Chapter 83 Hunter's POV Ilang minuto na rin mula nang magtanong si Pinunong Levine na mabilis ko rin namang sinagot. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakakuha ng ano mang salita mula sa kanya. Hindi ko na nga rin alam kung may plano pa ba siya na magpatuloy sa pakikipag-usap sa akin o naghihintay na lang ako sa wala. Hindi ko naman magawa na magtanong kung bakit dahil ayokong magmukhang interesado. Kung may importante siyang sasabihin ay sasabihin naman niya iyon kahit na hindi ako magtanong. Kaya matiyaga ko na lang na hinintay ay muling pagbuka ng kanyang bibig. Nakita ko ang pagsulyap niya sa Alpha na tila ba may nais siyang sabihin doon. Hindi ko tuloy naiwasan na mapakunot ang aking noo dahil pakiramdam ko ay sa Alpha niya sasabihin ang nalalaman niya gayong sa akin niy

