Chapter 18 Heaven's POV Hindi ko agad sinundan si Hell at hahayaan ko na sana muna na siya na mapag-isa at makapag-isip. Pero naisip ko rin na hindi matatapos ang pangungumbinsi ko sa kanya kung patatagalin ko pa ito. Kaya sinundan ko na siya at naabutan ko siyang nasa kwarto na. Sa tingin ko rin kasi ay mali ako ng approach. Kaya hindi ko rin siya masisisi kung mag-react man siya nang ganito. Nakatayo si Hell sa balcony ng kwarto ko. His hands are tightly gripping on the railings at kitang-kita ko sa mga ugat sa kanyang braso ang pagpipigil ng inis. Kaya alam ko na mas mahihirapan pa ako na kumbinsihin siya. kahit pa alam ko na ako ang dahilan ng mga inis niya ngayon ay hindi na ako nagdalawang isip pa na lapitan siya. Wala naman akong ginawa sa kanya at hinawakan ko lang siya sa kan

