Chapter 20 Heaven's POV My eyelid feels heavy when I tried to open my eyes. Alam ko at ramdam ko na mahaba na ang naitulog. Pakiramdam ko na sobrang haba na ng naging pahinga ko. Dahil sa pakiramdam ko na iyon ay bigla akong hindi napakali. Pakiramdam ko ay ang dami ko nang hindi nagawa. Kaya dali-dali akong bumangon kahit pa pikit pa ang isang mata ko. Ngunit pagbangon ko ay naabutan ko na nasa couch si Hell at kumakain ng prutas. Nagulat pa siya nang makita gising na ako. Kaya agad niyang binitiwan ang hawak na bowl at pinatong sa mesa. At saka siya tumayo para maglakad palapit sa akin. Naupo siya sa gilid ng kama at hinarap ako. "Gising ka na pala. Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Hell at pinakiramdaman ko naman ang sarili ko. Kung ikukumpara noong bago ako makatulog ay sobrang

