Chapter 79 Hunter's POV Tiningnan ko nang mabuti ang naging reaksyon nila sa sinabing iyon ni Uncle Vlad ngunit wala kahit na isa man lang sa kanila ang nagsalita. Hindi ko alam kung hanggang ngayon ay pinoproseso pa rin ng utak nila ang sinabi ni Uncle Vlad o talagang hindi lang nila alam kung ano dapat nilang maging reaksyon. Tulad ng sinabi ng Alpha kanina ay labing walong taon nila akong hinintay na makita. At sigurado naman ako na hindi lang ako ang kinapanabikan nila. Siguradong maging ang pagbabalik ni mama ay hinintay nila. At ngayon nga na umaasa sila na makikita na nilang muli si mama ay bigla na lamang sasabihin ni Uncle Vlad na patay na ito. Bakit ba naman kasi kailangan pa na paabutin ni Uncle Vlad sa ganito? Dapat ay hindi na niya hinintay pa na maaabutan pa nila si mama

