Chapter 78 Hunter's POV Pakiramdam ko ay nagmamadali si Uncle Vlad na makuha ang tiwala ko na maging ang paggabay sa akin ay nais na niyang gawin. Hindi ko pa naman siya kakilala kaya hindi ko makikita sa kanyang mga mata at gawa ang totoong pakay niya sa akin. Hindi naman na niya ako kailangan pa na gabayan dahil malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko. Hindi rin naman kasi ako pinalaki ng mama ko na umasa sa ibang tao kaya sa tingin ko ay hindi ko kailangan ang sino man upang magpatuloy sa buhay. Mas lalong hindi ko kailangan ng gabay ng sino man na kahit minsan ay hindi nagawang ikwento sa akin ng aking ina. Oo nga at maaari na naubusan kami ng oras para pagkwentuhan ang lahat at sinwerte lang sina Tito Jom at Tita Billie na naihabol pa sila ni mama na maikwento sa akin bago man la

