that Jom just congratulated us?
"Is that all?" tanong ko at tumango si Hell. Maging si Hell ay halata na hindi makapaniwala dahil naging ganoon lang ka-casual sa prinisipe ng mga lobo ang pag-react sa balita buntis ako. Mas katanggap-tanggap pa yata kung tututol man siya dahil alam niya na labag iyon sa batas.
"He didn't ask anything?" tanong ko pa dahil baka hindi lang kumpleto ang mga kwento ni Hell. Pero sa tingin ko ay nagtanong naman si Jom kahit papaano kaiht na isang simpleng how or why? Pero muli ay umiling si Hell.
"Wala siyang ibang sinabi kundi congratulations. After that, he left." Bakas din kay Hell ang naging frustration niya nang mangyari iyon. At hindi ko ma-imagine ang naging reaction ni Hell nang bigla na lang umalis si Jom. "That asshole," he murmurs.
"Hayaan mo na, Hell. May ibang pagkakataon pa naman siguro. Sana lang ay hindi siya nakahalata na sinundan mo si Billie para lang makausap siya. Dahil kung magkataon man na nalaman niya ay baka mag-ingat na siya sa tuwing makikipagkita siya kay Billie. Or worst ay baka hindi na muna siya magpakita sa kanya." Alam ko naman na hindi rin matitiis ni Jom ang hindi makipagkita kay Billie nang matagal kaya gagawa at gagawa siya ng paraan para makipagkita. Magiging pahirapan na nga lang na matiyempuhan siya.
"He actually found out," sabi ni Hell na mas lalong kinabahala ko. At kaya siguro agad na umalis si Jom ay dahil hindi niya talaga gusto na makipag-usap man lang sa amin. Obviously ay iniwasan niya si Hell kaya naging ganoon lang ang naging reaction niya. Mas pinili niya na umalis na lamang.
Hindi ko alam kung iniiwasan niya lang ba ang lahat ng bampira at lobo, o talagang ayaw niya lang na masangkot sa gulo dahil alam niya ang magiging dulot kapag natuklasan na ng lahat ang tungkol sa pagbubuntis ko.
Ngayon na hindi na ako sigurado kung magtataumpay pa kami sa pagsunod muli kay Billie ay hindi ko na alam kung paano pa muling makakausa si Jom. Kung si Dr. Carreon naman ang aming susundan ay baka maging mas matagal ang lahat.
"What should we do now then?" tanong ko at nagkbit balikat lang si Hell dahil wala rin siyang naiisip na plano sa ngayon. Pero hindi kami pwedeng magtanggal ng ganito na walang gagawin. Kinakailangan namin na makaisip agad ng susunod na hakbang dahil kung tutunganga kang kami ay para na rin kaming nagsayang ng oras.
Ngunit sa ngayon ay hindi ko na muna siya pinilit pa na magbigay ng idea or suggestion dahil alam ko rin naman na pagod siya. Kaya niyaya ko na siyan tumayo at niligpit ko na nag pinagkainan namin at diniretso na sa lababo. May isang machine doon na siya nang naghugas ng plato.
Niyaya ko na rin siya na umakyat ng kwarto. Nagpaalam siya na magsa-shower na muna kaya pinaghanda ko na lang siya ng pwede niyang isuot. Mabilis naman siyang natapos dahil half bath lang naman ang ginawa niya. Nang makapagbihis na siya at makapatuyo ng buhok ay nahiga na kami sa kama. Hindi naman na ako nag-half bath dahil halos kaliligo ko lang din nang lumabas ako ng kwarto kanina. Sana nga lang ay hindi kumapit sa akin ang mga niluto ko kanina dahil nakakahiya naman kay Hell kung siya ay fresh na fresh samantalang ako ay amoy ulam.
Tulad ng nakasanayan namin ay yumakap ako kay Hell para yakap ko siya kung makatulog man ako agad. Pero dahil nakasandal pa si Hell sa headboard ng kama namin ay alam ko na hindi pa niya plano ang matulog. Kaya inunan ko na lang ang dibdib niya dahil masyadong mataas ang balikat niya.
"Matulog ka na, Heaven. Magpapaantok lang ako," sabi ni Hell at tumango naman ako. Plano ko na rin talaga ang matulog na dahil nasa isang komportableng pwesto na ako. Pero may bigla akong naalala na nangyari kanina.
"Nagkita kami ni Guia," sabi ko.
"Umalis ka?" May pagdududa sa tono ni Hell kaya umiling ako sa ibabaw ng kanyang dibdib. Marahan naman niyang hinaplos-haplos ang buhok ko na siyang nakaharap sa kanya. "Did she come here?" tanong niyang muli at tumango ako.
"It surprised me a little," sabi ko na agad dahil alam ko na iniisip na niya kung ano ang nararamdaman ko. At nais kong malaman niya na hindi ako apektado sa naging pagkikita namin ni Guia. Nais kong malaman niya na nakayang kontrolin ang sitwasyon.
"What happened?" tanong ni Hell pero hindi ko pa rin siya hinaharap. Sobrang komportable ako sa paghiga sa dibdib niya na kahit ang pakikipag-usap ko sa kanya ay hindi ako mapapaalis dito.
"Just the usual talk we always have," bored kong sagot dahil iyon naman talaga ang nangyari. Isang pag-uusap na puro iringan. "Well, she just came to show me the gowns that I would wear in the upcoming event of the Alpha's company," sabi ko at napakilos si Hell kaya napilitan ako na lingunin siya.
"Upcoming event?" tanong niya at nawala sa loob ko na hindi ko pa nga pala nakukwento sa kanya ang tungkol sa sinabi kanina ni Guia na pag-introduce sa akin ng Alpha sa lahat ng tao bilang tagapagmana ng kanyang kompanya. Kaya kinwento ko ang lahat ng mga pinag-usapan namin ni Guia at nakinig naman si Hell sa buong kwento ko.
Maging ang naging pagtatalo namin ni Guia ay kinwento ko rin sa kanya. Pinagalitan pa nga niya ako dahil napapadalas na raw ang pakikipagsagutan ko kay Guia. I just told him na iba lang talaga ang inis na nararamdaman ko sa kanya at ang tangi niya lang komento ay dahil iyon sa pagbubuntis ko. Pero hindi niya rin naman ako mapagalitan nang sobra dahil alam niya na hindi naman ako nangunguna sa isang pagtatalo.
Hindi ko pa nahihingi ang opinion ni Hell tungkol sa party pero kung ang Alpha naman na ang nagdesisyon ay wala na kaming magagawa pa kahit ayaw namin na pumunta. Ang tanging sabi niya lang ay ang paghahanap niya ng maisusuot. But I will just tell Guia na gawan din ng isusuot si Hell.
"Ano sa tingin mo ang mangyayari sa mismong event?" tanong ko at naramdaman ko ang pagkikibit balikat ni Hell sa tanong ko dahil mukhang wala rin siyang idea sa mga pwedeng mangyari. Well, bakit ko nga ba inisip na pwedeng may alam siya e hindi naman siya isang manghuhula.
"Isa lang naman ang hula ko sa mga pwedeng mangyari," mayamaya ay sabi niya kaya muli ko siyang nilingon at halos mabali na ang leeg ko para lang makita ang mukha niya na seryosong-seryoso sa pag-iisip. "They mightm invite Jom." Bigla ring pumasok sa isip ko na hindi nga imposible ang sinasabi ni Hell na maaari nilang imbitahan ang prinsipe ng mga lobo lalo pa at alam ng Alpha na dito na siya nakatira for good.
Halos lahat ng familiar ay dadalo sa sinasabing pagtitipon na iyon kaya sigurado ako na maging si Billie ay pupunta rin. Kaya kung hindi man magawang iparating ng mga bampira o lobo ang imbitasyon ay sigurado ako na malalaman pa rin ni Jom ang tungkol sa party sa pamamagitan ni Billie. I am pretty sure Billie will tell him. Sana lang ay maisipan ni Jom ang pumunta. Pero sana lang din na hindi niya sabihin sa mismong party ang tungkol sa nalaman niya na pagbubuntis ko.
Hell and I fell asleep just like that. Umaga na rin nang magising kami pero wala na si Hell sa tabi ko kundi nakaupo na sa couch. Nakatulala siya sa tasa ng kape na kanyang hawak. Alam ko na karamihan sa bagong gising ay talagang natutulala. Ngunit halata mo sa pagkakatulala ni Hell na malalim at marami siyang iniisip.
"Good morning," bati ko kay Hell dahil kahit umupo na ako sa kama ay hindi ko pa rin nakukuha ang atensyon niya. Kung hindi pa ako nagsalita para batiin siya ay hindi niya ako lilingunin. Tumayo naman na si Hell nang ma-realize na kani-kanina ko pa siya tinitingnan. Naglakad siya pabalik ng kama at naupo sa tapat ko.
"How was your sleep?" tanong ni Hell at nginitian ko siya.
"Mabuti naman, Hell. Maayos naman ang naging tulog ko," sagot ko dahil totoo naman na maayos ang tulog ko. Kahit gaano kagulo ang isip ko ay nagiging maayos naman ang tulog ko basta si Hell ang katabi ko.
"Mabuti naman kung ganoon." Ngumiti si Hell na tila ba hindi ko siya naabutan na tulala kanina. Kaya hinaplos ko siya sa braso para sana sa pagsisimula ng pagtatanong ko. Sana nga lang ay magsabi siya sa akin ng totoo tungkol sa mga maaaring iniisip niya.
"Malalim yata ang iniisip mo, Hell? What's bothering you?" tanong ko at nawala ang mga ngiti niya. Napabuntong hininga na lang siya nang ma-realize na hindi nakaligtas sa akin ang pagkakatulala niya kanina.
"Iniisip ko lang, Heaven na paano kung bigla na lang tayong mabuko? Saan ko kayo itatago ng magiging anak natin? Paano ko kayo maipagtatanggol kung konektado ang mga buhay natin?" Hindi ko iniisip ang mga bagay na ito. Umaasa kasi ako at naniniwala na makakaisip kami ng paraan ni Hell. Pero ngayon na maging si Hell ay napapaisip na kung paano kami sa mga susunod na araw nang wala pa rin na naiisip na paraan ay parang naglaho na rin ang pag-asa ko.
Hindi ko alam kung ano nga ba ang mga susunod namin na hakbang. Kailangan na namin makaisip sa lalong madaling panahon.