Chapter 19 Heaven's POV Naglakad na kami ni Hell papasok sa loob ng bahay hanggang sa makaharap namin si Guia at Tandang Kresya. Wala namang kakaibang tingin sa akin si Guia na tila ba ay may nalaman siya sa akin. Isang normal na tingin na tila ba nakatingi siya sa isang bagay na pinaka-ayaw niyang makita. And no, it did not offend me at all. Not even once. Tulad ng sinabi ko kanina ay mas gusto ko pa ang ganitong tingin at trato sa akin ni Guia kaysa ang makipag-plastikan siya sa akin sa harap ng mga mortal na hindi ko naman alam kung para saan. Sa harap ng mga bampira ay nagpapakatotoo siya. Pero kapag mortal na mga familiar na ang mga kaharap namin ay napakaamo niya. Siguro ay dahil kilala na ng buong lahi ng bampira ang ugali niya kaya wala na siyang maloloko pa na iba rito. Pero w

