Chapter 23 Heaven's POV Parehas kaming hindi nagsalita ni Hell at pinanood lang namin ang pag-iyak ni Billie. Alam ko na naaalala rin ni Hell kay Billie ang kabataan namin dahil ang buong akala ni Hell ay nahulog siya sa isang mortal na tulad ko. Plus the fact na may mate siya. Nasabi pa nga noon ni Hell na handa niyang labagin ang mating rituals para lang makasama ako nang pansamantala. Hanggang sa mayamaya lang ay nag-angat na siya ng tingin at nagpunas ng luha. Buong pagtatakha niya kaming tiningnan nang wala siyang narinig na ano mang salita mula sa amin ni Hell. "Mahal na prinsesa?" tawag niya sa akin nang hindi na siya nakatiis pa sa pananahimik namin Hell. Ngunit imbis na magsalita ako ay ngumiti lamang ako sa kanya na mas lalo pa niyang kinalito. "Wala man lang po ba kayong sas

