"Anong balak mo pagkatapos nito? May kailangan ka pa ba na gawin?" bulong ni Prinsipe Kairo sa babaeng nasa tabi niya habang kasama ang mga bantay nila at mga kaibigan. Napapalibutan pa rin sila ng mga taong walang tigil sa pagkuha ng mga larawan nila kaya medyo naiilang pa rin ang prinsipe.
"Wala na akong ibang alam na gagawi kasi ito lang naman talaga ang ipinunta namon dito," she whispered. "Alam mo ba na lumabas na ang music video? Mukhang kailangan natin na pag isipan muna ang kailangan nating gawin tungkol doon. Puwede ba tayong mag usap mamaya?" she asked. "I think by now, I need to tell my manager too. Mukhang hindi na talaga natin makakaya na itago lahat ng ito kay Emily. Sa totoo lang, matutulungan niya tayo kung alam niya ang buong sitwasyon."
Kairo's eyes were filled with warmth as he turned to get a hold of her gaze, "Yeah?" he asked. "And by that, what exactly do you mean? Kasi sa totoo lang, hindi ko alam kung anong sitwasyon na ba talaga ang mayroon. I am too confused at this point to be honest."
Aliyah fakes a smile to confuse the bystanders that might assume things, "We will talk later, okay?" she said.
"Tara na, uwi na tayo?" napalingon silang dalawa sa malakas na sabi ni Dawn. Siya talaga ang pinaka magaling sa pag singit sa mga ganitong sitwasyon eh. Kapag masyado na silang nagiging kapansin- pansin, sinisigurado niya na mawawala ang atensyon sa kanila at maiintindihan na rin ng dalawa na kailangan nilang mag layo.
The chemistry is there. Kahit pa sino ang makakita sa kanilang dalawa, hindi na nila kailangan na magtanong. Talagang ang unang- una na maiisip ay mayroon silang itinatagong relasyon. Hindi pa nila alam ngunit pinagpipyestahan na ang mga larawan nila online. Sa sobrang successful nitong event, hindi lang mga papuri dahil dito sa ospital ang nakukuha ni Prinsipe Kairo, pati na rin papuri dahil sa kung papaano niya titigan si Aliyah.
Aliyah Grace is the goddess of the people. At ngayon na nakikita nila ang malinaw na epekto ng kan'yang kagandahan sa mismong prinsipe, hindi nila maiiwasan na matuwa at kiligin. The people love shipping, they are eating up all the stolen photos of Aliyah and the Prince's interactions.
Mayroong pagkakataon na habang nakaupo lang ang prinsipe sa may harapan, tinitignan niya si Aliyah na masayang nakangiti pabalik sa kan'ya. On the next shot, you can tell that the cold prince's walls were burnt down because he failed to stop himself from giving the same smile she did. Ito ang isa sa pinaka nag trending na shot niya. His genuine smile made everyone go crazy. He became the talk of the whole country just because of that single photo.
The other photos that caught the public's attention are the stolen shots from inside the hospital. They were clear shots of the two, bonding with the children and entertaining them. Nandoon pa nga ang ilang mga kuha noong panahon na hinahatak ni Aliyah si Kairo mula sa braso, at siyempre, tinilian na naman 'yon online. Mayroon ding mga hindi makapaniwala sa isang maikling video ni Prince Kairo na tinuturuan ni Aliyah kung papaano tatalian ng buhok ang isang batang babae. It was Miya. She requested the prince to tie up her hair. She said, she wanted her hair tied up just like how royals do.
Sa totoo naman talagang walang kaalam- alam si Prinsipe Kairo roon. Kaya lang hindi niya gustong ayawan ang munting hiling ng bata. Kaya naman habang nakatalikod siya, tahimik na tinuturuan ni Aliyah ang lalaki.
It turned out quite well, hindi masyadong pulido pero sobrang laki naman ng naibigay nitong ngiti sa mga labi ng bata. It's the best feeling for Kairo, never did he expect this much sense of accomplishment just from tying up the hair of a little baby girl.
"Babalik na rin ba kayo ngayong gabi o mayrooon ka pang iba na kailangan gawin dito?" tanong ni Aliyah nang nasa may labas na sila ng ospital. They were about to go in their separate cars and head out after a very long day. Masyado silang nag enjoy sa pakikipag laro sa mga bata at ngayong paalis na sila ay malapit na mag gabi.
"Liyah, can we go together?" tanong ni Prinsipe Kairo. "I really want to talk to you," he said.
Kaya lang, bago pa makasagot ang dalaga, they saw a few people with cameras still waiting from the outside. They were awkwardly standing there right as they realized that even though they really want to talk right now, they have no other choice but to really split up.
"Tara na teh!" Dan made sure to yell that out and tell the reporters too. "Baka kung anong oras na tayo makauwi," sabi pa nito.
"I don't think you'll be able to go back in there huh?" bulong ni Kairo. "They might follow you," he said.
Nang maintindihan ni Aliyah ang sinabi nito, malungkot na napatango nalang siya. "They might follow me, yeah. Maybe we can talk tomorrow then?" she stated.
That night as the Prince traveled back together with his knights, he has nothing in his mind but Aliyah.Ano ba talaga ang mangyayari pagkatapos nito? Wala siyang kaalam- alam.
Ang inakala ng palasyo na katahimikan at pagbabago ay inatake na naman pagsikat ng araw. Hindi pa rin pala napanghihinaan ng loob ang mga naninira sa Prinsipe. Ngayon nga ay nagising na naman sila sa isang balita na sa pagkakataong ito ay tila ba pang limang beses na rin na ibinato sa kanila.
“What the hell? Ngayon naman bigla akong naging martyr na nobya?” Aliyah read the headlines with a sour face. Every single sentence of the whole article makes her eyes roll. They wrote too many nonsense that it’s making her head explode. Kanino nga naman ba nanggaling ang kuwento na ito? Bigla nalang na may relasyon daw itong si Aliyah at si Prinsipe Kairo kaya lang ay kinakawawa raw niya ang artista.
“Guys, kailan kami pumunta sa park?” tanong ni Aliyah sa dalawang babae na nasa tabi niya at nakikibasa ng mga tinitignan niya. She saw Dan and Ira cluelessly shake their heads. “Uh, this is making my neurons die quicker. Kailan pa kami nag punta sa park at kailan pa niya ako tinapunan ng ice cream doon? Hindi ko naiintindihan kung anong iniisip ng mga magagaling mag imbento kung minsan. Biglaan nalang bang may bumubulong sa kanila na demonyo tapos basta nalang nilang sinusulat lahat? Kasi wow, hindi man lang tumutugma- tugma ang mga sinasabi nila. Nakakaloka na rin kung minsan.”
“Sinabi mo pa,” Ira said. “Talagang hindi sila titigil hanggat nakakabuo sila ng mga kuwento na papatok. Tignan mo nga at nag punta pa raw kayo sa amusement park at kahit na sobrang takot na takot ka ay iniwanan ka niya para lang makapag papansin sa mga babae na magaganda sa may likuran ng pila? The hell? Anong gusto nilang ipamukha sa mga tao? Na sobrang luwag ng schedule nin’yong dalawa para gumala nang gano’n? Tapos para namang kaya niyong mag date sa harapan ng publiko? Edi sana sobrang dami na rin ng mga nakakita sa in’yo.”
“True ka d’yan girl!” Dan laughed. “Alam mo naman na madaling lokohin ang mga tao lalo na kapag gusto lang nila na may mapag u-usapan. Hindi pa nga nila nasusubukan na I-check ang mga information, pero handa na silang manira. Masyado siguro silang busy sa buhay, ‘no?”
“Hindi lang ‘yan,” wika ni Aliyah. “Kung talagang ang goal nila ay sirain si Prnce Kairo, sa mga mata ng publiko, hindi talaga sila hihinto kahit na mag mukha pa silang walang kokote. Hindi talaga sila hihinto, pero ang pinaka kailangan natin na gawan ng paraan ay ang mga tao. Kailangan ay bago pa man nila makita ang mga nakasulat dito, simulan na natin na sirain.”
Aliyah bit the inside of her cheek as she dug deep inside her brain to think of something. After a few seconds, she managed to come up with one idea.
“Dan, tulungan niyo ako. Gusto kong gumawa ng mga short videos para ma-post online,” natatawa na kaagad siya kahit na hindi pa niya nasisimulan ang pagsasabi ng buo niyang idea. Hindi pa rin nga nila alam kung bakit ang saya niya bigla pero itong dalawa ay mabilis talagang nag ayos upang kunin ang mga kailangan nilang kagamitan. Camera, ilaw, pati make up kit, sa loob lang ng limang minuto ay handa na si Aliyah.
“Ganito, babasahin natin ‘yong mga nakasulat tapos habang- ah alam ko na, teka. Ira, ikaw ang magbabasa tapos iaarte namin ni Dan ‘yong mga kuwento. Ikaw ang gaganap na Prince Kairo, Dan-” mabilis na natawa si Aliyah dahil bigla nalang na kinuha ni Dan ang eyebrow pencil para gayahin ang makapal na kilay ng Prinsipe. Pagdating talaga sa kalokohan ay wala siyang uurungan. Hindi na siya nag dalawang isip na gawin ang nais ng dalaga dahil sanay na rin naman siya na palaging nakikita sa mga social media posts ni Aliyah.
“Nang minsan nga na nag-date ang dalawa sa isang amusement park, iniwanan ‘di umano ni Prinsipe Kairo si Aliyah na nangangatog sa ginaw habang naka pila para sa isang ride! Talaga namang hindi na nito naisip na naroon at naghihintay si Aliyah habang siya naman ay busy na kumakausap ng mga naggagandahang babae sa paligid niya,” natatawa si Ira habang binabasa ang mga nakasulat sa tablet.
Bawat sabihin niya ay inaarte ng dalawa niyang kaibigan. Kaya naman itong si Aliyah ay biglaan nalang na nangatog nang nangatog habang si Dan ay nagkukunwaring kumakausap ng mga babae sa tabi niya kahit na wala namang ibang nandoon. Wala rin siyang hinto sa pag halpos sa panga niya na tila ba nagpapa- pogi. Lahat sila roon ay biglaan nalang na nagsitawanan nang napakalakas dahil sa mga pinag gagawa nilang kabaliwan. They enjoyed the whole morning doing that.
Hindi nila alam na habang nababahala na naman ang mga conseho at ang buong palasyo dahil sa mga panibagong paninira sa Prinsipe, ibang klaseng pag atake naman ang binabalak na simulan ni Aliyah.
Unti- unti na nagkakaroon ng mga komento na tagilid online. Mukhang puro mga galit lang na fans na hindi alam ang paniniwalaan ang naglalabas ng sama ng loob. Mayroon talagang iilan na hindi makukuha kung paanong imposible itong mga claims sa article. Nagagalit na sila kasi ginagawan lang daw ng masama itong prinsesa nila.
“I don’t know how this much people still can’t read and comprehend that well!” Kairo threw his own phone as he was viewing the comments while Fernan is right there watching him slowly lose all his marbles.
“Ginagawan na ng paraan ng mga to natin ‘yan,” Fernan said while struggling to pick up the phone that sky rocketed. “Kapag dumating na rin dito si Lady Aliyah, hindi na rin masyadong mahihirapan ang team natin dahil matutulungan niya tayong linisin ang pangalan mo. Halata naman ng marami na peke ang buong article na ‘yan. May ilan lang talaga na hindi pa rin nagagawang intindihin ang buong konteksto, hindi pa nila maintindihan na imposible na mangyari ang lahat ng sinasabi roon.”
A loud knock stopped the two. As the door to Kairo’s office opened, a middle aged woman entered.
“Pardon me, Prince Kairo- uhm, Lady Aliyah posted videos!” she happily yelled. Lumapit pa ito upang ipakita sa kanilang dalawa ang video na nasa tablet na hawak niya.
It was the video of Aliyah struggling to contain her laughter as she act out a scene from the article that Ira’s reading. The source of their whole problem was the source of Aliyah’s fun that morning. Ginawa lang niyang katatawanan ang bawat masasamang sinasabi nila sa article. Dan did a really great job pretending to be the Prince too. She even wore extra baggy clothes and drew on a fake mustache even though the Prince didn’t have one. Sinosobrahan nila sa galing ang bawat kilos nila. Talagang kung sasabihin na nangangatog si Aliyah, siguradong buong video ay nangangatog siya. No’ng tinapunan naman daw ng ice cream si Aliyah, tinapunan ni Dan ng invisible na ice cream si Aliyah at mabagal itong umupo sa simento at umarte pa na umiiyak kahit tawang- tawa naman siya.
“She’s shutting down all the issues by posting these short skits. Aliw na aliw ang mga tao dahil sa ginagawa niya. Hindi lang niya nagagawang pathimikin ang mga maling claims tungkol sa mahal na Prinsipe, napapatunayan rin niya na hindi kayo apektado. You can even see a video of her laughing non-stop at how absurd the claims were.”
Fernan started laughing at the skits, “She’s really saving us from everything, huh?” he commented.
Nakahinga nang maluwag si Kairo, “How is she so fast at dealing with this? I can’t believe her wit. She’s amazing.”