Chapter 24 Heaven's POV Our room feels empty without Hell. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas mula nang umalis siya ay pakiramdam ko agad na miss na miss ko na siya. Hindi ko alam kung part pa ba ito ng pagbubuntis ko pero iba talaga ang lungkot ko ngayon. At alam ko na nagiging emotional talaga ang mga babaeng nagbubuntis. Kung pwede nga lang na hindi ko na lang paalisin si Hell ngayon ay ginawa ko na. Pero alam ko naman na hindi pwedeng wala kaming magagawa nang dahil lang sa kaartehan ko. Kaya para sa mga plano namin ni Hell at sa mga kailangan naming malaman ay wala akong ibang magagawa sa ngayon kundi ang tiisin ang lungkot ng ilang oras na hindi namin pagkikita. Lumipas ang tanghalian nang hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto. Hindi na yata ako sanay na umalis nang wala si Hell

